General's POV
Nakarating si Jema sa bahay nila. Nagulat naman ang Mama nya dahil hindi sya hinatid ni Dean.
"Anak bakit hindi ka ata hinatid ni Sebastian?" Lumapit sya sa ina at yinakap ito ng napakahigpit.
"Ma si Dean kasi eh" pinunasan ng ina ang luha nya. "Ayaw nya makinig sa akin ang tigas tigas ng ulo"
"Anak hayaan mo makikinig din yun sayo kapag namimiss ka na nya, eh parati naman kayong makasama nun tumahan kana anak" sagot naman ng Ina ng dalaga habang pinapatahan ito.
"Ma, kasi naman yung pride nya ayaw nyang ibaba"
"Anak, ano naman pa bang inaasahan mo sa mga lalaki eh talagang mapride" sagot naman sakanya ng Ina.
"Sana lang marealize nya na dapat mapatawad nya rin yung nanay nya" Narinig naman nila ang
pagbuhos ng ulan."Nako nak umuulan oh ang lakas halika at tulungan mo akong lagyan yung mga natulo sa kusina"
Napangiti si Jema sa narinig dahil namimiss nya rin ang mga ganung bagay.
__________
Dean's POV
Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay nina Jema. Paano ko ba sya kakausapin? Alam ko na kasalanan ko. Nahihirapan kasi akong patawarin
ang nanay ko. Napapikit ako ng mariin ng mag umpisang umulan.Kakatok ba ako sa bahay nila o aalis na? Paano ba ako mag so sorry sa kanya? Sht ang gago mo Dean pinaiyak ko na naman sya. Ang
lamig na dito sa labas. Lalapit na ba ako sa bahay nila?Nakita ko na may nag lalakad palapit sa kanila na lalaki at kumatok sya. Nakita ko si Jema kaya tumago ako sa poste na malapit sa bahay nila.
Niyakap nya yung lalaki at mukhang ang saya nya na makita ang lalaki kung sino man yun. Fuck, gusto ko syang sapakin kung sino man ang lalaki na yun.Lumakas pa yung ulan at basang basa na ako. Nakapag desisyon na ako na lumapit sa bahay nila. Kumatok ako. Mga limang katok bago may
lumabas at si Jema yun kaya nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. Sht I miss her ilang oras pa lang kaming nagkakahiwalay miss ko na agad sya, hindi ko talaga sya matitiis."Dean?!!" I hug her. Wala akong pakialam kung basa ako dahil sa ulan at isa pa nanginginig din ako sa lamig.
"Jema sino sya?" tanung nung lalaki.
"I'm sorry" bulong ko sa tenga nya. Niyakap ko pa sya ng mahigpit.
"Dean mamaya na lang tayo mag usap mag palit ka muna ng damit" sabi nya in a cold way. Hindi ako sanay na sya yung malamig ang pakikitungo. Ganun ba kalaki yung tampo nya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Sabi mo walang iwanan? Di ko mapigilang itanong sa isip ko.
"Galit ka pa?" Di nya ako sinagot bagkus ay umiwas sya ng tingin. She's really mad at me. Okay tama na ang pagbaba ng pride ko.
Tumalikod ako sa kanya and headed my way to the door. Lumabas na ako ng bahay nila. Mas malakas ata ang ulan ngayon kesa kanina. I don't care at mukhang kailangan ko ng pampainit.
_________
Jema's POV
His gone. I want to hug him back ng yakapin nya ako. Kaya lang tiniis ko ang sarili ko na pigilan at habulin sya. Gusto ko na lang maiyak nung mawala na sya at basang basa sya dahil sa ulan.