Dean's POV
Bakit ba iyak ng iyak si Jema? Yung mga yakap at halik nya sakin parang
namamaalamna. Bakit ganun yung pakiramdam ko? Napa-praning lang yata ako. Mahal ako ni Jema at hindi nya ako iwan kasi nangako sya sakin na hindi nya ako iwan at alam ko rin na hindi nya yun gagawin.Pagkarating ko sa condo ko may napansin akong box na malit sa harap ng pintuan ng condo ko. Kinuha ko yun at may Voice tape. Pumasok muna ako sa loob. Pagkapasok ko bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit bigla akong kinabahan?
Binuksan ko yung box at parang gumuho ang mundo ko ng makita ang laman nun. Nanginginig akong hinawakan ang engagement ring na binigay ko kay Jema at yung voice tape tiningnan ko muna ito bago pinindot ang play.
"Hi Dean, siguro sa mga oras nato malayong malayo na ako sayo. Wag mo na akong hanapin kasi hinding hindi mo na ako makikita" anong sinasabi nya? Bakit? Nangako sya sakin na hindi nya ako iwan!!
"Ang totoo nyan hindi naman talaga kita Mahal at saka ang hirap mong mahalin" what? Hindi ako naniniwala. Ramdam ko yung pag mamahal nya sakin, hindi yan totoo. Mahal nya ako. Mahal nya ako!! Pero ang huling sinabi nya parang may patalim na humiwa sa aking puso.
"I--I'm just using you for my needs. Mayaman ka mahirap ako baka
maiiahon mo ako sa hirap kaya lang I realize one thing, hindi pa pala ako handang magpakasal kaya I choose to leave. Salamat sa lahat, sana maka move on ka baka gusto mong palakpakan ako dahil sa galing kung umarte" Ano bang nangyayari sa kanya? Pinunasan ko ang luha ko.Tumayo ako para umalis at hanapin sya. Mahal nya ako, alam ko yun hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya. Sya yung buhay ko, kung mawawala sya sakin parang namatay narin ako. Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon, bakit nya sinabi ang mga bagay nayun? Ang saya saya pa nga namin nung mga nakaraang araw.
Parati nyang sinasabi sakin na mahal na mahal nya ako! Nangako sya eh. Yung babaeng buhay ko, yung babaeng nakapagpangiti sakin, nakapagpatawa, nakapagpabago, iniibig ko at lahat lahat sa akin. Nasan kana? Nakarating ako sa bahay nila at pagkapasok ko nakita ko umiyak na si Tita pati si Mafe at ate Jovi.
"Na-nasaan sya?" Nanginginig kong tanung sakankla. Umiling lang si ate Jovi.
"Umalis sya kuya na hindi namin alam kung saan ang punta" halos nawasak ang mundo ko sa narinig. Totoo na iniwan nya ako.
Napaatras ako at lumabas ng bahay na. Sumakay ako sa kotse ko at hinampas ang manibela nito. Napahigoit ang hawak ko sa manibela ng bigla kung maisip si Dennise kaya nag drive ako patungo sa cafe nya. Pagkapasok ko sa cafe nya nagulat sya ng makita ako at napatras kaya lumapait ako sa kanya.
"Nasan si Jessica?!!" May diin sa mga salitang sabi ko. Napaiwas sya ng
tingin at hindi sya sumagot."Tangina naman! Dennise nasan si Jessica!!" Pasigaw kong sabi sabay ng hampas ng kamay ko sa counter. Wala akong pakialam kung pinag titinginan kami ng mga tao dun. Nakita ko si Aly na palapit saamin.
"Bro not here!" Hinawakan nya ako palayo sa lugar na yun at dinala sa likod ng cafe ni Dennise.
"Ptangina, nasan si Jema! Nasan sya?!" sigaw ko ulit na sumbat kay Dennise na katabi si Aly. And she start to cry.
"Dean ang hindi ko alam yan yung katotohonan, nag paalam sya sakin pero hindi nya sinabi sakin kung san sya pupunta. I'm sorry Dean"
Sa narinig ko kay Dennise, bumagsak ang mga balikat ko at hindi ko mapigilan ang luha ko. Iniwan ako ng babaeng minahal ko ng sobra sobra. Ang babaeng inalayan ko ng buhay ko. Wala na sya. Tumalikod ako at umalis sa lugar nayun. Ang sakit sakit pala mag mahal. She took my heart.
Pagkapasok ko sa kotse, hinayaaan ko ang sarili ko na umiyak. Why do you have to leave me with no reason at all? Hindi mo ba talaga ako minahal? Mahirap ba talaga akong mahalin? Bakit? Mahal na mahal naman kita? Binago mo ako eh. Tapos nung nabago mo na ako saka mo naman ako iniwan. Bakit Jessica?
Madami akong tanong na hindi ko alam kung masasagot pa. Basta ang sakit nang nararamdaman ko. Sobrang sakit. Akala ko pa naman totoo yung lahat lahat sa amin. Nangako pa sya na hindi nya ako iwan. Dumaan lang ba sya sa buhay ko para saktan ako? Sana pala hindi na lang. Dahil hindi ko na kayang magmahal pa muli ng katulad ng sa kanya.
___________
General's POV
Pinuntahan nina Brei at Tots si Dean dahil 2 weeks na itong hindi
pumapasok sa trabaho. Sa pang sampong doorbell saka pa lamang ito nagbukas at nagulat ang dalawa sa itsura ni Dean na mukhang miserable. May balbas na parang hindi nagkikita ng pang-ahit. Magulo ang buhok na parang hindi nagkikita ng suklay at para rin hindi naliligo."Ano ba yan bro maligo ka nga!" Sabi ni Tots na pumasok sa loob. Magulo ang bahay nito na parang dinaanan ng ipu-ipu. May mga nagkalat na bote ng alak at saka mga beer in can.
"Bro ano ba? Papasok ka pa ba?" Tanong ni Tots. Hindi sumagot si Dean. Nagkatinginan lang si Brei at Tots.
"Wong!!" Tawag ni Brei.
"Iwan nyo nga ako!!" Sigaw nito. Inintindi na lang ng dalawa ang kaibigan dahil broken hearted ito.
"Bakit kailangan nya akong saktan ng ganto? Hindi ba sapat yung pag
mamahal ko sa kanya? Akala ko totoo ang lahat hindi pala nag lolokohan lang pala kami. Ang pinakamasakit sa lahat sya lang yung babaeng minahal ko ng sobra. Hindi pala totoo lahat ng pangako nya!! I love her more than my life!" Hinagpis ng binata sa mga kaibigan. "Mahal ko sya eh at paulit ulit kong tinatanong kung bakit? Bakit nya ako iniwan?!"Nakikisimpatya nalang ang dalawa sa sakit na nararamdman ng kaibigan. Wala naman silang magawa para dito.
__________
Lumipas ang mga araw at bumalik si Dean said dati nitong gawain. Mainitin ang ulo, suplado at terror sa opisina at gabi gabing nasa bar at kung sino sinong babae ang kasama. Miserable na ang buhay nya sa pagkawala ni Jema. Hindi naman sya mapigilan ng mga kaibigan dahil hindi naman ito nakikinig sa kanila. Isang gabi lasing na lasing si Dean ng may lumapit sa kanya na babae.
"Are you alone?" Tanong ng babae.
"Yeah" sagot ng binata na lasing na lasing na.
"Wanna have some fun tonight?" Ngumisi lang si Dean at hinapit sa bewang ang babae para halikan. Bigla namang pumasok sa isipan nya si Jema.
"Jessica" sambit nya habang hinahalikan sya ng babae. Then he felt the pain again. Kaya she pulled the girl closer to him. After they kissed tinitigan nya ang babae. "I'm sorry" sambit nya sabay tumalikod sya at umalis sa lugar na yun. The pain is still there. Nag drive sya patungo sa lugar kung saan ay tahimik. Sa manila bay. Nakikita nya ang mukha ni Jema at nag umpisa na naman syang umiyak dahil wala na ito sa kanyang piling.
"Jessica Margarett!! Mahal na mahal kita!! Bakit mo ako iniwan?!!" Sigaw nya. Wala namang nakakarinig sa kanya dahil sya lang naman ang tao dun. The cold wind was mending with his broken heart.
The End
_____________
Joke ulit hehe. Ayos ba? Di naman masakit no? Parang kagat lang ng dinosaur?
Mag-vote kasi kayo dahil kung hindi igo-ghost ko kayo sige HAHAHAHA