General's POV
"Man you look nervous!" Puna ni Tots kay Dean na paikot ikot sa kwarto kung saan sila nags-stay.
"Parang first time mong ikakasal ah" puna naman ni Brei na naka de kwatro sa sofa.
"Tumahimik nga kayo!" Bulyaw ni Dean said dalawang kasama.
"Bro relax" tinapik pa ni Tots ang balikat ni Dean.
Dean wear Lilac Tuxedo, White Vest with Lilac Nick tie. Kinakabahan sya at paulit ulit na tinitingnan ang sarili sa salamin. Nagkatinginan si Brei at Tots sabay ngumisi at may naiisip na kalokohan.
Dean's Wedding Suit
"Bro!! Nagtext si Dennise" sigaw ni Tots na nakatingin sa cellphone nito. Bahagya itong nagulat at ang reaksyon ay di na maipinta pero ang totoo ay wala naman text si Dennise. Napatingin si Dean kay Tots na halatang kabado. "Bro nawawala daw si Jema" sigaw ulit nito.
Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Dean at bumagsak ang balikat sa narinig. Pinipigilan naman ni Brei na tumawa dahil sobrang epic ng mukha ni Dean.
"S-sa-sabi n-nya mahal nya ako" usal ni Dean na parang iyak na any moment. Doon na tumawa ang dalawa ng pagkalakas lakas at hawak hawak pa ang mga tyan. Napa angat ang mukha ni Dean at na realize na pinagt-tripan lang sya ng mga kaibigan. Gustong gusto nyang hampasin ang mga ito ngunit nakatakbo na ang dalawa sa kabilang side ng kwarto.
"Eh kasi naman bro parang kang natatae at hindi maipinta ang itsura mo" sabi ni Tots habang tumatawa.
"Tigilan mo nga ako Titus Thale at ikaw rin Brei Elias ha, hindi magandang biro yan!!"
"Ano kaba Dean Sebastian relax lang kasi, kasal nyo to ni Jessica" sabi ni Brei. Huminga muna ng malalim si Dean.
"Masaya na kinakabahan, siguro kasi finally makakasal na ako sa babaeng pinangarap ko buong buhay ko"
"Well, Man Congrats" sabi ni Tots
__________
The time had arrived.
Dean, Tots at Brei are standing infront of the altar. Malalapit lang na tao ang inimbitahan nila sa kasal nila. Simpleng kasal lang ang gusto nila. Nakita ni Dean na nag umpisa ng pumasok ang mga bridesmaids ng kasal nila at narinig narin nya ang wedding song.