"Well mabigat naman talaga!" Maririnig ang pag-apila ng fourth imperial boy, dahil sa sobrang tahimik ng palasyo.
Lahat kasi maging mga tagapanglingkod tinuturuan, kung pano dipensahan ang sarli sa loob ng palasyo. Dahil hindi sila pwedeng mag training sa labas, pwera lang kung gustong matusta ng iba sa kanila.
"Try mo…" parang loading parin sa bata kung anong itatawag sa kanya. Maging ito nabored sa panonood sa papulit-ulit na pagpalpak niya.
"Hmm... You can call me dad— whatever you want. That can make you feel better, at ease!" Natatawang tinignan ni Crus ang batang babae na kasalukuyang nakatingin din sa kanya.
"Bago yun, pwede ko bang hawakan ulit ang kamay mo?" Walang pag-aalinlangan na linahad ni Cris ang kamay sa bata. Tumingin ang bata sa kanya bago ipatong saglit ang kamay nito sa kamay niya.
"Fala," usal nito na kinangiti ni crus.
Bago bahagyang hawakan ang ulo ng bata."Wait, may name kaba? Ilang araw kanang nandito pero hindi ko parin alam ang pangalan mo." Lumingon ang batang babae sa kanya bago tanungin kung ano ang pangalan.
"Kung wala ka— Missair ang sinabing last name ko, fala!" Putol ng bata sa sasabihin sana ng fourth imperial boy. Naaptigil ang ilang tagapanglingkod, ang tagal na nila itong tinatanong about sa pangalan nito. At ngayun isang tanong lang ng fourth master napasagot agad ang bata.
"Missair ang last name mo, kaya naman need mo ng first name. Ayos lang bang pangalanan kita?" Tumango ang bata, napaka harmless ng lalaking kaharap niya. Pano ba naman siya makakatanggi dito?
"Hmm… how about Harine Missair?" Napatigil ang batang babae. Akala nila hindi nito nagustuhan pero naging sunod-sunod ang pagtango nito, na kinahinga ng maluwag ni Crus akala niya iiyak na kasi ang bata.
"This one fala." Tinuro ni Harrine ang isang maliit na kutsilyo. Dinampotrin nito ang kulay red na tela sa pagitan at tinali ang dalawang kutsilyo sa bawat dulo.
"Magandang idea yan!" Bulong ng ilang tagapanglingkod ng ibigay yun ng bata sa mga kawal.
"We'll Rine tawag ko sayo harine." Tumango ang bata, sinabi rin ni Crus na sila muna ang mag-aalaga sa kanya hanggat gusto niya.
Nanatiling nakatingin si Harine kay Crus, may something dito na talaga naman na nagpaisip sa kanya ng malala. Tipong ayaw niya itong mawala sa paningin at ayaw niyang pakawalan— something na attached sa taong hinahanap niya ng sobrang tagal na panahon.
"Dahan-dahan lang fourth imperial boy baka masaktan kayo!" Tumawa lang ito at sinabing lalaki siya at ayos lang yun.
Napabuga ng hangin ang batang si harine, kung ano man yun siguradong malalaman niya rin. Nakatutok lang siya sa mga kawal at tagapanglingkod mula sa sofa para bantayan si Crus.
"Medyo mahirap, pero ayos lang ako." Sagot niya sa punong kawal ng tanungin siya nito kung ayos lang ba siya.
"Oras na ng pagkain!" Anunsiyo ni awaira, natatawang binaba ng fourt imperial boy ang sandata. Tinapik niya ang kawal bago natatawang sabihin na save by the bell siya mula dito.
"Halikana!" Inaya na ni Crus ang batang babae na agad namang sumunod.
Dahil sa pagka trap nila sa fourth palace lahat naging close sa fourth imperial boy. Natatawa nalang si Crus sa mga kulitan ng mga kawal kapag walang ginagawa, mga rambulan at biruan ng mga ito.
Hindi naman naging boring ang bawat araw sa kanila dahil sa kondisyon mula sa labas. Lagi naman silang may ginagawa bawat araw, isa pa nagsisimula nang humina ang thick weather mula sa labas.
"Clear na ang paligid. Ilang oras o minuto nalang liliwanag na satin!" Bulong ni Crus habang nakatingin sa bintana.
May natatanaw siya mulaa sa labas pero ayaw niya mag-expect mula sa wala. Pero sinasabi rin ng ilang mga tagapanglingkod na may nakikita na sila, kaya naman may pilit parin silang pinanghahawakan.
"Dahon," bulong ni Crus ng maaninag ang isang malaking bulto at may mahulog na dahon sa harapan niya ngayun-ngayun lang.
"He's different," bulong ng batang si Harine. Tinitignan niya ngayun si Crus Esteban na halos idikit na ang mukha sa salamin.
"Uy! Ilang sandali nalang." Maging ang mga tagapanglingkod hindi na makapaghintay sa pagkawala ng hamog na bumabalot sa paligid.
Tinititigan nila ang parte kung nasaan ang malaking bulto, nakakita sila ng mga dahon mula dito. Lumayo si Harine at umupo sa sofa kung saan tanaw niya parin ang mga ito.
"Mukhang matatagalan pa yan fala." Lumingon si Crus at tumango, bago sabihin na maupo muna sila at maghintay.
"Nagbabago narin ang temperature natin," liningon ni Crus ang tagapanglingkod na si awaira bago sumang ayon dito.
"Siyanga pala, hindi kaba hahanapin sa inyo harine?" Lumingon ang batang si harine bago sumagot ng hindi ng walang pag-aalinlangan.
"Galing ako sa mundo ng mga guardian." Walang pag-aalinlangan na sagot ng batang si harine, bakas ang gulat sa mga tagapanglingkod na agad ding lumuhod sa harapan nila ng makabawi.
"Normal lang yun. Pero ikaw Crus Esteban, tinawag mo ako pagkatapos niyong gawin ang nasa labas— kaya ng mapansin kong kakaiba ka bumaba agad ako!" Nag shape shif pa ang batang babae sa form ng itim na ahas.
Mas lalong yumuko ang mga tagapanglingkod ng, mas lalong lumaki si harine. Sinaway ito ni Crus para bumalik sa human form.
"Interesting, hindi kaba takot sakin fala?" Umiling si Crus habang may nakatingin sa kanya.
"Sabi mo tinawag kita! Tumugon ka kaya alam kong hindi ka ganun klase nilalang, tulad sa iba pang mga guardian."
Tinitigan siya ni Harine bago umiling ng bahagya. Sa haba ng buhay niya may nakilala pa siyang mortal na sobrang hina, pero kaya lang siyang sawayin.
"Maliwanag na sa labas!" Sigaw ng isang babaeng tagapanglingkod. Agad itong napatakip sa bibig bago humingi ng tawad sa ginawang pag sigaw. Isa yung napakalaking kalapastanganan.
Hindi ito pinansin ng Fourth imperial boy bago tahakin ang daan palabas. At tanungin si harine kung sasama ba ang batang babae.
"Wow! Gumana!" Masaya ang lahat ng makita ang field na puno na ng mga halaman, We'll organize din ang mga ito na pinagtaka nilang lahat. Agad din nang nawala yun at napalitan ng saya.
"Worth it," bulong ni harine bago ngumiti at sundan ang mga fourth imperial boy. Kasama ang mga tagapanglingkod nito at mga kawal na naglilibot.
"Eh! Fountain? Mini garden, field, bulaklak tapos puno?" Walang nabasa si Crus na ganun sa libro, ang naka lagay kasi dito is consequence. At halata namang si harine ang consequence ng ginawa niyang pagtawag at paghiling.
"Ayos narin wag lang sanang pirana ang nakalagay sa tubig!" Natatawang tinuro ni Crus ang mini. Basically may puno sa gitna at napapagitnaan yun ng tubig sa magkabilaang bridge.
Maging ang likod ng palasyo nagkaroon din ng iba't ibang mga tanim. Mga pruta, gulay at kung ano-ano pa.
"Kung gusto niyo pang mag ikot-ikot sa paligid maiwan kona muna kayo!" Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat sa kanya.
"Medyo masakit ulo ko! Diyan na muna kayo mag-enjoy kayo." Bago pa makasagot ang mga ito tumatakbong umalis si Crus sa likod.
"Ayos lang ako mag-enjoy kayo!" Sigaw ni Crus ng makalayo siya bago lumingon sa mga ito.
Ng makapasok sa loob walang natira sa mga tagapanglingkod, lahat ang mga ito nasa labas.
"Shit! Damn it!" Bulong niya, nararamdaman niya ang pagkirot ng sintido at ang pagpintig nito, nahihilo rin siya. Pero pinilit parin ni Crus ang makapunta sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...