Gabi na nasa labas ang lahat ng kawal ng fourth palace para sa pagsasanay. Ayon sa sinabi ni Crus sa kanila ilang araw narin nila yung ginagawa, nakapag adjust na ang lahat sa oras ng pagsasanay. Gumana naman ang sinabi nito— ang lamig kasi ng hangin sa gabi.
"Katakataka wala ngayun ang fourth imperial master!" Bulong ng mga kawal dati laging nandoon naka abang si Crus Esteban pero gabing-gabi na wala parin ito.
"Tigil muna kayo," napalingon sila sa nagsalita, ang fourth imperial master nila ito. Kasunod ang ilan sa mga tagapanglingkod, tumingin sa langit si Crus bago itaas ang kamay— tamang temperatura.
"Pumuwesto kayo sa apat, ako sa gitna." Sumunod ang ilan sa mga tagapanglingkod, may dalawang lalaki na kasama ang imperial master nila.
"Una yanigin ang lupa, pangalawa magpa-ula, pangatlo painitin ang paligid at the rest ako na ang gagawa!maliwanag ba?" Sumagot ang mga ito ng maliwanag kahit nagtataka sa ginagawa ng imperial master.
"Kayo diyan," tinignan ni Crus ang mga kawal na yumuko. "Bantayan niyo sila at alalayan!" Yumuko ang mga kawal bilang pagtanggap ng utos.
"Wag niyong hayaan na masaktan kayo. Awaira lumayo kayo pagkatapos ng lahat!" Hindi magawang umapila ng tagapaglingkod, halata kasing utos yun.
"Umpisahan na!" Tumango ang mga ito. Hinawakan ng babae ang lupa at doon yumanig sa kinalalagyan nila.
"Ulan!" Sigaw ni Crus, yumuko ang babae bago lumutang sa hangin at kumidlat ng malakas kasabay ng napakalakas na ulan.
"Init!" Yumuko ang lalaking tagapanglingkod, bago maghagos ng ilang bolang may katumbas na init ng araw.
"Pumasok na kayo ako nang bahala!" Ayaw sumunod ng mga tagapanglingkod ng una, kaso sinabi ni Crus na utus yun mula sa kanya.
Walang natirang taon sa lugar, nagsimulang lumutang sa hangin si Crus. May sariling buhay ang katawan niya na para bang alam na alam nito ang gagawin, ang daming alitaptap ang nagsisilabasan di alintana ang klima.
Dahan dahang bumaba si Crus pagkatapos lumabas ang mga petal ng bulaklak. Nagmamadali siyang pumasok sa palasyo, basang-basa siya at bumabakat ang damit niya sa katawan.
"Walang makakalabas o makakapasok sa palasyo simula ngayun!" Hinarap niya ang mga tagapanglingkod ng fourth palace na yumuko. "Delikado ang nasa labas, hindi ko alam kung hanggang kailan yun! Sana naman this time umubra na." May nagpanic pero wala namang magawa. Sa fourth imperial boy ang buhay nila, kaya naman kung ano gusto niya masusunod.
Agad siyang pumasok sa kwarto para magbihis, dahil sa lamig at walang nagtatangkang mag-angat ng tingin sa kanya. Dahil sa damit na bumakat sa kanyang katawan.
"Mawalang galang na fourth imperial boy! Pano ang reyna?" Tinigna ni crus ang tagapaglingkod na si awaira. Sinabi dito na umalis ang reyna at gaya ng sabi niya baka isang buwan ito mawala.
Biglang bumahing si crus na kinataranta ng tagapaglingkod. Napa poker face nalang siya, hindi na siya nasanay sa katawan.
Humikab si Crus, inaantok na ata siya dahil sa pinaggagagawa. Bago pa makabalik ang tagapaglingkod niya nakatulog na siya sa kama na basa ang buhok.
Muling pumasok si awaira, nakapagpalit na ang master niya kaya naman hindi na niya ito inabala. Hindi nito alam na basa pala ang buhok ng fourth imperial boy na natulog.
Tahimik na isinara ng tagapaglingkod ang pinto, bago tunguhin ang kwarto ng isang bata at tignan kung gising paba ito. Ng makitang gising pa ito inalok niya ang hot choco na tinanggap naman ng batang babae.
Sa kalagitnaan ng pagtulog ni Crus Esteban, maririnig ang mga mumunting daing. At pabilis na pabilis ang paghinga nito.
Nakikita niya ang sarili nasa isa siyang village, nasusunog ang lugar. Painit ng painit ang pakiramdam niya.
'Ina!' umiiyak na sigaw niya. Ang daming tao ang nagsisitakbuhan.
Hanggang sa may isang tao ang pumulot sa kanya at dinala siya.'Mamaaa—!' maslalo siyang nagwala ng makitang sumabog ang village nila.
Ang ina niya, na trap ito sa loob. Sinadyang sunugin ang village nila.
Hanggang sa may mga sundalo ang sumulpot, nabuhayan silang lahat ng loob. Humingi sila ng tulog sa mga ito, itinaas ng sundalo ang sandata at sinaksak ang matandang humigingi ng tulog sa kanila.
Napaatras siya, tinuro siya ng lalaking nakasakay sa kabayo, out of instinct tumakbo siya.
Doon pumasok sa isip niya na sinadya ang pagsunog sa village nila.
'Bitawan niyo ako. Bitaw!" Sinubukan niyang maglaban sa mga ito, sapilitan siyang sinampa nito sa kabayo. Habang papalayo sa village dinig na dinig ang hiyaw ng mga tao, ang malaking apoy na lumamon sa village nila.
"Inaaa!" Nahugot ni Crus Esteban ang hininga, napanaginipan niya ang isa sa mga bangungot ng nagmamay-ari ng katawan na gamit niya. Ramdam niya ang sakit at hinagpis nito.
Yinakap ni Crus ang mga tuhod, umiiyak siya. Ang sakit, lalo na ng pumasok sa isip niya ang ilan sa mga masasayang alaala nila ng ina.
Pumasok si awaira ng may pag-aalala. Tinanong niya ang fourth imperial boy, kung ayos lang ito.
"Iwan mo muna ako, kahit sandali lang. Gusto ko lang mapag-isa!" Walang nagawa si awaira kundi lumabas. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto, naririnig niya parin mula sa kinatatayuan ang paghagulgul ng master niya.
Nag-aalala na siya may isang araw nang natulog ang imperial boy, ngayun na nagising naman ito ay umiiyak.
Tumingin si awaira sa bintana na tanaw ang labas ng palasyo. Nakikita niya mula sa taas ang mga sundalo ng reynang nakapaligid sa fourth palace, hindi pa to alam ng lahat, at wala rin siyang balak sabihin sa kahit sinuman.
Umalis si awaira para suriin ang iba pang magagawa. Umiinit at lumalamig kasi sa fourth palace ayon sa nangyayari sa labas, buti nalang sanay ang mga tagapanglingkod sapabago-bagong panahon.
Naabutan niya ang mga tagapanglingkod na naghahanda ng makakain. At ang mga sundalong nagkwe-kwentuhan sa mga pangyayari.
"Awaira, kamusta ang fourth imperial master?" Tumigil si awaira bago lingunin ang isa sa mga tagapanglingkod. Pinapakin kasi ng mga ito ang isang batang babae, na kakuha nila sa labas ng fourth palace kagabi. Inaalagaan naman ito nang lahat— bumuntong hininga siya abgo sagot.
"Ayos na siya. Kagigising niya lang, napagod siguro kahapon!" Tumango tango ang mga ito.
"Nagsasalita naba siya?" Baling niya sa isang batang babae. Nakita kasi nila itong pagala-gala sa palasyo kagabi, dahil sa pag-aalala nila na masaktan ito sa nangyayari sa labas kinuhan nila ito.
Hahaplusin niya ang buhok nito ng tignan siya nito na anytime papatay. Dahil dun nabawi niya ang kamay. Napatawa ang pinaka matandang tagapanglingkod, bago sabihin na walang makahawak sa bata ng di nasasaktan.
Inilabas ng matanda ang cookie's na agad nitong nilapitan at nilantakan. Bumuntong hininga si awaira.
Walang magiging problema kung, walang maghanap sa bata o di'kaya hindi magagalit ang fourth master.
Kung titignan ang bata para itong isang maharlika. Mula sa presensiya, tindig at pustura. Nagsusumigaw rin ang pagka dominante nito sa murang edad, tingin palang mapapa atras ka sa takot.
Umiling si awaira, bago magsimulang tumulong sa kusina. Tutal wala rin naman siyang gagawin at ayaw magpa istorbo ng master.
Hindi nalang niya pinansin ang batang ginagala ang paningin sa paligid. Mukha itong kakaiba, pero bata parin naman siguro ito. Base sa postura at itsura nito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Queen addiction (Unedited)
FantasyCrus esteban was dead but suddenly wake up from nowhere. Akala niya patay na siya pero sa paggising niya may isang napaka gandang nilalang ang nakaupo sa gilid ng kama. Pulang mata at itim na buhok. Sa pagkamatay niya sa totoong mundo ang siya naman...