Napabalikwas ang binatang nagnga-ngalang crus esteban pawis na pawis ito at habol habol ang hininga napahawak siya sa dibdib ngunit napadaing ito ng may maramdaman sa likod niya napaka kirot nun napatanong siya sa sarili kung mali ba ang naalala niya o nasiraan ba siya ng ulo at nagiilusyon nalang at ang totoo ay yun na ang kabilang buhay.
Pinilit nitong tumayo may liwanag sa loob napakunot ang noo niya ng mapagtanto na buhay pa siya dahil sa sakit na nararamdaman.
Napatanong siya sa sarili kung asan siya at sigurado siyang wala siya sa hospital at lalong lalo na hindi pamilyar sa kanya ang lugar na yun dagdag mo pang kumikirot ang likod niya na nag cost ng pagkirot ng buong katawan niya sa hindi malamang dahilan. Pinilit ni crus esteban na tungohin ang pintuan.
Ng mabuksan ang pinto napatingin siya sa napakahabang pasilyo at sa ilang bantay napakaweirdo nito sa paningin ni crus. Out of instinct napalakad siya sa kabilang pasilyo parang alam ng katawan niya kung anong gagawin.
"Shit talaga.!" Mura niya ng mas lalong naramdaman ang mas masakit pa sa kirot nun kanina sa likod niya.
"Ou—woah.!" Imbas na dumaing napa wow siya sa babaeng nakatayo sa harapan niya masmalaki pa to sa kanya hawak niya ang mukha na tumama sa katawan ng reyna. kapansinpansin ang korona na nasa ulo ng babae.
Nakababa ang tingin ng reyna sa kanya umatras siya at napalingon sa mga mga taong kaninang nakita niya mga kawal ito napatigil ang reyna at namutla ang mga kasama nito ng makitang nababalot ng dugo ang puting kasuotan ng lalaki.
Lumapit ang reyna at sa pag atras ni crus esteban nabangga niya ang reyna napalingon dito ang lalaki ng muntik nang ma out of balance si crus. Umikot ang paningin niya na kinapikit-pikit nito sinubukan niyang tumayo pero tuluyang nandilim ang paningin niya buti nalang maagap ang reyna. Tinignan niya ang mga kawal na humabol sa isa sa mga imperial boy ng imperyo.
"Ipagdasal niyong walang mangyari sa ikaapat na imperial boy kundi pupugutan ko kayo ng ulo.!" Namutla ang mga kawal pero lumuhod lang sila sa reyna alam nilang kasalanan nila ang nangyari sa imperial boy ng reyna at gano ito kaimportante sa imperyo at reyna.
Sumunod sila sa reyna na buhat ang imperial boy nito ang iba ay tumawag na ng doctor siguradong hindi sila bubuhayin ng reyna pag may nangyari na namang masama sa imperial boy this time.
"Ang ikaapat na imperial boy ang biktima anong sinasabi niyong kasalanan niya.!" Sigaw ng isa sa mga ministro na nasaloob.
"Kasalanan niya kung hindi niya tinangkang tumakas hindi yun mangyayari.!" Pasigaw ring sagot ng kabilang panig.
"Pero hindi parin makatarungan yun.! isa lang siyang half blood at malaking dagok yun.!"
"Kaya nga dapat hindi tayo pumayag.! At ang reyna na ang kagaya niya ang piliin.! Ni hindi natin alam kung makakaya ba niyang dalhin ang anak ng reyna.!"
Napatigil ang lahat ng tao sa loob matapos kalampagin ng renya ang napakalaking lamesa nagkaroon yun ng kaunting bitak napakatibay nun pero dahil sa lakas ng reyna nasira na naman ito sa ikawalang pagkakataon.
Walang ingay na maririnig nanatili ang mga itong nakatigil nakatingin sa reyna na may madilim na aura at expresyon. Mukhang hindi nagustuhan ng reyna ang mga pinagtalunan ng mga ministro ng imperyo.
"Anong gusto niyong palabasin sa mga sinasabi niyo kahit anong mangyari walang gagalaw sa ikaapat na imperial boy.!" Napatango ang mga ministro at nanatiling tahimik dahil sa napakabigat na presensiya ng reyna na nakakapagpatayo ng balahibo nila sa katawan.
Masyadong sensitive ang reyna sa ikaapat na imperial boy nito kaya dapat hindi sila gumagawa ng mga bagay na ikagagalit ng reyna lalo pa at ito ang lakas at sandigan nila ang hindi mapapantayan na talino at lakas nito ang dahilan kung bakit nakabangon ang imperyo at nanatili itong matatag at pinakamalakas na imperyo sa buong contenente.
Sa ikalawang pagkakataon nagising na naman ang lalaking crus esteban sa pagkakataon na yun may babaeng nakaupo sa pangisahang sofa naka cross legs ito at siklop ang kamay sa dibdib nakatingala at bahagyang nakapikit naamoy niya ang unan napakabango nun para sa kanya. Kahit na matapang pa yun kung may ibang makaamoy.
Napaingit siya at sinapo ang noo napasandal sa headbord ng kama dahil sa sakit. Sigundo lang nasa harap na niya ang ang reyna at hawak siya.
Hahawakan ng reyna ang pisngi ng imperial boy ng out of instinct ay tabigin yun ng lalaki at mas lalong sumiksik sa headboard ng kama. Nagbago ang ningning ng mata ng reyna sa sigundo lang at bumalik rin agad sa dati binawi ng reyna ang kamay at maayos na umupo sa gilid ng kama.
"Maayos ka naba.!" Nanatili lang siyang titig na titig sa napakagandang nilalang hindi niya maintindihan kung bakit siya nag react ng ganun sa babaeng kaharap ngayun.
Napaingit si crus matapos mag pop ang mga alaala ng dating crus esteban mula sa kung pano at bakit siya nasa palasyo at dahil yun sa kadahilanang pinatapon siya ng kinikilala niyang pamilya dahil lang isa siyang half blood. Napakahina niya sinasabi rin nilang siya ang naghatid sa kanila ng kamalasan. Pinatapon at inalipin hanggang sa isang araw natagpuan siya ng reyna sa isang digmaan kaawa awa ang kalagayan niya nun inuwi siya ng reyna pinakain at binihisan.
Pero takot na takot si crus dahil maraming taong ang nagtangkang magsamantala sa kanya at lahat sila nagpakita ng munting kabutihan kaya paulit ulit nitong tinangkang tumakas at pinangilagan ang lahat maging ang reyna. Tinatak niya sa isip na lahat ng taong magpapakita ng kabutihan sa kanya may hidden agenda.
"Crus.!" Pumitik ang reyna na kinatingin niya bakas ang gulat sa mukha ng lalaki.
"Anong lugar to.? saang lugar ng mundong ako napadpad.?" Nalilitong tanong niya kumunot noo ang reyna.
"Nasisiraan ka naba nasa imperyo tayo ng Polaria .!" May pagkadisgusto ang mukha ng reyna na kinatigil ni crus pano siya napunta sa lugar na yun binigyan ba siya ng panginoon ng pangalawang pagkakataon.
Linapit niya ang mukha sa reyna na kinatigil nito "ang ganda mo.!"
Napalayo ang reyna at tumayo nagpaalam itong may pupuntahan siya at aalis na ito.
Napatabing ang ulo ng lalaki nawala ang ekpresyon nito ng magsara ang pintuan at makalabas ang reyna.
"Namatay rin ba ang Crus Esteban na yun at nandito ako.!" Napailing siya kung ano mang rason yun buhay siya at sigurado siyang may dahilan ang lahat ng nangyari at kung nasan man ang esteban sa panahon na to. Sigurado siyang wala na ito sa mga panahon na nagbabago ang lahat maging ang kasalukuyan at maging siya lahat ng yun nabago at kung tutuusin nagbago rin ang panahon at oras.
"Fourth imperial boy oras na ng pagkain.!" Pumasok ang isang babae may dalang itong tray ng pagkain tumango lang ang lalaki at tumitig sa mga pagkain wala siyang ganang kumain sa ngayun.
"Gusto kong magpahangin.!" Bahagyang yumuko ang tagapaglingkod na narinig ang sinabi niya.
"Hindi po kayo pinapayagan na lumabas dahil baka ulitin niyo na naman po ang pagtakas at muli ay msy mangyaring masama sa iyo master.!" Napabuga siya ng hangin at nagkumot nalang sinabing hayaan nalang muna siya.
Iniisip niya lahat ng mga paraan na ginawa ng dating crus esteban para makalabas sa palasyo. Napakalaki ng galit nito sa reyna at maging sa mga tao sa palasyo.
Kayat hindi nalalayong ang mga ministro ang nag utos sa mga taong nagtangka sa buhay niya ng gabing yun ng gabing tumakas ito at nagkapalit sila.
Napabuga ulit siya ng hangin at tiyaka kinumutan ang sarili magpapahinga nalang muna siguro siya.
Pero bago yun napalingon muna siya sa sliding door nakikita niya ang kapitolyo ng palasyo at sigurado siyang nasa lugar lang na yun ang reyna napakalapit lang pero pakiramdam niya sobrang layo tinaas niya ang kamay hanggang sa unti unting malamon ng antok ang fourth imperial boy.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
ФэнтезиCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...