Chapter 27

68 6 0
                                        

Clarizette Marie's

"Really? Tulips? Parang first time kong makatanggap nito ah" pang-aasar ko kay Trevor nang abutan niya ako ng bouquet ng tulips pagkalapit niya sa'kin.

Tumaas naman ang sulok ng labi niya at bahagyang lumapit para kinintalan ako ng halik sa noo. "Welcome home, Lizzie"

Hindi ko maiwasang mapangiti. Namiss ko rin ang gagong 'to. Sa isang taong pamamalagi ko sa London ay siya ang naging parang mata ko sa mga anak ko. Siya ang nagsesend sa'kin ng mga candid photos ng mga bata lalo na pag miss na miss ko na ang mga ito.

Isang taon ding nagkahiwalay kami ng mga anak ko dahil naimbitahan ako ni Mr. Evans na mag guest sa isang malaking play sa London. Sa totoo lang ay wala naman akong balak tanggapin iyon pero kinailangan. 

Kailangan kong lumayo pansamantala para makapag-isip-isip at para na rin sa kanya.

Sigurado kasing kung hindi ako lalayo, parang gulong lang na pa-ikot-ikot kami. Magkakasakitan lang kami and worst, madadamay pa ang mga anak namin.

"Where do you want to eat?" napapitlag ako nang malambing na nagsalita si Trevor at inagaw ang mga gamit kong nakasakay sa isang cart. Siya kasi ang sumundo sa'kin ngayon sa airport dahil siya lang naman ang maasahan ko. May kanya-kanyang buhay na rin kasi ang mga kapatid ko kaya nakakahiya nang mang-istorbo.

Tipid na nginitian ko siya. "Kahit saan"

Tumango-tango naman siya at umakbay sa'kin. Napabuntong hininga ako. Namiss ko ang Pilipinas at miss na miss ko na rin ang mga anak ko. Kahit araw-araw, gabi-gabi kaming magkausap ni Isla habang nasa ibang bansa ako ay hindi pa rin nun maiibsan ang pangungulila ko sa kanila.

Habang kumakain kami ni Trevor sa isang restaurant ay pinakita niya sa'kin ang video nung nag 1st birthday si Arielle. Ang ganda-ganda ng pagkakagayak sa venue. Nagmukha talagang prinsesa ang anak ko. According kay Trevor ay si Hannah daw mismo ang nagplano ng party na yun.

May gumuhit na sakit sa dibdib ko pero pilit kong inignora. Wala akong karapatang masaktan dahil ginusto ko 'to. Ginusto kong magparaya.

"Then, here's Isla nung sumali siya sa isang pageant sa school. Look, ang ganda-ganda" excited na sabi ni Trev sabay slide ng isa pang video. Mula nga doon ay nakita ko si Isla na rumarampa sa stage. Kahit may tumutulong mga luha ay hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko alakaing mapapasali si Isla sa mga pageant dahil sa totoo lang ay may pagka barako ang anak ko. "Athena trained her well"

Napatingin ako kay Trev dahil sa sinabi niya at napailing na lang. Noon kasi ay pag binabanggit niya si Athena, kumikislap ang mga mata niya. Ngayon ay parang kaswal na kaswal na lang sa kanya. Totoo ngang nakamove on na siya.

"Kaya naman pala nanalo si Isla. Bigatin ang nag-train" natatawang komento ko sabay pahid sa mga luha ko. Alam ko ang tungkol sa pageant na yun dahil ilang beses na tumawag sa'kin si Isla bago rumampa dahil kinakabahan daw siya. Bukod pa doon ay nanood din ako ng live ni Andrea dahil full support ang buong tropa sa pagrampa ng panganay ko.

Natawa si Trev at pinagpatuloy ang pagpapakita sa'kin ng mga videos and pictures ng mga anak ko. Literal na sinunod niya ang request kong bantayan ang mga anak ko habang wala ako dahil punong-puno ng pictures at videos ng mga bata ang phone niya. May mga notes din siya bawat araw kung anong ginagawa ng mga bata. Hindi ko alam kung paano siya nakakalapit sa mga bata nang hindi nakikialam ang ama ng mga ito. Knowing him, malaki ang galit nun kay Trevor.

"Saan kita ihahatid?" tanong sa'kin ni Trev matapos naming kumain. 1 am na at antok na antok na rin ako.

"Paampon muna sa condo mo. Masyadong malayo pag umuwi pa tayo ng Batangas or pag nagpahatid pa ako sa probinsya" sagot ko sa kanya habang humihikab kaya nagkibit balikat siya at inilagay na sa sasakyan niya ang mga gamit ko.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon