chapter 25

126 5 0
                                    

'Umaga!' ang exactly nasa isip ni Crus ng pagmulat niya ng mata nasilaw siya sa sobrang liwanag.

Lumaki ang mata ni Crus at agad na hinanap ang reyna sa paligid, naalala niya may nangyari sa kanila ng reyna kagabi— napatigil si Crus ng mapansin ang pagngiti-ngiti niya.

Bumalikwas siya st sinapo ang mukha ng mapaingit, napatigil si Crus ng may mapagtanto. Wala ang reyna sa kawrto, wala ito exactly sa loob ilang beses niyang ginala ang paningin pero wala doon ang reyna.

"Shit! Shit ka talaga Crus," bulong niya sa sarili. Sinapo nito ang mukha bago sumanda sa headboard ng kama.

Bumukas ang pinto pero hindi manlang siya nag-abalang tignan kung sino ang nagbukas no'n. Nanatiling nakapikit si Crus ng maramdaman ang paglubog ng kama na kinahihigaan, akala niya si awaira 'yon ng maamoy niya ang nanonoot sa ilong na amoy ng reyna.

"Hey! Gising na sleeping beuty." Bulong ng reyna, ngumiti si Crus bago hilahin ang reyna para halikan ng magaan sa labi pero ng muling kumilos ang reyna palalimin pa ang halikan nila.

"Nawiwili ka ata sa ginagawa mo mahal kong reyna!" Nag-iwas ng tingin ang reyna bago sabihin na pigilan muna ng lalaki ang pagiging cute.

"Masyadong makasalanan ang istura mo!" Baliwalang sagot ng reyna na kinatawa ni Crus.

"I'm sorry," kuwan ay biglang hingi niya ng tawad.

"Soryy dahil sa mga nangyari! Sorry sa gulo, sorry sa abala." Sincere na paghingi ng tawad ng Imperial man, kung tutuusin wala siya dapat ihingi ng tawad kahit kanino man. Pero ang reyna iba ito sa lahat, iba sa mga taong nakilala niya sa totoong mundo man kung saan siya nanggaling o kahit sa mundong kasalukuyang ginagalawan.

"Shhh! Ako ang reyna. At ang asawa mo, gagawin ko ang lahat para sayo!" Tumawa si Crus at sinabing siya ang lalaki sa kanila.

"Mahal na reyna gusto kong makinig ka sakin, please!" Mababang boses ng Imperial man pagkatapos lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Ako— Mahal na reyna oras na," ani ng tinig mula sa labas. Naaplingon doon ang Imperial man kahit hindi nila kita ang nasa labas.

"I need to go." Bahagyang tumango si Crus, tinatak niya sa isipang may mga tamang oras at pagkakataon sa lahat pati ang confession dapat sa reyna.

Hinalikan siya ng reyna na agad niyang sinagot, lumalim yun ng lumalim ng muling kumatok ang secretary ng reyna.

"Mahal na reyna may bukas pa!" Natatawang sigaw ni barry, samantala titig na titig si Crus sa mukha ng reyna.

"Back off!" Sigaw ng reyna na kinatawa ng taong nasa labas. Crus wonder kung sino ang taong kayang sigaw-sigawan nalang ang reyna.

"Two minutes," sabat ni Crus sa usapan bago muling halikan ang reyna na agad nitong tinugon. Pahiga na sila ng muling kumatok ang tao sa labas ng sabihin ng tao mula sa labas na tapos na ang two minutes na hinihingi nila.

"Mamaya na ang lovey dovey niyo ng Imperial man! For god sake Imperial queen, kalahating tao ang Imperial man!" Muling sigaw nito. Sumigaw muli ang reyna na alam niya yun.

Nagpaalam ang reyna sa kanya na kinatango niya bago sabihin na magkita sila ulit. Narinig niya pa ang sigawan ng dalawa mula sa labas ng pinto.

Pumasok muna siya sa banyo para maligo at maglinis narin ng katawan ng mapaingit siya— hindi siya makapaniwala sa stamina ng reyna. Napapoker siya ng ng makita ang sarili sa salamin at maalala ang reyna.

Paglabas niya ng pinto nakahanda na ang gagamitin niya malinis narin ang silid, wala na ang mga basag na gamit napalitan narin ng bago ang lahat. Nanghihinayang siya ng mawala ang amoy ng reyna sa silid.

Pumasok ang isang tagapanglingkod na naglapag sa lamesa ng pagkain, nagpasalamat si Crus dito. Gutom na siya kay naman kumain nalang siya bago lumabas sa silid.

Pagbukas ng pinto nandun lahat ng mga kawal maging ang batang si Harine na nakikipag-usap kay awaira na agad lumingon sa kanya. Yumuko ang lahat ng makita siya, sinabi ni awaira na dapat nagpapahinga muna siya na kina ngiwi niya.

"Fala are you okay?" Lumapit si Harine sa kanya na biglang nag bago ang mood ng makita ang Imperial man.

"Naman ang lakas ko kaya!" Biro niya sa bata na napapoker face nalang, natawa si Crus sa reaction ng batang guardian. Bago sabihin na nagbibiro lang siya at hindi na nito kailangan pang mag-alala magiging ayos na siya.

"Lilibot ba tayo?" Tinignan niya ang batang nangunguna sa paglalakad napansin kasi ni Crus na palabas sila sa main palace. Ng tumingin ang batang si Harine sa kanya bago sabihing uuwi na sila sa palasyo.

"Pano ang reyna?" Napakamot ang Imperial man sa ulo para tuloy siyang batang nagtatanong sa bata kung pwede ba talaga silang umuwi sa oras ng klase.

"Fala alam kong hindi ka komportable sa main palace," ani ng batang babae hinawakan ng Imperial ma ang kamay ng bata para patigilin ito. Hinila niya ang bata papalapit sa isang malapit na bench sa tapat lang nila.

"Hindi porket hindi na ako komportable pwede mo nang gawin kung ano ang tama! Minsan kailangan nating hawakan ang isang bagay na sobrang nakakasakit satin kasi napaka importante nila satin!" Inismiran siya ni Harine bago sabihin na hindi nito maintindihan ang mga tao.

"Simple lang harine gusto kong manatili sa tabi ng reyna kahit ilang beses akong masaktan at paulit-ulit na lasunin dahil lang importante siya sakin at higit pa— mahal ko siya!" Bulong lsng yun pero naaptigil si Harine sensitive ang pangdinig niya at narinig nito ang binulong ng fala niya.

"Pero hindi ibig sabihin nun na ayaw ko naring umuwi sa fourth palace, madaming alaala doon kasali kana!" Hinaplos ng Imperial man ang buhok ni Harine na kinatigil niya sobrang warm kasi sa pakiramdam ang paghaplos nito sa ulo niya. Akala niya ng uno ilusyon lang yun pero ngayun alam na niya kung saan yun nanggagaling.

"Kakausapin ko ang reyna about diyan!" Ngumiti siya sa batang babae bago ayain itong pumasok sa loob at maglaro.

Umismid ang batang babae pero kalaunan sumunod rin ito sa Imperial man.

Sumunod rin ang ilang mga tagapanglingkod hindi pa sila umaalis dahil wala paring napiling kapalit ng mga dating Imperial slave para sa Imperial man.

Napadpad ang dalawa terrace wala silang malaro na outdoor activities dahil biglang umulan. Nagtataka si Crus doon dahil sobrang aliwalas ng langit ng pagtapak nila sa field bigla nalang bumuhos ang ulan.

Tapos ngayun na nakadungaw sila mula sa taas ng veranda umuulan pari,

"What a change of weather!" Napatigil ang mga tagapanglingkod ng may mga bulaklak nalang na nahulog sa mismong harapan nila.

"Hindi ko sinasadya!" Gulat na pinulot ni Crus ang mga bulaklak umulan kasi ng mahalimuyak na bulaklak at amoy na amoy ito sa buong main palace.

Agad ang mga itong naglaho dahil narin sa ginawa ng Imperial man, iniisip niya lang kanina yun pero bakit bigla nalang lumabas?

"Imperial man sa tingin namin kailangan niyo nang magpahinga," ani ng tagapaglingkod ng may isa pang babaeng knight ang dumating at bigla nalang yumuko sa harapan niya.

"Pagbati kamahalan, nais iparating ng reyna na magpahinga raw po kayo sa kanyang silid ngayung gabi at sa mga darating pa. Hindi muna uuwi ang mahal na reyna dahil sa emergency at nagbabadyang gulo!" Yumuko muli ang babaeng knight at nagpaalam na aalis na.

Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon