Ilang oras na lang pagkatapos ng halos tatlong araw na biyahe darating na muli sila sa tarangkahan ng imperyo. Nakakabayo na sila ngayun para mas mabilis ang pagpasok pagkatapos makabawi ni Crus ng lakas dahil sa nangyari.
Mabilis lang silang nakapasok sa imperyo na kinatingin ni Crus sa paligid sa ilang taon niyang pananatili sa polaria wala siyang ginawa kung hindi kamuhian ang reyna. Hindi niya na appreciate ang view o kahit ang buong lugar ng polaria masyado siyang nabulag ng mga maling nakikita niya.
Sa ngayun alam niyang mahal siya ng reyna, nararamdaman niya 'yon at sigurado siya kahit hindi sabihin ng reyna nag sulat nga ito ng liham na paalam at pangalangan lang nito, natawa siya ng maalala 'yon. Wala manlang kasing drama-drama direct agad ang sulat sa sobrang straight forward may isang word lang ang nagamit— pwera pa sa pangalan nito.
"Baba na," ani ng reyna na kanina pa siya tinatawag wala talaga siya sa sarili kanina lang.
"Andito na tayo?" Tumango lang ang reyna bago naglakad sa daan nasa harap sila ng Imperial palace. Ang pinagtataka niya lang ay paderetso silang dalawa sa throne room after may ibulong ang isang night sa reyna.
Napatigil silang dalawa ng reyna ng makita ang mga sector na pilit sinasaktan ang isang napakalaking ahas. Bagagyang napatigil ang Imperial man ng makita ang mga tagapaglingkod sa likod ng ahas, napatigil ang lahat ng makita ang reyna pero nanatili ang tingin ni Crus sa dambuhalang ahas.
Dahan-dahan na lumapit siya sa ahas nakikilala niya ang bata dahil sa uri ng pagtingin nito sa kanya. Aatakihin siya ng mga tao sa loob ng umalis siya sa tabi ng reyna ng maging abo ang mga ito, iniangat ni Crus ang kamay at doon yumuko ang ahas. Nag-anyo itong bata at nahulog na agad niyang nasalo lumapit ang mga tagapanglingkod at sinabing prinotektahan ng batang si Harine ang throne hanggang sa makabalik sila.
"You did a great job!" Puno ng pag-aalala pero makikita ang pagiging proud niya kay harine, may affection si Crus na makakapagsabi sa kanilang lahat ng salitang— worth it.
"Ang lakas ng loob niyong gawin to lalo na sa batang pinapangalagaan ng Imperial man— ng asawa ko!" Dumagundong ang boses ng reyna naka upo na ito sa trono at nasa tabi na siya ng reyna naka upo buhat ang batang si Hatine. Sa harapan nila ang bumubuo sa second sector at mga bumuo ng alyansa laban sa kanya.
"Dadalhin ko muna si Harine sa kwarto niya dito," ani ni Crus lumapit ang reyna sa kanya hinawakan ng reyna ang noo ng bata. Bago bahagyang halikan si Crus sa labi at bumulong nag mag-iingat siya— namula tuloy si Crus na kinangisi ng reyna. This days patuloy itong umaakto ng shameless na mas lalong nakakapagpa atract sa kanya sa reyna.
"Magpahinga narin kayo." Malambot ang boses na pag-aaya ni Crus sa mga tagapanglingkod, sumunod agad ang mga ito ilang araw dit silang nanatili sa tabi ng lady harine nila. Sinigurado ng mga ito na magiging ligtas at maayos ang bata.
"Magpadala ng mga doctor at wizard so room nila maging kay harine." Tumango ang mga tagapanglingkod ng imperyo at timalima— makakahinga narin sila sa wakas dahil nandito na ang reyna at mali ang mga bali-balitang iniwan ng Imperial man ang imperyo dahil sa reyna.
"Ikaw rin awaira, kayong dalawa ni Harine at mga tagapanglingkod ang galing niyo." Napatigil ang mga tagapanglingkod ng lingunin sila ng Imperial man at sabihin sa kanila na maswerte siya.
"Maswerte ako dahil napunta kayo sakin," aniya na nakapagpanubig sa mga mata ng tagapaglingkod. Natawa si Crus ng sunod-sunod na nagsi iyakan ang mga ito.
"Bilisan niyo na bago magbago ang isip ko!" Agad na nagpahid ang mga ito ng mata at agad na nagsikilos nawala ang mga tagapanglingkod sa paningin niya maging si awaira.
"F-fala?" Napatigil si Crus ngumiti siya ng bahagya nagkaroon na ng malay ang batang si harine.
"Ayos na magpahinga kana muna!" Hindi na sumagot ang bata na agad muling pinatong ang ulo sa balikat niya. Nagsumiksik pa ito lalo sa leeg niya at doon bumigat muli ang paghinga nito.
Napatigil si Crus sa pagpasok ng mukhang hindi nagagalawa ang kwarto ng batang Harine, bigla tuloy siyang napatanong kung umuuwi parin ba si Harine sa fourth palace?
Inihiga niya si Harine sa kama sinabi ni Harine ng magkamalay ito saglit na manatili lang muna siya sa loob ng kwarto. Kaya naman tinabihan niya na si Harine sa pagtulog para narin kasi niyang anak ang bata.
Sa kabilang dako, papalabas na ang reyna na ngayun ay papunta sa kwarto ni Harine sa imperyo. Sisilipin niya lang ang bata— malaking tulong ito sa pagprotekta sa buong imperyo kung wala ito siguradong mas dadanak pa ang dugo sa buong hall bago niya ito mabawi.
Napatigil ang reyna ng pagbukas ng pinto nakita niya ang Imperial man niyang nakahiga sa tabi ng bata. Biglang lumambot ang expression ng reyna para lang kasing nakita niya ang mag-ama.
Hindi na ginising pa ng reyna ang asawa at tumabi nalang sa kabila malaki naman ang kama kaya kasya silang tatlo. Ng maghahating gabi na bahagyang naalimpungatang si Crus nakita niya ang batang si Harine at ang reyna hindi niya mapigilan na hindi ngumiti, nakita niya ang family sa kanila bago mayulog.
Kinaumagahan nagpaalam ang reyna sa kanya dahil sa office ito mag-istay kaya silang dalawa nalang ni Harine ang naiwana. Dumating ang Doctor at wizard kinaumagahan binilinan kasi ang mga ito ng reyna na wagnang tumuloy at ipagpabukas na lamang dahil tulog na ang dalawa.
Ayos lang naman yun dahil lakas lang ang nawala sa bata, sa dami ng nagamit nitong enerhiya sa katawan natural lang na manghina ito ay makatulog ng mahabang oras o ng ilang araw. At dahil snake shifter ito na kinagulat ng wizard, hindi na dapat sila mag-alala kusang magheheel at mapupuno ng bata ang lakas nito maging ang kapangyarhan.
"Mas lalakas pa siya kung makikita niya ang mate niya at papayag ang mate na mamarkahan niya." Tumango si Crus bago magtanong ulit.
"Pano kung ayaw ng mate ng marking na yan?" Sinabi ng wizard na hindi pwedeng hindi.
"Kapag nangyari yun magwawala ang nilalang na yan at siya mismo ang papatay sa sarili niya, hindi nila nagagawang saktan ang mate— perk hindi ibig sabihin noon. Na hindi sila gagawa ng bagay na ikapapahamak nila!" Lumingon si Crus kay Harine bago tanungin kung may ibang paraan.
"I seel, Wag kayong mag-alala wala silang complete na mate na hahanap lang nila ito once na nagtakda sila!" Nagpaalam na ang wizard kasabay ng doctor na nagbilin hinatid lang sila ni Crus sa labas ng pinto at pinasamahan paalis.
Lumipas ang mga araw nakabalik na ang mga tagapanglingkod pagkatapos pagpahingahin ito ng Imperial man ng dalawang araw, ipipilit pa niya ang tatlo ng tumanggi na ang mga ito. Ngunit ang batang si Harine nanatiling bumabawi ng lakas hanggang ngayun.
"Awaira," tawag niya sa tagapaglingkod habang naka upo sa bench kung nasaan tanaw nila ang garden ng imperyo at ang puno ng kapalaran sa gitna.
"Nami-miss niyo ba ang pamilya niyo? I mean gusto niyo na bang umalis?" Napatigil si Awaira sa tanong ng Imperial man.
"Gusto ko ng honest na sagot mula sa inyo, hindi ako magagalit o paparusahan kayo— just answer honestly."
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...