Chapter 13

62 4 0
                                        

Clarizette Marie's

"Anak mo. Anak natin"

Halos bulong lang na sagot ko kay Hans ngunit sapat na para marinig niya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin dahil sa tagal kong naghahanap ng tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya ang totoo ay ngayon ko pa talaga napili. Sa isang pampublikong lugar at sa hindi inaasahang oras. Walang kaplano-plano at walang ligoy. Na hindi na iniisip kung may makakakilala ba sa kaniya o wala.

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mapupula niyang labi. Isa si Hans sa mga kilala kong kayang kumontrol ng emosyon pero sa mga oras na ito ay basang-basa ko siya. Nababasa ko ang sakit sa mga mata niya at ang tinatagong galit dahil sa pagkuyom ng mga kamay niya.

Ilang beses siyang umiling-iling at huminga ng malalim na parang kinakalma ang sarili. Ilang beses niyang binalak na magsalita pero parang walang namumutawing salita mula sa mga labi niya. Napapakamot siya sa batok niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Isla na parang hindi makapaniwala.

"Mama, anong nangyayari kay Sir?" bulong sa'kin ni Isla kaya kahit papaano ay napangiti ako. Mukhang hindi narinig ng anak ko ang sinabi ko kanina sa ama niya.

Umupo ako sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya. Ngitian ko siya at saka kinintalan ng halik sa noo "Nagulat lang siya, baby. Do you want to comfort him?"

Napakunot naman ang noo ni Isla. "How?"

"Lapitan mo siya then hold mo yung hand niya" bahagyang tinulak ko siya palapit sa tatay niya. Napakamot naman sa ulo niya ang bata atubuling sinunod ang sinabi ko. Nang nakalapit na siya kay Hans ay lumingon siya sa akin kaya muli ay nginitian ko siya at bahagyang tinanguan.

Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang dahan-dahang paghawak ni Isla sa nakakuyom na kamay ng ama niya. Muli ay natigilan si Hans at yumuko para harapin ang bata. Kitang-kita ko kung paanong mangilid ang luha sa mga mata ni Hans kasabay ng dahan-dahang pagluhod sa harap ng anak namin.

Hindi niya alam kung paano hahawakan si Isla ngunit sa huli ay napili niyang yakapin ang bata at kargahin. Paulit-ulit niya itong hinahalikan sa ulo habang ang mga luha niya ay patuloy sa pagtulo.

Nang muling sinalubong niya ang tingin ko ay lalo kong nabakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

Lalapit sana ako sa kanila nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa tabi ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Trevor na walang emosyong nakatingin sa mag-ama. "Is he the father?"

Pinahid ko ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko at saka kiming tumango. "Yes. He is"

Sa loob ng mahabang panahong pananahimik ko ay ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa iba ang tunay na katauhan ni Isla. Sana lang talaga, wag magulo ang buhay ng anak ko dahil sa desisyon kong ito.

Ilang sandali pa ay lumapit na sa amin si Hans habang karga pa rin si Isla. Nang makita ng bata si Trevor ay kaagad nitong inistretch ang kamay para sumama sa lalaki na kagaad naman siyang kinarga. Mukhang nailang siya kay Hans kaya muli ay nabakas ang sakit sa mga mata niya.

"Clariz, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya pagkuwan kaya tumango ako. Wala naman akong magagawa dahil ginusto ko ang desisyong ito.

Hinarap ko si Trevor at bahagyang nginitian. "Ikaw na muna ang bahala kay Isla. Pag napingasan ang ganda niyan, kakalmutin kita"

Pinitik naman nito ang noo ko kaya napangiwi ako at saka bumalik na siya sa table namin kanina habang karga pa rin ang anak ko. Nang lingunin ko si Hans ay nakasunod ang tingin niya sa dalawa.

Huminga ako ng malalim at saka tinapik ang balikat niya. "I'm sorry, Hans"

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko dahil iyon ang dapat. Malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya tanggap ko kung magagalit man siya. Basta wag na wag lang niyang kukunin ang anak ko.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon