Ilang araw ang nakalipas nanatili sila sa lugar na iyon. Na kwento na ni Crus na hindi ang mga ito tunay na kamag-anak niya. Wala na siyang pamilya at mapupuntahan bukod sa mga cenca na ayaw naman talaga niya kahit biological son siya ng kasalukuyang head ng mga cenca.
"You mean to say kamag-anak— no, biologically related din kayo ng first imperial boy?"
"Yup," ani ni Crus.
"Kaya pala may mga pagkakahawig kayo at kamukha mo siya 'yon pala biological related kayo, now it make sense." Naiyukom ni Crus ang kamao maganda na ang mood nila ng reyna eh, pero bakit kailangan pa nitong sirain ang atmosphere sa pagitan nila?
"Sabihin mo lang sa akin kung siya na ang gusto mong asawa!" Napalingon ang reyna dahil sa reaksyon ng asawa. Sumagot naman sa kanya ang reyna ng pag-iisipan niya.
"No need, kasi kung mangyari 'yon I'll die! Kapag na attached ka sa tao gaya ng pagka-attached mo sakin." Napatigil ang reyna ng ituro ni Crus ang puso ng reyna at puso niya. Bago bumulong ng iisa sila kaya kailangan ng reyna na pag-isipan ang lahat ng magiging pasya.
"Sorry sa pagiging selfish ko," ani ni Crus bago hilahin para yakapin ang reyna na hindi pa nakakabawi.
"Kasalanan ko hindi dapat kita biniro ng gano'n!" Humingi ulit si Crus ng tawad sa reyna habang patagal ng patagal nagiging super open na siya sa reyna. To the point na masasabi na niya ang mga bagay-bagay na dapat sa kanya lang.
"Tatlong araw mula ngayun darating ang mga kawal babalik na—" naputol ang sasabihin ng reyna ng tawagin sila ng aunt ni Crus para kumain.
Tinanong ulit ni Crus kung ano 'yon pero umiling lang muli ang reyna bago sabihin na bumalik na sila.
Lumipas pa ang mga araw na pananatili nila sa lugar parang normal lang silang pamilya kung titignan malayo sa palasyo, imperyo at pusisyon.
Na enjoy nila ang stay sa bahay na 'yon nakaranas silang kumain ng mga home made food na parang linuto lang ng isang professional chef.
"Aunt, tita hindi ba talaga kayo sasama sa imperyo?" Umiling ang dalawa bago sumagot nasa taas sila ngayun ng bundok kung saan nilibing ang ina niya. Wala ang reyna nagpaalam itong may kukunin lang at bumalik pagkatapos ng isang oras na stay nito kanina, hanggang ngayun hindi parin ito bumabalik.
"Ang reyna Crus anak mahal mo ba talaga?" Lumingon si Crus bago tumingin sa kalangitan at tanungin kung bakit natanong ng aunt niya.
"Mahal ko siya!" Sincere na sagot ni Crus bago tingan ang auntie at tita niya tinuring niya na ang mga itong pamilya. Walang point ang pagsisinungaling sa mga ito since may alaala siya ng dating Crus Esteban ng mundong iyon.
"Kung papipiliin ka dito o sa palasyo, saan mo gustong mapabilang?" Napatigil si Crus sa tanong ng tita niya.
"Kung papipiliin ako dito o sa imperyo, dito ako nabibilang pero may tungkulin ako sa imperyo. Bilang asawa ng reyna at hindi dahil napilitan ako mas pipiliin ko na manatili sa tabi ng mahal ko!" Ngumiti ang tita niya which is ang dating yaya na kaibigan ng mama niya bago iabot ang isang sulat.
"Malaki kana at alam mo na ang makakapagpasaya sayo." Tumango ang dalawang babae bago niya buksan ang sulat.
"Paalam— Crimson Blood Polaria." Iyon lang ang nakasulat hindi niya alam kung matatawa siya dahil hindi marunong mag-express ang reyna o malulungkot tinignan niya ang dalawang babae na sinenyasan siyang umalis na.
"Aalis na ang reyna, babalik na siya. Habulin mo ang taong gusto mo at manatili ka sa tabi niya!" Mahingpit na niyakap ni Crus ang dalawang babae bago ibulong na alagaan ng mga ito ang sarili at mag-iingat.
"Invite mo kami kapag may mga iperial price na." Tumawa si Crus bago mangako at magpaalam. Tinakbo niya ang daan pababa sa bundok ginamit niya pa ang mga shortcut ng makita mula sa taas ang papalayong kabayo.
May mga mangilan-ngilan na mga dami at sanga ang sasabit at nagdudulot ng sugat sa katawan niya nasasaktan siya pero hindi siya tumigil.
Lumusot siya sa kakahuyan at tumakbo ng mabilis bago lumabas sa daan na dadaanan ng reyna. Nahuhuli siya ng bahagya sa mga ito kaya naman umakyat siyang muli sa taas at nagsimulang gimamit ng shortcut, wala na siyang balak sumuko hindi ngayun. Ngayun pa na alan na niya ang feeling niya para mahal na reyna at gagawin na niya ang lahat.
"Mahal kong reyna!" Sa ikalawa niyang paglabas sa shortcut nahuli na naman siya wala na siyang magawa kung hindi sumigaw.
Nanginginig ang mga paa niya nagsisimula na niyang maramdaman ang sakit dahil sa pagkawala ng adrenaline rush sa buong katawan. Pinanghihinaan na siya ng loob na kinaupo niya sa daan nmnagsimula ting pumatak ang mga luha niya. Isa pa 'yon sa kinaiinisan niya pag napanghihinaan siya umiiyak siya dahil narin sa frustration niya.
"Anong karapatan mong iwanan ako? Ano nang gagawin ko? Crimson!" Ngumawa si Crus na parang bata, para tuloy siyang batang nawawala at hinahanap ang parent's niya sa gitna ng daan.
"H-hindi kita mapapatawad kapag, h-hindi ka bumalik!" Bulong niya ng may humagis na kanyang ng tela pamilyar na amoy.
"Ganyan ba ang asal ng asawa ng reyna?" Inilabas ni Crus ang ulo at doon nakita na nakatigil ang mga kabayo malapit sa kanya. Sa sobrang kalunkutan niya wala na ang awareness niya.
"Ganito rin ba ang pagtrato sa asawa iniiwanan nalang kung saan-saan! Bakit nagsawa kana sakin? Ayaw mo na sakin? Gano'n ba?" Napatigil ang reyna ng umiyak ang Imperial man niya as in nakakadurog ang psg-iyak nito.
"I'm sorry," ani ng reyna bago siya ayain na sumakay sa karwahe dahil sa nanginginig ang paa niya binuhat siya ng reyna. Sa pagtagall ng pananatili niya s amundong 'yon nasasanay na siya sa embarrassment na natatamo dahil s apagiging dominant ng reyna.
"Ginamot ng reyna ang sugat ng Imperial man lucky them may mga dalang first aid ang mga ito. Nakatulog sa sobrang pagod ang Imperial man na kinabuntong hininga ng reyna.
Sobra-sobra ang bigat ng dibdib niya habang papaalis pero ng makita niya ang Imperial man na grabe ang pag-iyak at sa kalagayan nito ngayun mas lalo atang nadudurong ang puso niya.
"C-crimsom don't leave!" Napatigil amg reyna ng tawagin siya ng asawa kahit sa pagtulog napapanaginipan nito ang pag-alis niya. Dapat siguro tanungin niya muna ang Imperial man sa mga bagay-bagay at hindi lang siya ang nagdesisyon.
Lalo na't iiyak ng gano'n kalala ang asawa, aware siya sa pagiging cry baby nito pero hindi sa kung pano niya nagagawang masaktan ang asawa sa mga maliliit lang na pasya para sa kanya.
"Dahil sa ginawa mo pag-aari ko na ang lahat sa iyo at wala na akong balak palayain ka pa!" Bulong ng reyna ng magmulat ang mata ng Imperial man.
"Sa 'yo naman na talaga ako mula pa noong umpisa, ikaw lang aking reyna wala rin akong balak umalis sa tabi mo. Kahit impagtabuyan mo ako kamatayan lang ang makakapag hiwalay sa'tin.
"Sa susunod na iwan mo pa ako magpapakamatay nalang ako tapos mumul— hmp... Maduga ka!" Reklamo niya ng halikan siya ng reyna at mahigpit na yakapin.
"Babalikan kita palagi kaya 'wag kang aalis sa mundong ito ng wala ako!" Bulong ng reyna na kinatango niya, bago sabihin na mahal niya ito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...