Clarizette Marie's
"Ano kayang magiging hitsura ng anak natin pag lalaki?"
Parang nanginig ang buo kong pagkatao dahil sa sinabi niya. Ang init-init ng buong mukha ko at hindi ko rin maapuhap ang salitang dapat itugon. Alam kong biro lang yun pero tila ba nagising ang lahat ng himaymay ng katawan ko.
"Mama, Papa! I won! I did it!" Kaagad kaming napahiwalay sa isa't-isa nang makalapit si Isla sa amin. May suot na siya ngayong gintong medalya habang tuwang-tuwang iwinawagayway sa harap namin ni Hans.
Tumikhim ako at pilit na tumawa saka tumayo para yakapin ang anak ko. "C-congratulations, ate. Sabi sayo kayang-kaya mo yan e"
Narinig kong natawa din si Hans at tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo. Hinila niya si Isla mula sa akin at niyakap ang anak. Hinalikan niya ito sa noo at magaang pinisil ang pisngi. "I'm so proud of you, my love"
Ngumisi si Isla at kumindat sa'kin habang nakayakap sa bewang ng ama. "Thank you, parents!"
Nginitian ko ang bata nang hindi man lang tinitingnan si Hans ngunit ang ngiti ko ay napalitan ng pag-aalala nang marinig ko ang iyak ni Arielle. Dali-daling lumingon ako sa anak ko at kaagad na napakatakbo nang makitang nadapa siya ngunit naunahan na kaagad ako ni Hans sa pagbubuhat sa kaniya. Ang bilis talaga ng gagong 'to.
"I'm sorry po, mahal ko" pang-aalo niya sa bata na sisigok-sigok na yumukyok sa leeg niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walanghiya ay kinindatan lang ako kaya inirapan ko siya. Kundi dahil sa kagaguhan niya kanina ay hindi namin makakalimutan si Arielle.
As expected ay nakuha din ng anak ko ang kampeonato sa larangan ng Sci-Dama kaya tuwang-tuwa ang ama niya. Kaagad siyang nakipagvideo call sa mga kabarkada niya at ibinalitang nagwagi ang anak sa tatlong kompetisyon na nilabanan. Tuwang-tuwa din naman ang mga kabarkada niya at nangakong magbibigay ng reward kay Isla.
Dahil hapon na natapos ang kompetisyon ay umuwi na rin kami sa transient house na ni-rent ng school nina Isla. Mas minabuti kasi namin na dito na lang sumama dahil mahirap pang maghanapan kung lalayo kami. Masaya namang kasama ang nga teachers and schoolmates ni Isla.
Kinabukasan, umalis na rin ang mga teachers and schoolmates ni Isla pero kami ay nagpaiwan dahil nga gusto pang maggala ni Hans at gusto pa rin naming makabonding ang mga bata.
"Gusto mo?" tanong sa'kin ni Hans sabay bigay ng strawberry ice cream kaya inirapan ko muna siya bago tinanggap iyon. Paano niya nagagawang kausapin ako ng kaswal matapos niyang buhayin ulit ang natutulog na mga himaymay ng katawan ko?
Narinig kong natawa siya kaya nakataas ang isang kilay na tiningnan ko siya. "Happy ka?"
Nagkibit balikat siya at tumango-tango. "Oo. Ngayon lang ulit kami nakagala ng mga bata e" sagot niya habang nakatingin sa mga anak naming magkahawak kamay na naglalakad.
Narito kami ngayon sa Botanical Garden. Tuwang-tuwang ang mga bata at kanina pa sila nagpicture nang nagpicture. Kahit si Arielle na hindi naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya ay mukhang nag-eenjoy.
Napakunot ang noo ko. "Bakit? Di kayo gumagala noon?"
"Oo. Wala ka e" diretsong sagot niya kaya nasamid ako. Kaagad naman siyang napatingin sa'kin at inabutan ako ng tubig.
Bago pa ako makainom ng tubig ay inagaw niya sa'kin ang kinakain kong ice cream. "Wag ka nang kumain nito. Baka ubuhin ka pa"
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa balikat. "Akin na yan!"
Natatawang ibinigay naman niya ulit sa'kin ang ice cream. "Dahan-dahan kasi. Di ka naman mauubusan"
Muli ay inirapan ko siya. Tatawa-tawa lang naman siya kaya kahit naiinis pa rin ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya ng ganito. Ang payapa lang.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiction généraleEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...