"See you," kumaway ang Imperial man bago sumakay sa kabayo susunod ang reyna sa kanya. Sumenyas ang Imperial man sa royal man na nagpapahiwatig ng salitang bahala na.
Umandar ang sinasakyan niyang karwahe nalaman niya kanina na unang pina uwi ng reyna ang first Imperial man. At ngayun binubututan ng ksrwahe ngreyna ang sunasakyan niya.
Buong biyahe siya nag-isip ng paraan para makaalis sa lugar ng hindi napapansin ng reyna. Nakarating sila sa capital, hinarang kasi bahagya ang mga karwahe dahil sa nangyayaring komusyon sa may gate. May dalawang babae kasi ang nag-aaway dahil sa property something nila.
Kinuha yung pagkakataon ng Imperial man para makababa sa karwahe ng walang sinuman ang nakakapansin. Tumalon siya sa tumpok ng dayami tiyaka muling umandar ang karwahe na muli niyang kinatingin dito.
Ang reyna nami-miss niya ng sobra. Pero babalik naman siya dito, tama ba? Hindi narin niya alam ang sagot. Basta ang alam lang ni Crus sa mga oras na yun panahon na para ma-satisfy ang craving ng dating Crus Esteban at siya sa labas ng imperyo. Malayo sa imperyo mga palasyo at pagkakakulong.
"Paalam mahal kong reyna… hanggang sa muli." Umandar rin ang kariton na may dalang mga dayami hanggang sa mawala na sa paningin niya ang mga karwahe.
Ibinagsak ni Crus ang ulo, ngayun ano na ang plano? Ano na ang susunod? Nagsunod-sunod ang mga tanong sa utak niya. Sumubok kasi siya na walang susunod na plano— pero ayos lang ganun naman talaga. Tiyaka mo malalaman kung andun na, ano pa ang ikakatakot niya? May isang beses na niyang nakaharap ang kamatayan.
Pero kaya niya ba itong harapin sa pangalawang pagkakataon kung may mawawala na sa kanya?"Haist! Bahala na si Batman!" Hinawakan niya ang ulo bago naiinis na sabunutan ang buhok.
"Anong— anong ginagawa mo diyan!" Napasigaw sa gulat ang matanda ng makita siya. Napabangon siya sa pagkakahiga sa dayami bago mag-sorry.
"Manong nakisakay lang, tapos nakatulog… pasensiya na!" Sumagot ang matanda na ayos lang pero napalayo na siya sa palace.
"Ayos lang ako manong tutal maglalakbay ako!" Ni-head to toe siya ng matanda bago tanungin kung sure naba siya.
"Hindi kaba mapapahamak sa gagawin mo? Mukha kapa namang galing sa maharlikang duog." Tumawa si Crus bago sumagot ng hindi. Nagpaalam siya sa matanda na aalis ma siya binilinan pa nga siya nitong mag-iingat lalo na sa itsura niya. Kung maari magsuot siya ng roba.
"Kunin mo itong roba luma na pero itatago ka nito, madami ang may masasamang loob na nagkalat?" Nagpasalamat siya sa matanda bago umalis habang ang matanda mataman ang pagkakatingin sa kanya.
"Mag-iingat ka, gabayan ka sana ng may likha." Bulong ng matanda bago yumuko sa babaeng nasa gilid lang. Pumasok ito sa barn kung saan ang kwadra ng mga kabayo.
"Ang stupid ko, saan naba ang daan? Bad decision ba ang ginawa ko?" Kasalukuyan kasing may dalawang daan ang tatahakin niya at hindi niya alam kung saan dadaan.
Isinuksok niya ang kamay sa bulsa ng roba ng may makapa doon. Agara niyang nilabas ang kamay at doon napagtanto na mapa yun na nakaburda sa panyo kung saan hindi masisira. Isinuksok niya rin ang kamay sa kabilang bulsa kung saan may nakapa siyang— mga ginto. Lumingon siya sa pinanggalingan masyado nang malayo.
Napagtanto niyang sinadya yun ng lalaki dahil may mga magic tool's rin sa lalagyan.
"Salamat sayo," bulong niya bago tignan kung anong daan ang dapat niyang tahakin sa mapa.
"Mordant village?" Napakamot si Crus sa ulo dahil doon sa weird ng village. Sa sobrang wirdo ng village na 'yon nagpatuloy nalang siya sa paglalakbay nakakatakot ang daan papunta sa pupuntahan niya pero yun lang ang malapit at the same time mabilis na daan.
Sa imperyo ng polaria nagtataka ang mga maharlika at mga ministro kung bakit walang lumalabas sa karwahe.
"Mahal na reyna at Imperial man humihingi kami ng pahintulot na buksan ang karwahe!" Ani ng mga isang ministro, nagmbulungan ang mga taon ng senyasan ng ministro na buksan ang karwahe. Pero mas lumakas ang bulungan ng walang laman ang mga karwahe.
"Asan ang reyna at Imperial man?" Sigaw ng isa sa mga ministro napuno ng bulungan ang paligid. Agad na tinakpan ang karwahe.
"Walang dapat makaalam nito, maliwanag ba?" Ani ng second sector queen bago tumingin sa karwahe ng Imperial man.
"Uupa ako ng isang inn!" Iniabot niya ang isang ginto sa may-ari ng inn na nanlaki ang matang nakatingin sa kanya. Bago nito ibigay ang sukli at susi, masama ang kutob ni Crus kaya nanatili siya sa loob ng kwarto.
Dumating ang pagkain na in-order niya para sa panggabihan. Tumingin siyasa bintana bago bumuntong hinga, nami-miss na niya ang reyna at mga tao sa imperyo.
Mahimbing siyang naktulog ang gabing 'yon hindi alintana ang mga taong nagbubulungan sa labas ng pinto.
Pero bago pa mabuksan ang nakasarang pinto may taong nagtatago sa dilim na pumigil sa kanila. Halos manlamig ang mga ito ng maramdaman ang presensiya ng kaharap.
"Ang lakas ng loob niyo para pagtangkaan ng masama ang pag-aari ko!" Naiiyak sa takot ang isa sa mga lalaki na umiling, may anino kasi ang nagtatakip sa bibig nila kahit magsalita, either huminga hindi nila magawa.
"Now run for your life! Kapag may mga katulad niyo pa ang nagtangka siyang saktan o may pumunta pa mamayang gabi… babalikan ko kayo at papatayin!" Umatras sa dilim ang taong yun at biglang nawala. Napalunok sa takot ang isa sa mga lalaki may naihi panga sa pangibaba sa sobrang takot.
Bumaba si Crus ng may maliwanag na mukha ng makita niya ang mga taong bagsak sa baba. Mga nakasampay ang mga ito sa sofa at ang banae sa counter na parang aligaga rin.
"Aalis na ako," ani ni Crus na kinatingin ng mga ito sa kanya. May nanlaki pa ang mata at humingi ng tawad sa kanya dahil tinangka siya ng mga itong nakawan.
Hanggang sa makalabas siya sa inn nagtataka parin si Crus, pumunta siya sa sentro ng bayan kung saan siya tumutuloy gagamit siya ng kabayo. Mas mapapabilis kasi siya kapag kabayo ang gamit niya.
Wala nang ibang paraan napansin rin kasi niyang may kahina-hinalang nilalang ang sumusunod kahapon pa. Mas napaghahalataan lang niya ngayun dahil mas malakas ang pandama ng mga may lahing elf sa gubat.
Lumingon muli si Crus instinct niya ang nagsabing tumakbo siya sa kagubatan. Kusang gumagalaw ang katawan niya batay sa instinct napatigil si Crus ng muli siyang napunta sa daan.
Napalunok si Crus mas pabilis ng pabilis ang ingay masyadong madami ang naririnig niya sa paligid. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating sa patag ka lugar.
Naririnig niya parin ang mga sumusunod sa kanya, nawala sa isip niya ang bayan ng sa psglingon niya sa kabilang dako may mga tao nang nagkalat. Agad siyang nakihalo sa mga ito at gumamit ng kaunting magic tool's para magkubli sandali, sapat lang para mailigaw ang mga ito.
Napa upo si Crus sa bench ng makalayo sa sobrang pagktaranta kanina hindi niya naramdaman ang pagod.
Napatigil si Crus ng may mapagtanto— nakarating siya sa kabilang bayan ng mas mabilis.
"Hindi, pano to nangyayari?" Tanong niya sa sarili. Inilabas niya ang mapa ng may mapagtanto ang village kung saan siya nanggaling at itong village ay magkalapit lang. Napahinga siya ng maluwag dahil doon akala niya msy super power na siya kaya siya nakapunta doon.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...