General's POV
Narinig ni Jema ang pag ring ng phone nya na mabilis naman nyang sinagot dahil kakapatulog nya lang kay Dean.
Otp:
"Hello Ma?"
"Anak nasa bahay ka ba ni Dean?" Tanong ng Mama nya.
"Uhm opo Ma, pasensya na Ma"
"Anak andito kasi si Fhen pinapatay na sa tingin ng dalawa mong kapatid. Inaantay ka eh" bahagya natawa si Jema sa sinabi ng Ina. Parang nakikita na nya ang itsura nina Jovi at Mafe.
"Ma sabihin mo andito ako sa bahay ni Dean at saka sabihin mo tigilan na yung pagdalaw dalaw dyan sa bahay natin "
"Si-sige anak. Ingat ka dyan, babye"
"Ma, safe ako dito. Babye din" pagkatapos nawala na ito sa kabilang linya.
"Jema. Jema.." narinig nya na tawag ni Dean mukhang nanaginip ito ng masama dahil nakakunot noo ito kaya lumapit sya dito at hinawakan ang kamay nito at hinaplos nya ang buhok. Hinalikan nya pa ito sa noo.
"Love ssshhh I'm here, go back to sleep"
"Don't leave me please" nahihirapang sabi nito. Hinalikan ng dalaga ang binata sa labi. Pagkatapos ay inunan ang dibdib nito at yinakap.
"I'm just here. Don't worry" pagkasabi nya ng mga iyun ay kumalma ito sa pananaginip ng masama.
________
Dean's POV
Kinapa ko ang katabing side ng kama ko pero wala si Jema kaya nagmulat na ako ng mata at napakunot ang noo ko nung hindi ko sya nakita dito sa kwarto ko, asan sya. Bumangon ako at nagkusot ng mata.
"Jema.." mahina kong sambit.
"Jessica asan ka? Jessica?" tapos narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko sya na suot yung damit ko kaya lumapit ako at niyakap sya.
"Love.." usal nya habang kayakap ko sya.
"Akala ko wala kana" I hug her tighter to feel her skin against mine. She's real.
"Ay nako kagabi pa yang bad dreams mo. Would you mind if you tell me?" Sabi niya sa akin. Tumango ako at naupo kami sa kama. She sit on my lap paharap sa akin. Tinitigan ko muna sya bago ako bumuntong hininga.
"Oh Love ayaw mo pa?" Nakangiti nyang tanong akin.
"Hindi naman, kasi yung paniginip ko iniwan mo ako hindi ko alam kung saan pero basta nawala ka sakin tapos naramdaman ko yung sakit dito sa puso ko" Nilagay ko pa ang kanang kamay ko sa dibdib ko.
"Ahhh Love hindi ko naman gagawin yun" she lean forward to kiss me. Smack lang and she cupped my face.
"Stop your worries Atty. Dean Sebastian Wong hindi kita iwan promise" sabay ngiti nya sa akin. Napangiti din ako.
"I love you so much" ito talaga yung nilalaman ng puso ko.
"I love you too so much" tapos I kissed her, this time I give kisses na mabilis naman nyang tinugon.