Chapter 14

62 4 0
                                        

Clarizette Marie's

"What happened? Bakit parang kanina pa mainit ang ulo mo?" takang tanong sa'kin ni Trevor kaya inirapan ko siya.

Narito kami ngayon sa resort na paggaganapan ng kasal nina Andrea at Lynard dahil dito na naisip magstay ng barkadahan nila para daw sabay-sabay na bukas sa pagpunta ng simbahan. Humiling naman si Hans na isasama daw niya si Isla kaya wala din akong nagawa kundi ang sumama na din. Natatakot akong baka itakas ng walanghiyang yun ang anak ko dahil mukhang sukdulan na  ang galit niya sa'kin.

Kailangan kong sumunod sa mga hiling niya dahil natatakot ako sa banta niyang dalhin pa namin ang usaping ito sa korte. Alam kong kayang-kaya niyang baliin ang batas dahil sa impluwensya nila. Hindi ako makakapayag na mawalan ako ng karapatan sa anak ko.

"I had a bad day. Kanina pa ako nagmumukhang yaya ni Isla habang nakasunod sa kanilang mag-ama" nakangusong sumbong ko kay Trevor habang kausap siya through video call. Natawa naman siya at nakita kong bumangon siya sa kama. Mukhang nagpapahinga na siya dahil nag guest siya sa isang noontime show kanina "Hintayin mo ako. Pupuntahan kita"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gago ka ba?! Malayo 'to! Saka gabi na!"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "So? Batangas pa rin naman yan. Makakarating pa rin ako diyan bago mag-umaga"

"Anong tinira mo, Trevor?!" Asik ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng walanghiya at saka pinatay na ang tawag. Ang lakas din talaga ng tama ng lalaking yun. Mukhang wala siyang magawa sa buhay kaya trip niyang pakialaman yung akin.

"Mama! Tawag ka daw ni Sir!" Nawala ang atensyon ko sa telepono nang marinig ko ang boses ni Isla. Kasama niya yung anak ni Jarred at yung anak ni Jerick. Mukhang close na silang tatlo at mukhang sanay na sanay na sa mga tao dito ang anak ko na parang matagal na niyang mga kakilala.

Napabuntong hininga ako at saka tumayo na. Ano na naman kayang kailangan sa'kin ng lintik na yun? Pag pinagtimpla niya talaga ulit ako ng kape, lalasunin ko na siya. "Nasaan ba ang lalaking yun, anak?"

"Nandoon po sa may villa. Naglalaro sila nina Tito Miguel ng billards." sagot naman ng bata habang busy sa paglamon ng ubas na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya. Hindi naman ako nag-aalala na mapahamak siya dito dahil bukod sa private resort ito ay may mga kasama naman silang yaya. Isa pa, bantay sarado si Kendrix sa kanila na parang kuya na nila ni Sabrina. "Bakit gising pa kayo? Dapat natutulog na kayo dahil maaga pa kayong gigising bukas"

"E Mama, di pa po kami niaantok e!" Katwiran ng anak ko na sinang-ayunan naman ni Sabrina. Napakamot na lang sa ulo niya si Kendrix na parang antok na antok na.

Natatawang ginulo ko na lang ang buhok nila bago ako magpaalam. Kailangan kong puntahan si Hans dahil siguradong irerecite na naman niya ang mga kasalanan ko sa kaniya pag hindi ko sinunod ang gusto niya.

Pagkadating ko sa villa ay si Hans na lang ang nandoon. Lumagok lang siya sandali ng alak at pagkatapos ay muling inasinta ang numero 3 na billiard ball. Halos mapasipol ako nang walang kahirap-hirap na pumasok iyon sa butas. Smooth. Shooter talaga ang gago.

"Tawag mo daw ako? May kailangan ka?" nag-angat siya ng tingin pero kaagad din niya binawi at muling itinuon ang atensyon sa mga bola.

"Naayos mo na ang mga gamit ni Isla?" malamig na tanong niya kaya muli ay napairap ako.

"Kanina pa"

Muli siyang tumira at as expected ay pumasok na naman ang bola. Hindi ko tuloy alam kung may bagay bang hindi kayang gawin ang taong ito e. "Good. Bakit hindi mo pa pinapatulog ang bata?"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon