Chapter 16

61 4 0
                                        

Clarizette Marie's

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kakasarado lang na pinto ng kwarto. Kakalabas lang ni Hans dahil biglang tumawag yung Hannah at ibinalitang gising na daw ang bata at hinahanap nito si Hans.

Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na nahiga sa kama. Ibinalot ko ang halos hubad na sarili sa kumot at mariing ipinikit ang mga mata ko.

Muntik na naman yun. Muntik na naman akong maniwala sa mga pambobola ni Hans. Muntik na namang makagawa ako ng kasalanan dahil tinraydor na naman ako ng katawan ko. Bakit ba hindi ako makaalma sa tuwing nilalandi ako ng gagong yun?

Sinapok ko ang sarili ko dahil sa pagkairita. "God, Lizette! Kaka-exciting mong nalalaman kanina, ikaw pa ang magiging kabit ngayon!"

Bumangon ako sa kama at inayos ang damit ko. Pumunta ako sa kwarto ni Isla at doon na lamang tumabi sa anak ko para matulog.

Naalimpungatan ako nang may yumakap sa'kin mula sa likod. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Hans iyon kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong kakauwi lang niya.

Hindi naman nagtagal ay tumunog din ang alarm clock ko kaya kailangan ko nang bumangon. Dahan-dahang inalis ko ang nakapulupot na bisig ni Hans sa bewang ko at maingat na bumangon na ako ng kama. Tulog na tulog pa ang mag-ama kaya kalkulado lang ang galaw ko para hindi sila magising.

Nag-ayos lang ako ng sarili at pagkatapos ay tinawagan si Trevor para magpasundo. Sana lang talaga ay hindi pa siya nakakabalik ng Manila dahil ayaw kong mag-commute.

Matapos kong kausapin si Trevor ay bumalik ako sa kwarto ni Isla. Tulog na tulog pa rin ang mag-ama habang magkayakap. Dahan-dahang lumapit ako kay Isla at hinalikan siya sa noo. Baka sa Monday ng hapon ko pa siya mabalikan dahil puno ang schedule ko.

Nang sulyapan ko si Hans ay bahagyang nakanganga pa siya at humihilik. Siguradong pagod na pagod siya at antok na antok kaya hindi talaga siya nagigising. Kilala ko ang lalaking 'to. Mababaw lang ang tulog niya palagi. Mabilis siyang magising sa kaunting kaluskos lang dahil sa ganung paraan daw siya sinanay ng Daddy niya.

Nang makatanggap ako ng chat kay Trevor na nandiyan na daw siya sa tapat ng bahay ay kaagad na lumabas na rin ako.

"I waited for you last night. Di ka man lang tumawag" tila ba tampong sabi niya kaya natawa ako at dinutdot ang pisngi niya.

"Tampo ka na niyan?" pang-aasar ko pero pinalis lang niya ang kamay ko at inirapan ako.

Naging tahimik ang byahe namin ni Trevor dahil mukhang wala din siya sa mood. Pagkarating namin sa condo niya ay kaagad din siyang nagpaalam na babalik ng Batangas dahil pupuntahan pa daw niya ang pamangkin niya. Hindi ko na nga nakamusta ang tungkol sa pamangkin niya dahil mukhang nagmamadali siya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Mukhang napilitan nga lang siyang ihatid ako rito.

Pagkapasok ko ng condo ni Trevor ay saktong tumunog ang phone ko. Nakagat ko ang labi ko nang makitang si Hans ang tumatawag. Baka ginising na 'to ni Isla kaya pati ako ay binubulabog na niya.

"Mama!" napataas ang kilay ko nang boses ni Isla ang bumungad sa'kin. "Mama, pinagluto ako ni Papa ng pancake!"

Napangiti ako sa tinuran ng bata. Siya lang talaga ang may kakayahang pakialaman ang phone ni Hans at guluhin ang tulog nito nang walang kahirap-hirap. "Baby, let your Papa rest. Pagod yan." paalala ko sa kanya.

"E Mama, sabi ni Papa dadalaw daw kami kina Tito Jerick. Excited ako, Mama. Makikipagplay ako kay Kuya Kendrix at baby Jade!" tuwang-tuwang tili niya kaya napailing na lang ako. Palibhasa kasi bahay namin doon sa probinsya ay puro aral lang siya at bihira lang makalaro ang mga pinsan niya kaya ngayon bumabawi.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon