Chapter 1

5.7K 99 3
                                    

General's Pov

Kakarating lang sa bahay ng dalaga ng marinig nya na may nagbabasag ng plato. Usual na ito sa kanya. Pagpasok nya may plato na lumipad patungo sa kanya buti na lang at nakuyuko sya agad. Nakita nya ang kanyang ina na hinihingal dahil sa pag babasag ng plato.

"Ma, tama na" sabi nya ng lumapit sa ina at yinakap. Simula ng mamatay ang kanyang ama nag kaganun na ang kanyang ina. 2 years na simula ng mamatay ang ama nya at dalawang taon ng ganun ang ina. Nakita nya ang dalawa nyang kapatid na bumaba mula sa taas na parte ng bahay nila.

"Ate.." lumapit ang mga ito sa kanya. Napatingin sya sa kanyang mga kapatid nasi Jovi at Mafe.

"Jema malapit na tayong maputulan ng kuryente at tubig." sabi ni Jovi sa kapatid. Napahinga sya nang malalim.

"At saka ate mag babayad na pala kami ng miscellaneous fee" sabi ni naman Mafe. Napahinga ulit sya ng malalim. Simula ng mamatay ang kanilang ama ay nagkaganun ang Mama nya. Sya na ang sumagot ng lahat ng gastusin sa bahay nila. Ang dami nyang trabahong pinasok para lang matustusan yun. Madalas kapag mag isa sya umiiyak na lang sya dahil ang lupit ng pagkakataon sa kanila. Ang hirap pa ng buhay nila.

"Sige Mafe gagawan ko yan ng paraan at saka ate Jovi" sagot na lang nya sa mga kapatid. Natanggal sya kagabi sa pinag tatrabahuhan na Bar dahil inaway nya ang babaeng kahalikan ni Fhen. Isa kasi syang waitress at dahil sa nangyari kahapon nawalan sya ng trabaho.

"Ate, nakatulog na si Mama" sabi ni Mafe. Tumango lang sya.

"Mag bibihis lang ako." sabi nya. Tinungo nya ang maliit na kwarto para kumuha ng damit. Huminga sya ng malalim at pumikit ng mariin upang pigilan ang luhang nag babadyang maglanda sa pisngi nya.

"Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho" usal nya sa sarili. Tinungo nya ang banyo nila at naligo sya.

*****

D'Wong's Law Firm

"Kumusta?" Napatingin si Dean sa nagsalita at mabilis na binalik ang pansin sa ginagawa.

"Alam mo nakakatampo ka eh" sabi ng dumating.

"Bakit ba? Wala kabang kleyente?" pasupladong sagot ni Dean.

"As always. Ang sungit mo parin" sabi ng kausap.

"Atty. Titus Thale Carlos go away" naiiritang sabi ni Dean. Itinaas ng binata ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Okay. Aalis na ako" sabi nito. Tumayo na si Attorney Carlos.

" Tots " napalingon naman ang binata.

"Ano yun?"

"Mag pa hire ka ng secretary." seryusong sabi ni Dean. Natawa naman si Tots bago lumabas ng opisina ng kaibigan. Napailing na lamang sya dahil lahat ng sekretarya nya ay hindi nakatagal sa kanya. Halos every month ay papalit palit sya ng secretary dahil narin sa hindi matagalan ng mga ito ang ugali nya. Inalis nya ang kayang eyeglasses bago umikot para tanawin ang bintana. Pumasok sa isipan nya ang babaeng basta na lamang umalis sa unit nya at hindi man lang nagpasalamat. Napailing na lamang sya sa naisip.

__________

Nag lalakad na ang dalaga palabas sa kanto ng Brgy. 17. Nag-aabang sya ng jeep na pampasahero. Binilang nya ang pera sa kanyang wallet meron na lamang syang 300 pesos. Dahil ibinigay na nya ang 2000 para pambayad sa inuupahan nilang bahay.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now