'Wala kang silbi!' napatigil si Crus at napahawak sa lamesa ng pagkatapos niyang tumayo nakarinig siya ng boses, nakakita ng isang scenario.
"Ayos lang ba kayo Imperial man?" Tumango si Crus at sinabing kailangan niya lang magpahinga.
Inaya siya ng mga tagapanglingkod para dalhin sa kwarto ng reyna, tiniis ni Crus ang pagpintig ng ulo at maliliit na parte ng mga alaala ng dating Crus Esteban.
Dinaig pa nun ang flashback kasi sa bawat parte may mga kulang at pumipintig talaga ang sintido niya, sobrang sakit nun dahil sunod-sunod itong nangyayari.
"S-salamat magpapahinga lang ako, Harine…" tumango si Harine ng walang sabihin si Crus.
"Ayos lang ako fala pahinga kana." Sinara niya ang pinto, kuwan ay bumakas ang sakit sa emosyon niya. Pinilit siyang lumakad papalapit sa kama— naitungkod niya ang kamay dito ng may isang scenario na naman ang nakita niya.
Ang reyna ang daming patay sa paligid ang mga kawal na nasa labas naghihintay sa kanilang dalawa. Ang mga scenario kung saan pinilit niyang tumakas sa reyna at imperyo.
Ang tita niya, ang mga taong kumopkop sa kanya. Ang payak nilang pamumuhay— dati bago siya dukutin ng mga bandido at ibenta. Naipit sila sa digmaan inalipin siya pangkatapos nga na kumupas ang kakaibang ganda— at higit sa lahat kung pano siya niligtas ng reyna. Kung pano niya sinubukang tumakas ng paulit-ulit dahi sa reyna.
Kung pano nito pangilagan ang reyna, kung pano paulit-ulit na i-earn ng reyna ang trust niya at ng magawa nitong hulihin yun. Tumakas siya at doon na nagtapos ang buhay ng ikaapat na lalaki ng reyna.
Nahugot ni Crus ang hininga daig niya pa ang sinaksak dahil sa mga nakita niyang scenario sa utak. Para siyang pinatay ulit— hindi siya ang Crus Esteban na yun pero ang pakiramdam Niya napaka sama niyang tao. Dahil narin sa mga nagawa ng katawan kung saan siya naroon ngayun.
Natumba si Crus ng magsimula muling pumasok na naman ang iba't ibang scenario sa ulo niya. Wala siyang pakialam kung anong manyari hindi na niya kaya.
Napasiksik siya sa gilid ng kama, dinig na dinig ang paghikbi niya sa buong silid.
"Stop… this… i-it hurts!" Mga scenario na unti-unting pumapatay sa kanya ngayun naawa na siya sa taong may-ari ng katawan na gamit, sobrang pasakit, sobra-sobrang sakit. Ngayun naintindihan n niya bakit pinilit nitong lumayo at iwan ang lahat— at bakit pinipilit ang hindi pwede.
"No, no… please don't do it!" Humahagulgul na siya sa sobrang tapang ng nararamdaman niyang sakit, ang pakiramdam na yun. Ang pakiramdam na sinasakal siya at hindi makahinga— para siyang nahulog sa tubig na tuloy-tuloy ang paglubog.
Bumukas ang pinto agad na tinungo ng reyna ang naririnig na pag-iyak. Natagpuan niya ang Imperial man bakasiksik sa sulok umiiyak— nabato siya sa kinatatyuan.
Tuloy-tuloy ang pag-iling ng Imperial man at pagsabi ng tama na. Umiiyak talaga ito. Ang paghikbi nito ang nagpapasakit ng husto sa puso niya, para bang tinutusok ng maraming punyal ang piso niya.
Naglakad ang reyna at agad na inakap ang Imperial man, kusa nalang kumilos ang katawan niya.
"Shh… I'm here!" Bulong ng reyna na kinatigil ng bahagya ni Crus bago mahigpit na yakapin ang reyna. Nawala ng ilang sigundo ang pag-aalala niya, pero agid din yun bumalik.
"N-natatakot ako… takot na takot ako." Bulong ni Crus parang nanununyot ang lalamunan niya sa sobrang sakit— idagdag pa ang sobrang pag-iyak. Wala na siyang paki kung mag mukha siyang mahina sa paningin ng reyna.
Napakalakas niyang tao sa totoong mundo pero ang ikaw mismo ang makakita ang napakasakit na part. Tama sila 'to see is to believe'.
"Andito ako!" Bulong ng reyna bago siya haplusin sa ulo. Umiyak siya ng umiyak sa bisig ng reyna, sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Feeling niya sasabog siya kapag pinigilan niya lang ang nararamdaman.
Pano yun nakakaya ng dating Crus Esteban? Sobra-sobra pa ito kumpara sa taong gusto lang ng payapang pamumuhay.
"H-hindi ako ang Crus Esteban sa mundong ito, o kahit sa timeline na to!" Bulong ni Crus sa reyna pakiramdam niya sinasakal siya kapag hindi pa niya yun nasabi.
Wala na ang takot na nadarama niya, kung hindi niya ilalabas ang nararamdaman baka sumabog na siya. Halo-halo na ang lahat ng sakit, may ilalala paba? Bukod sa iwan siya ng reyna at kinabukasan gugulong na ang ulo niya at mamatay sa ikalawang pagkakataon.
"Basta paggising ko pagkatapos kong mamatay na— nandito na ako!" Nilayo niya ang reyna pagkatapos nitong mapatigil sa sinabi niya.
Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaction ng reyna sa mga sinasabi niya.
"Hindi… hindi ako siya! Kaya naman wala kanang dapat ipag-alala pa." Bumaba ang tingin niya ng makita ang titig ng reyna sa kanya.
"Silly you," bulong ng reyna. Napaangat ang tingin niya sa reyna ng marinig ang mahinang pagtawa niya— na daapt hindi na niya ginawa. Natulala siya sa reyna, ang ganda nito lalo na sa kahit anong aspeto ng emosyon.
"Sa tingin mo ba tititigan ako ng dating fourth imperial boy ng mata sa mata?" Umiling si Crus mailap talaga kasi ang totoong Crus Esteban ng mundong yun.
"Papayag ba siyang manatili sa tabi ko at lapitan ako sa kabila ng lahat?" Umiling ulit siya bago tignan ang reyna at ibaba muli ang tingin sa sa mga kamay.
"Magpahinga kana muna, tama na muna ang pag-iisip ng ganyang bagay. Mag-uusap tayong dalawa pagkagising mo, okay?" Tumango siya sa reyna bago sumanda dito ng maramdamang umaangat siya. Sa lagay na yun tanggap na niyang boys ang submessive.
Naramdaman niyang humalik sa kanya ang reyna, kumilos ang kamay niya para kumapit sa damit ng reyna. Para makasiguradong 'di ito aalis sa tabi niya.
Naramdaman niya ang pagyskap ng reyna sa kanya at ang pagpulupot ng kamay nito sa katawan. Naamoy niya ang amoy ng reyna na siyang laging nagpapakalma sa kanya.
Hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng antok. Kampanti siyang walang mangyayaring masama dahil kasala niya ang reyna.
Nakatulog si Crus ng sobrang himbing tulad ng pangako ng reyna hindi ito umalis sa tabi niya. Binantayan talaga ng reyna ang Imperial boy.
Napaungol si Crus ng magising at mamulatan ang reyna na tahimik na nakatingin sa kanya. Ngumiti siya bago sabihin na ang ganda parin ng reyna kahit puyat, natatawang wika niya.
Pinisil ng reyna ang ilong niya bago sabihin na napaka bulero naman niya.
"I'm not!" Depensa ni Crus sa reyna ng mshuli niya ang kamay nito.
"Nag-dinner kana?" Bulong niya sa reyna ng sabihin ng reyna na hindi pa.
"Hinihintay kasi kita eh!" Namula si Crus sa sinabi ng reyna.
"Ako nalang kainin mo!" Tumawa si Crus ng makita ang reaksyon ng reyna. Napatigil kasi ang reyna at para bang inaarok kung gano ka totoo ang inaalok niya.
"Biro lang, biro lang!" Tumatawa pa si crus ng hawakan ng reyna ang tali ng damit niya.
"Stop seducing me," Mayat-mayang wika ng reyna.
"I can't take this as a joke." Tinitigan siya ng reyna na para ba talagang kakainin siya nito ng boo. Napalunok si Crus ng makita ang ganung ayos ng reyna.
"You, stop seducing me too!" Kuwan ay reklamo niya sa reyna.
Ng bigla niyang maalala ang mga scenario kanina bago naiiyak na tignan ang reyna.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...