Chapter 10

65 4 0
                                        

Clarizette Marie's

"Kamusta ka na? Parang nangangayayat ka na ah" nag-aalalang sabi ni Marianne kaya napabuntong hininga na lang ako. Nandito ako ngayon sa likod-bahay namin at nagsasaing sa tungko. Ito na lang ang pansamantalang maitutulong ko sa pamilya ko.

"Hindi pa rin ako pinapansin nina Nanay at Tatay" Malungkot na tugon ko sa pinsan ko habang pinapaypayan ang baga ng kahoy para umapoy.

"Ganun ba? Hays wag mo na muna yang isipin. Baka makasama pa sa baby mo. Malay mo naman pag nakita nila ang apo nila, mawala na ang galit nila" pang-aalo sa'kin ni Marianne pero hindi pa rin talaga nawawala yung guilt at lungkot sa puso ko. Hindi ako sanay ng hindi man lang tinitingnan o kinakausap ng mga magulang ko. Maging ang mga kapatid ko ay malamig ang pakikitungo sa akin tapos ang mga kamag-anak ko pa ay kung ano-ano nang mga pinapakalat na chismis. Buti na nga lang at nariyan si Marianne na kahit papaano ay dumadamay sa akin.

"Alam mo, insan .. nanghihinayang pa rin talaga ako sa inyo ni Hans. Kung siguro siya ang nakatuluyan mo, hindi magagalit ang pamilya mo. Aba, buhay na kayo dun ng anak mo! Buhay reyna ka siguro" sabi ni Marianne habang ngumangata ng dala niyang chips. Gusto ko sanang humingi kaya lang umiiwas ako sa junk foods. Hindi ko pa rin kasi napapacheck up ang tiyan ko. Ayokong magkaroon ng komplikasyon ang ipinagbubuntis ko.

"Kung di ba naman tanga yang pinsan mo e. Nasa kama na, lumipat pa sa banig" singit sa amin ni Ate Myla na hindi ko namalayang nakalapit na sa amin. "Magpapabuntis ka rin naman pala, hindi pa doon sa may pera. Edi sana nakaahon ka na ngayon sa hirap!"

"Ate naman. Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Para namang ATM ang tingin mo kay Hans" kontra ni Marianne sa kapatid niya.

"O bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Sa panahon ngayon, dapat praktikal ka na" humarap siya sa'kin. "Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Hans? Bakit kayo naghiwalay?"

Yumuko ako at inabala na lang ang sarili sa paghawi ng mga kahoy sa tungko para hindi masunog ang sinaing ko. "Nagalit. Nalaman niya kasing nabuntis ako sa inuman at hindi ko alam kung sinong nakabuntis sa'kin" pabalang na sagot ko.

Iyon naman kasi talaga ang gusto nilang marinig. Alam kong marami na silang haka-haka at sariling kwento tungkol sa ipinagbubuntis ko kaya tutuldukan ko na yun. Tutal, masama na rin ang tingin nila sa'kin edi lulubusin ko na. Isa pa, para hindi na rin nila guluhin pa si Hans.

Napasinghap ako nang basta na lang may sumabunot sa buhok ko mula sa likod. "Talagang wala kang kahihiyan, ano? Ipinagmamalaki mo pa talagang kaladkarin kang babae?! Nakakahiya ka!" galit na galit na sabi ni Kuya Kiko. Hindi ko alam na umuwi pala siya.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon