PROLOGUE :

1K 25 0
                                    

Napakagulo ng mundong ito para kay Crus Esteban, walang nangyaring matino para sa tulad niyang tinapon na ng mundo't lipunan, walang patutunguhan. Kahit ang magulang niya ayaw na sa kanya.

Napatawa siya habang katabi ang isa sa mga lalaking kasamang umiinom sa bar, ng bigla nalang siyang hilahin ng hindi kilalang mga lalaki na kakapasok lang.

"Ano bang problema niyo? Bitawan niyo nga ako!" Pilit silang winawaksi ni Crus, pero hindi matanggal ang pagkakakapit ng mga ito sa damit niya.

"Ang sabi ko let go." Napatigil ang lahat ng mapunit ang damit na suot ni Crus, ramdam na ramdam niya na may hindi magandang mangyayari, dahil sa shocked din ang mga ito sa pagkakakita sa katawan niya, hindi ang mga ito agad nakakilos.

Napatakbo nalang si Crus dala ng mga pangyayari, napapamura nalang siya sa mga ginagawa. Alam niyang sa pinagkakautangan nito, sila nagtatrabaho at ngayun hinahabol na siya nito.

"At sa tingin mo saan ka pupunta?" Napamura nalang si Crus ng malutong  hindi na siya makaalis, may mga tao ring naghihintay sa kabilang kalsada kung saan siya dapat dadaan.

"Akala mo ah! Natuto na kami," natutuwang ani ng mga lalaki kanina. Napapoker face si Crus, sa isip-isip niya. Kailan pa natutong mag-isip ang mga walang utak na kaharap niya.

Pilit parin si Crus nanlalaban. Pero anong magagawa niya? Kung sobrang dami ng mga ito. At wala na siyang ibang magagawa pa— pinagtutulungan din siya ng mga ito na isakay sa isang itim na van.

Ng makarating sa kuta ng mga ito tinulak-tulak pa siya ng humihila sa kanya, ng akmang gaganti na siya tinutukan siya ng baril ng isa sa mga ito. Tumawa si Crus ng bahagya at tinaas ang kamay bago lumayo, tiyaka naglakad pasunod sa mga ito. 

"May oras din kayo!" Bulong ni Crus na mukhang narinig parin ng isa sa mga ito, tumawa ito at sinabing ang tibay raw niyang bata para magbanta. Kahit pwede itong mamatay kung ma-bad trip ang mga ito sa kanya na kinangisi niya lang. Bakit pa siya dudukutin ng mga ito kung papatayin din naman siya?

"Esteban... Esteban... Esteban!" Napapapalakpak pa ito habang tumatawa ng malakas, tinatawag ang apelyido ni Crus, 'as usual nakaupo na naman ito sa trono ng baboy na katulad niya.' Bahagyang natawa si Crus sa naisip niya.

Bumaba ito na kinaatras ng mga tauhan nito, mukha tong terorista sa itsura nito. Tanging si Crus lang ang natira sa gitna.

"Aww!" React niya ng sampalin siya nito, napangiwi pa  si Crus ng malasahan ang lasa ng dugo.

'ang bigat naman ng kamay ng dambuhalang nilalang na ito.' natawa siya sa naiisip niya. Sobrang taba kasi ng lalaki at ang malala pa sobrang pangit nito.

Namamanhid na ata ang pisngi niya sa kasasampal nito sa kanya.

"Ikaw!" Nanggagalaiti nitong sigaw ng sikmuraan siya ni Crus after nitong lumapit. "I-ikaw na magnanakaw at hampas lupang bata ka!" Napangisi si Crus sa nakikita. Pinipilit kasi nitong tumayo pero hindi nito magawa, kaya wala itong magawa kundi umatras habang hawak ang tiyan. Ngumisi si Crus na may pang-aasar sa labi.

"Anong tinatayo tayo niyo diyan, hulihin niyo ang sira ulong iyan!" Sigaw nito, lahat ng mga tao sa loob sumugod kay Crus. Sinusubukan nilang  siyang hulihin na magkakasama pero pagdating sa kanya bigo sila. Mas mailap pa ito kaysa sa inaasahan nila dun sa bar na tyempuhan lang siya dun kanina ng mga siraulong nagtiktik sa galaw niya. Masyado siyang naging kampanti.

"Achkkk!" React ng lalaking sakal-sakal niya pagtapos siya nitong paluin ng kahoy sa ulo. "Alam mo bang delikado ang ginawa mo?" May pagbabantang nginisian niya ito at mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa lalaki, ng nawalan ito ng malay hinagis nalang niya ito kung saan.

Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon