Chapter 20

50 5 0
                                    

Clarizette Marie's

"Mama!" kaagad na napabangon ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Isla mula sa labas ng pinto. Kahit na medyo nahihilo pa ay pinilit kong tumayo para mapagbuksan ang bata.

Nang mabuksan ko ang pinto ay kaagad akong dinaluhong nito ng yakap. Nagtataka man kung bakit narito siya sa probinsya ay hindi pa rin maitatangging masayang-masaya ako. Miss na miss ko na kasi itong panganay ko. Halos isang linggo rin kaming hindi nagkita mula noong ihinatid ako ni Hans dito.

"Sinong naghatid sa iyo, Ate?" takang tanong ko nang makabawi. Ang alam ko kasi ay nasa Australia na ulit si Hans. Kinabukasan, pagkahatid niya sa'kin dito ay lumipad na ulit siya pabalik doon. Iniwan niya si Isla sa mansyon ng mga magulang niya dahil may pasok pa ito sa school.

"Si Tito Ryan po" maikling sagot ni Isla kaya napabuntong hininga ako. Malamang sa malamang ay punong-puno na naman ng gwardiya ang paligid ng bahay namin. Though, hindi ko naman sila nakikita ay nakakailang pa rin sa pakiramdam na alam mong may nagbabantay sayo.

Hinaplos ko ang buhok ni Isla at hinalikan siya sa noo. Malaki talaga ang pasasalamat ko na nauunawaan ni Isla ang sitwasyon namin ng Papa niya. Hindi siya nagtatanong ng mga bagay-bagay na hindi ko alam kung paano sasagutin. Siguro ay nasanay na rin siya dahil noong maliit pa siya ay palagi rin akong wala sa tabi niya.

Sa totoo lang ay naaawa ako sa anak ko pero ano bang magagawa ko? Gustuhin ko man siyang kunin ay natatakot ako sa maaaring magawa ni Hans. Baka lalo lang akong mawalan ng karapatan sa bata. Ayokong isugal ang kakarampot na chance na mayroon akong makasama ang anak ko.

-

HABANG nasa probinsya ako ay si Isla ang dumadalaw sa akin tuwing wala siyang pasok. Minsan nga ay nagugulat pa ako dahil ang Daddy mismo ni Hans ang naghahatid sa anak ko. Grabe talaga ang kaba ko pag nakikita ko ang taong yun. Nakakaintimidate siya sa totoo lang, pero pag kausap niya si Isla ay malambot ang ekspresyon ng mukha niya. Kamukhang-kamukha pa niya si Hans.

"Mama, kailan lalabas si baby?" inosenteng tanong ni Isla habang nakahiga kami sa kwarto at hinahaplos-haplos niya ang tiyan ko. Dahil Saturday naman ay hinatid siya ng Lolo niya kanina. Ang daming prutas na dala ng mga ito. Pwedeng-pwede ko na ngang idagdag sa paninda ko ang mga prutas na dala nila.

Nginitian ko ang bata at saka magaang pinisil ang pisngi niya. "2 months pa. Why? Excited ka na bang makita si baby?"

Tumango si Isla at pagkuwa'y sinalubong ang tingin ko. Ngumuso siya at saka yumakap sa'kin. "Sabi po kasi ni Papa, uuwi siya pag lalabas na ang baby natin. Miss ko na si Papa, Mama."

Natigilan ako sa sinabi ng anak ko at awtomatikong kumirot din ang puso ko. Anong isasagot ko sa anak ko? Yung sagot na hindi siya masasaktan? Hindi ko kakayaning sabihin sa kaniya na may ibang pamilya na ang Papa niya sa Australia kaya palagi itong wala.

Tumikhim ako para mawala ang nakabarang kung ano sa lalamunan ko at saka hinaplos-haplos ang likod ng bata. "A-ahm, m-may ginagawa lang na importante si Papa sa Australia. Siguradong miss na miss ka na rin nun"

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang mahihinang hikbi ni Isla. Wala akong magawa para mapatahan siya dahil kahit ako, natatalo na ng emosyon ko.

--

"HI, Lizette! Pinapasundo ka nga pala ni Honesto" natigilan ako nang pumasok sa opisina ko si Lynard. Mula sa likod niya ay sumulpot din sina Jerick, Miguel at Jarred na kumakaway-kaway sa'kin.

Napakunot ang noo ko. "Bakit daw?"

Nagkibit balikat ang apat at nagkanya-kanya na ng pwesto sa couch na narito sa opisina ko. Kailangan ko kasing kumayod para sa mga anak ko kaya kahit medyo mabigat na si baby ay patuloy pa rin ang trabaho ko. Buti nga at tinutulungan ako ni Nanay sa pagmamanage ng mini-grocery ko kaya nakakapagfocus ako dito sa Workshop studio ko.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon