Dean's POV
Magkikita kami ngayon nina Brei at Tots sa Coffee shop ni ate Den. Ewan ko ba sa mga yun pwede naman sa law firm nalang kami mag meeting bakit dito pa sa coffee shop ni ate Den. Nakita ko si Brei at Tots na nasa may counter kausap iyun at nagtatawanan pa sila.
"Oh look who's here.." sabi ni ate Den saakin. Napatingin din yung dalawa sa gawi ko.
"Bro" nakangiting bati sa akin ni Tots.
"Ano bang pag uusapan natin?" bungad ko kaagad sa kanila. "Bakit kailangang dito pa sa Caffe ni ate Den?" kunot noo kung sabi sa kanila.
"At ano namang masama na dito kayo mag meeting ha?" taas kilay na tanong ni ate Den saakan. Napailing na lang ako.
"Dean Sebastian sa opisina tayo ni Dennise" sabi ni Brei.
"What?! Pwede naman dito ah. Bakit kailangang sa office nya pa?!" protesta kong sabi pero ang dalawang mokong lumapit sa tabi ko at binuhat ako para silang mga body guard. Nauuna si ate Den pumasok sa loob.
"Ano ba?!" inis kong sabi.
"Bro sumunod ka na lang" sabi ni Tots.
Nakarating kami sa loob ng opisina nito. Pagkapasok namin, naupo naman si ate Den sa swivel chair nya pagkatapos yung dalawa naupo rin sa sofa.
"Meeting pa ba to?" naiinis kung sabi sa kanilang tatlo. Pare pareho lang silang nakangiti sa akin.
"So Dean Sebastian alam mo dapat magpasalamat ka sa akin" nakangiting sabi ni ate Den saakin. Naguguluhan naman ako sa sinasabi nya. Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?
"Because of me nakilala mo ang pinsan ko" Tiningnan ko sya ng punong puno ng pagtataka. Sinong pinsan? mukhang nabasa nya ang iniisip ko. Nagkatinginan pa ang tatlo bago sabay sabay tumawa. Parang mga timang.
"Jessica Margarett Galanza, incase na hindi mo alam pinsan ko sya" sabi ni ate Den. At pinsan pala sya ni Jema, teka bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?
"Why should I thank you?" kunot noo kong baling sa kanya. Naupo ako sa silyang malapit sa kanya. Nagkatinginan si Brei at Tots. Kunot noo naman akong tinitigan ni ate Den.
"You and my cousin have something right? nako Sebastian uupakan kita kapag niloloko mo ang pinsan ko" mataray na sabi nito.
Matagal na kaming magkakasama since college. Kilalang kilala nila ako. Sila ata ang matatawag kung 'Kaibigan', sila lang kasi ang sumasama sa akin at sila lang ang nakakatagal sa ugali ko.
Masungit suplado at hindi marunong makipagkaibigan pero nilalapitan nila ako nung college. Kahit hindi ako makwento sa kanila, kilala nila ako. Alam nila na galing akong ampunan at kahit na ganun hindi nila ako iniwan. Makulit at magulo yun ang usual na sila. Kahit na napaka lamig at bato ko sa tigas itinuturing nila akong kaibigan at kapatid. Tiningnan ko sila isa isa.
"Paano kung hindi ko alam kung anong meron kami ni Jema?" bigla kong sambit. Ate Den's eye's widened, na shock ata sa sinabi ko. Si Tots naman yung ngiti nya nawala at naging seryoso ang mukha at si Brei na confused.
"What?!!" sigaw ni ate Dennise. Ang sakit sa tenga.
"Oh come on Dean si Jema na yun. Hindi ako papayag na lokohin mo sya kung hindi ka sigurado sa kung anong meron kayo ni Jema I suggest ngayon palang itigil mo na yang kalokohan mo!!" galit na sabi nya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
"Andito tayo para pag-usapan ang saamin ni Jessica" sabi ko.
"Bro I trust you, diba pinaubaya ko na sayo si Jema" sabi ni Tots.