Chapter 25

58 5 0
                                    

Hannah Claudette's

"Are you sure about this?" naniniguradong tanong ko kay Hans habang nakasakay kami ng eroplano patungong Australia.

Unfortunately, Rebel was diagnosed with Bone Marrow Cancer. Kulang ang deskripsyong gumuho ang mundo ko sa tindi ng sakit na nararamdaman ko nung nalaman ko ang dinadanas ng anak ko.

I even questioned God. Bakit sa dinami-dami ng tao ay anak ko pa? Napakabait na bata ng anak ko. Pinalaki ko siyang may takot sa Diyos. Hindi niya nakakalimutang magdasal bago matulog, bago kumain, at pag may mga blessings siyang natatanggap ay palagi siyang nagpapasalamat.

Bumuntong hininga si Hans at tipid na ngumiti. "Kung kailangan nating libutin ang mundo para makahanap ng magagaling na doktor para gumaling si Rebel ay gagawin natin"

Hindi ko mapigilang mapaluha. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa taong ito dahil hinding-hindi niya kami pinababayaan. Kagabi, noong nalaman niya ang tungkol sa sakit ni Rebel ay kaagad siyang tumawag sa mga kakilala niya para magtanong-tanong ng mga ekspertong doktor para sa sakit ni Rebel. At nung nalaman niyang mataas ang survival rate ng cancer patients sa Australia ay kaagad din siyang nagpabook ng ticket para sa aming tatlo.

Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil. "Thank you so much, Hans"

Masuyong ngumiti siya at pinisil ang kamay ko. "Gagawin natin ang lahat para gumaling si Rebel"

Tumango ako at isinandal ang napapagod kong katawan sa sandalan. Kailangan ko siyang paniwalaan dahil kailangang gumaling ng anak ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin pag nawala sa'kin ni Rebel.

Pagkarating namin sa Australia ay kaagad kaming dumeretso sa ospital na ni-refer ng kaibigan ni Hans na si Lynard.

Si Hans ang umasikaso ng lahat. Mula sa kwarto hanggang sa mga doktor na susuri kay Rebel. Mabuti na lamang talaga at naririto siya dahil hindi ko alam ang gagawin kung mag-isa lang ako.

"Mommy, where are we?" inosenteng tanong sa'kin ni Rebel habang narito kami sa Emergency Room ng ospital. Chineck kasi siya ng mga doctor kanina at nakatakda siyang sumailalim sa iba't-ibang mga tests mamaya.

Nginitian ko ang bata at hinaplos ang buhok niya. Ang payat-payat na ng anak ko at ang putla-putla. Akala ko talaga nung una ay simpleng lagnat lang ang sakit niya pero malala na pala. "We're in Australia, baby."

Kaagad na umaliwalas ang mukha ng bata. Kuminang ang mga mata niya at bakas doon ang excitement. "Really, Mommy? I want to see a kangaroo, Mommy!"

Natawa ako sa bata at kinintalan siya ng halik sa noo. Pinanggigilan ko ang ilong niya "Soon, baby. But for now, be a good boy and follow the doctor's order. Para mabilis kang gagaling"

Nakangiting tumango naman si Rebel bago ipinikit ang mga mata. Bagamat masigla at palaging nakangiti kasi ang bata ay hindi pa rin maitatago ang panghihina niya. Tulog lang siya nang tulog na minsan ay ikinakatakot ko na talaga kaya hindi ko siya iniiwan. Kahit mapuyat ako ay binabantayan ko siya habang natutulog siya.

Napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Hans at inabutan niya ako ng pagkain. "Kumain ka muna. Mamaya daw ay sasailalim sa CT Scan si Rebel"

Napabuntong hininga ako. Wala akong kagana-ganang kumain kaya ipinatong ko sa bedside table ang inabot ni Hans. Tumayo ako at inayos ang kumot ng bata. "Rebel wants to see a kangaroo"

Napatingin sa'kin si Hans. Tulad ko ay parang wala din siyang ganang kumain dahil inilagay din niya ang dala niyang pagkain sa bedside table.

"Then he will. Dadalhin natin siya sa lugar na may kangaroo" parang balewala lang na sabi niya kaya napabuntong hininga ako. Sana ganun lang kadaling solusyunan ang lahat ng problema.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon