Honesto Andres'
"Hindi kaya naaawa ka lang kay Hannah tapos nasasanay ka lang kay Lizette?" Diretsahang tanong sa'kin ni Jerick kaya napatigil ako sa tangkang pag-inom ng alak.
Dito ako dumeretso matapos kong ihatid si Clariz sa probinsya. Thankfully ay pinagbuksan pa ako ng kaibigan ko kahit na madaling araw na.
Napabuntong hininga ako at umiling-iling. Pinaglaruan ko sa mga palad ko ang baso ng alak. "Hindi ko alam"
Bahagyang natawa si Jerick kaya napatingin ako sa kaniya. "I've been there. Minsan ko na ring nakwestyon ang sarili ko kung mahal ko pa ba talaga si Kays. At minsan na rin akong nalito dahil may nakilala akong akala ko gusto ko"
Tuluyan niyang nakuha ang atensyon ko. Sabi ko na nga ba, tama ako ng pinuntahan e. "What happened?"
Nagkibit balikat siya. "You know our story. Lagi kaming hindi nagkakaintindihan at nag-aaway hanggang sa nagsawa ako. Sabi ko noon sa sarili ko, ayoko na. Magbibigay na lang ako ng sustento sa anak namin pero ayoko nang balikan si Kays kasi nagsasawa na ako sa sitwasyon namin" natatawa at naiiling na kwento niya at pagkatapos ay uminom ng alak.
Nanatiling tahimik ako habang panaka-nakang umiinom din. Alam ko namang halos magpatayan na sila ni Kaycee noon dahil siguro, factor na din na maaga silang nagsama. They were only teens when Kendrix came into their lives.
"Until one day, I met Mia. Tindera siya doon sa isang karinderya na minsang kinainan namin. She's pretty, wise and hardworking. I talked to her and I found it comforting. Chill lang siyang kausap. She somehow resembles to Kays noong nagsisimula pa lang kami. Mahinhin, inosente, hindi nagmumura. Sabi ko noon sa sarili ko, baka siya na yung makakatulong sa'kin na tuluyang makalimutan si Kays since that time ay boyfriend pa rin ni Kays si Gavin." tuloy niya kaya napaismid ako. Tandang-tanda ko ang eksenang iyon ng buhay nila dahil para silang mga tanga noon.
"Pero isang araw, nang makita ko ang mag-ina ko na nakahiga sa kama ko habang magkayakap, nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Wala akong nakikitang ibang babae na hihiga sa kama ko at yayakap sa anak ko kundi si Kays lang. Then I realized, mas gusto kong marinig araw-araw yung ligalig ni Kays kaysa ang mahinhing tawa ni Mia. Mas gusto ko yung pakiramdam na nagrereklamo si Kayceelyn kaysa ang mga papuri sa'kin ni Mia. At higit sa lahat, mas gugustuhin ko pa ring makatabi sa pagtulog ang ina ng anak ko at siya pa rin ang unang mabungaran ko sa umaga" bakas ang ngiti sa mga labi niya. Siguro ay dahil okay na sila ngayon ni Kay.
"And what happened to Mia?" curious na tanong ko.
"Kinabukasan nung gabing narealized ko na hindi ko pala kayang talikuran si Kays ay kinausap ko kaagad si Mia at humingi ako ng tawad sa kaniya" mabilis na sagot niya kaya napatango-tango ako. Kahit na nagshare sa'kin si Jerick ng kwento niya ay hindi ko pa rin nasasagot ang mga tanong sa utak ko. Ang gulo-gulo kasi.
Alam kong mahal ko si Clariz. Mula pa noong college kami hanggang ngayon na asawa ko na siya at nanay na siya ng mga anak ko. Pero bakit hindi ko kayang tiisin si Hannah?
Noong umuwi ako dito sa Pilipinas dahil nanganak si Clariz, palaging pumapasok sa isip ko si Hannah. Nag-aalala ako para sa kaniya. Hindi ako mapakali at gustong-gusto ko siyang balikan sa Australia pero ayoko namang iwan ang mag-ina ko.
Nung araw na magkausap kami at sinabi niyang miss na niya ako, biglang kumabog ang dibdib ko. Iyon ang naging dahilan ng takot ko. What if nahuhulog na rin ako kay Hannah kaya nag-aalala ako sa kanya? What if isang araw, magising na lang akong si Hannah na ang gusto kong makasama at hindi na si Clariz? Nang maisip ko yun ay ayaw pumayag ng utak ko. Itinatak ko kasi ditong bibigyan ko ng kumpletong pamilya ang mga anak ko kaya hindi ako pwedeng magmahal ng iba bukod sa nanay nila.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Narrativa generaleEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...