Chapter 65

4.3K 95 9
                                    

Jema's POV

Pagkapasok ko sa office nakita ko na pinag titinginan ako ng aking mga staff at hindi man lang bumati ng good morning. Napabuntong hininga
ako. Mukhang alam na nila ang 'affair' namin ni Dean. Sino ba namang hindi makakaalam eh pumupunta saamin si Dean. Naupo ako sa aking swivel chair at tiningnan ang aking laptop. Pumasok si Jessa at napatingin ako sa kanya.

"Jessa.." usal ko.

"Ma'am" sagot nya sa akin. Napatungo ako at napabuntong hininga pagkatapos I heard the sound of confetti pagtigin ko I saw my staff. May hawak silang confetti at banner na may nakasulat na congratiolation at may cake pa. Nagtataka naman akong napatingin sa kanila.

"Congratulation Ma'am!!" Sabay sabay nilang bati.

"Ma'am ang seryoso nyo po kasi nung pumasok kayo eh" sabi ni Yna isa sa mga staff ko. Nginitian ko naman sila.

"Para saan ang congratulation?"

"Si Ma'am talaga makakalimutin, diba po na nakuha nyo yung deal with Mr. Wong kaya lagi kayong
mag kasama kasi sabi ni Ma'am Ghe nagdemand daw po si Sir Dean na magi-invest lang sya sa atin kung kayo po ang mag-aasisst" Sabi ni Ronna. So yun ang sinabi ni Dean kay Ghe at talagang pinaniwalaan yun ng lahat. Napailing na lang ako.

"Salamat" sagot ko na lang, akala ko naman alam na nila.

"Ngayon we have a multi billionaire investor at si Mr. Wong yun" sabi ni Marian. Ngumiti ako sa
kanila. Dean is always saving me with everything.



















____________

General's POV

"Daddy!! Daddy!!" Pang gigising ni Zach kay Dean na nakahiga sa kama nila ni Jema.

"Hmm ano yun anak?" Bahagya nyang idinilat ang mata at tiningnan ang anak.

Lumabas si Jema mula sa banyo at nilapitan si Dean. Gumapang sya at siniksik ang sarili sa kilikili ni Dean na animoy matutulog. Napa simangot naman si Zach sa ginawa ng Mommy at Daddy nya, dahil para itong matutulog pareho.

"Mommy!! Daddy!!" Sigaw nito na parang any moment ay iiyak na Pinipigilan naman ni Jema ang matawa, family day kasi nito sa school ngayon at sobrang excited nito dahil first time niyang kasama ang Daddy nito.

"Bakit ba anak?" Sabi ni Jema na yinakap pa si Dean.

"Mommy Daddy diba po Family day po namin sa school ngayon" nakapout na sabi nito. "Bakit di pa po kayo nagre-ready?" Bahagyang nagdilat ng mata si Dean at tiningnan ang itsura ng anak.

Muntik naman syang matawa dahil paiyak na talaga ito at si Jema naman napa halakhak na ng tawa. Di na nya kinayang pagtripan ang anak kaya naman bumangon na sya, ganon din si Dean. Naka pajama pa ang binata na kulay blue at gray V neck shirt, yinakap nya si Jema mula sa likuran at pinatong ang baba nya sa balikat nito habang pinag mamasdan ang paiyak na anak. Pareho naman silang nakangiti.

"Ano anak?" Tila inaasar na sabi nito sa anak. "Family day nyo?"

"Daddy naman eh" Napapadyak na ito sa kinatatayuan dahil sa pang aasar ng kanyang Mommy at Daddy.

"Eh ano bang gusto mo?" Tanong ni Jema na sumadal pa kay Dean.

"Magready na po kayo kasi po family day namin!" Nagkatinginan sila Dean at Jema sabay tumawa.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now