General's POV
Pinag lalaruan ni Jema ang mga kamay sa mukha ni Dean. Napaungol lang ang binata habang ginagawa yun ng dalaga. Natutulog pa kasi ito. They are both naked under the comforter when Jema felt his strong arms around her lower back. Then she saw him smiled. Nasa ibabaw ng binata ang dalaga. Nag dilat ng mata si Dean. That's when he saw the most beautiful woman in his life.
"Good morning Atty. Wong" nakangiti nyang bati sa binata. Napangiti din ang binata dahil dun.
"Good morning Mrs. Wong" nagulat si Jema sa pag tawag nito ng Mrs. Wong pero nagustuhan nya yun kaya napangiti sya at nag adjust sya para magkapantay sila.
"Okay ka na?" tanung ng dalaga sa kasintahan
"Hmmm. Oo naman" sagot nito sa kanya.
"Promise mo na sasabihin mo na sa akin ang lahat ahh" Huminga muna ng malalim si Dean. Bago hinalikan sa labi ang kasintahan.
"Oo, promise lahat sasabihin ko na sayo pero bago yun gusto ko munang gawin to sayo" gumulong ang binata dahilan para mag palit sila ng posisyon, napatili naman si Jema sa ginawa ni Dean.
"Dean!!" nakatuon ang parehong kamay ng dalaga sa dibdib ng binata. Tinitigan muna sya ni Dean.
"I love you.." sambit ng binata. Pakiramdam ng dalaga para parin syang lumulutang sa ulap kapag naririnig nya ang mga katagang yun mula sa binata.
"I love you too" tugon ng dalaga.
_________
Dean's POV
Finally nasabi ko rin sa kanya ang mga katagang yun. Alam nyo yung pakiramdam na kinakabahan ka bago masambit yung three words na yun. Hindi ko alam kung bakit? Siguro kasi sya yung kauna unahan kong sinabihan nun. Kauna unahang babaeng minahal ko. Napangiti ako dahil dun.
"Uy Atty. Wong bakit ka ngumingiti sa kawalan? Nababaliw kana ata eh" puna sa akin ni Jema ng ipatong nya sa lamesa ang platong may lamang kanin. Pinag lagay nya ako ng kanin sa plato at saka ulam paara lang kaming bagong kasal. Suot nya ang long sleeve polo kong emperio armani at naka underwear lang sya sa loob. Over size kasi yun sa kanya. Napa ngiti ulit ako ang sarap nya kasi pag masdan, ganito pala kapag inlove.
"Huy!!" tawag nya ulit. Hinila ko sya paupo sa lap ko at niyakap ko sya. Pinatong ko yung baba ko sa right shoulder nya. "Dean ano ba kakain na tayo"
"Masama bang lambingin ang Missis ko?" bulong ko sa tenga nya. Di ko man sya tingnan alam ko na kinikilig sya. Tumigil na sya sa pagpo-protesta at hinayaan nalang ako na yakapin sya. "Ganto na lang tayo"
"As much as I want too kaya lang may trabaho po tayo" She lean back to me. Ako naman ay sumandal sa sandalan ng upuan.
"Palate na lang tayo" bulong ko sa tenga nya.
"Parati na lang tayong late" sagot nya sa akin. Hinalikan ko ang tenga nya. "Love!!" natawa ako sa pag sigaw nya.
"Po?!" tugon ko na pinagpatuloy parin ang paghalik sa kanya. She was about to stand ng higpitan ko pa yung pagkakayakap sa kanya. Tumigil na rin ako sa pagtawa dahil alam ko na naasar na sya. "Oo na titigil na ako" hinampas pa nya ako sa braso.
"Tara na kumain" tumayo sya sa pagkakaupo sa akin. Nag start kami kumain.
"Love mamaya pala sa bahay ako uuwi" sabi nya sa akin bago isubo ang kutsara na may laman. Tumango lang ako.