Jema's POV
Ang saya talaga asarin ni Wong. Ang hina nya talaga pag dating sa alindog ko and speaking of alindog kasama nya pala ngayong nagm-meeting yung maharot este maalindog na babaeng si Liz Uy na napakasama ng tingin sa akin. Well wala akong magagawa maganda talaga ako. Nag tungo muna
ako sa CR at lumasok ako sa isa sa 4 na cubicle doon at umuhi. After 5 mins may pumasok, I think 3 sila dahil nakikita ko yung sapatos nila."Ang landi talaga ni Jema" napatalima ako ng marinig ko ang pag uusap nila.
"Oo nga, isipin mo parati syang nasa opisina ni Sir at parati silang mag kasama" sabi pa ng isa. Teka parang pamilyar. I think it's Karen Tuazon and the first girl is Deniece.
"Nagtaka pa kayo eh umpisa pa lang naman plano na nyang akitin si sir Dean, diba nga nakipag date pa yan kay Sir Tots malandi eh" that's Moi. Ganito pala yung pakiramdam pag pinagchi-chismisan ka sa office maiiyak na hindi. My god, ganun ba kalandi ang tingin nila sa akin.
Inantay ko na lumabas yung tatlo bago ako lumabas ng cubicle. Nag lakad ako patungo sa table ko habang
inisip yung mga narinig ko. Naupo ako sa swivel chair ko. Nakatulala lang ako ng maramdaman ko na there's someone hugging me behind my back at hinalikan ako sa pisngi. I feel secured. Nakapatong yung baba nya sa balikat ko. He make's me feel
better. Kaya I lean backward to him."Love tara na mag lunch" bulong nya sa akin.
"Huh? Ah sige" pumasok na naman sa isipan ko yung narinig ko. Napatingin ako sa mga officemate ko and I saw the three rolling there eye balls. "Tapos na yung meeting nyo?"
"Hmmm Oo." sagot nya. Nakapikit sya habang naka yakap sa akin at ang pogi pogi nya, napangiti ako parang nawala lahat ng iniisip ko. "Ikaw na
lang kaya lunch ko" sabay dilat at wink."Loko ka ahh" sagot ko na lang sa kanya. Tumayo sya at kinuha ang bag ko. "Huy san mo yan dadalhin!!"
"Sabi ko tara mag lunch" tapos nag start na sya mag lakad. Wala naman akong nagawa kundi sundan sya.
Pagdating namin sa parking lot in-unlock nya ang kotse at sumakay kami. In-start nya na ang engine ng kotse nya at nagsimula na sya mag drive. Nag kukwento sya ng about sa meeting nila, ang sarap nya pag-masdan pag mga ganitong pagkakataon. Tumatawa sya ngumingiti ,hindi yung suplado at masungit na boss ko dati at least mabait na sya ngayon, marunong mag kwento.
"Love nakikinig ka ba sa akin?" hinawakan nya ang kamay ko.
"Oo" sagot ko sa kanya.
"Anong iniisip mo kanina kapa tahimik ah"
"Hmmm wala.."
"Meron eh tahimik ka sabihin mo sa akin" tumingin sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Ayoko ko kasi na nag alala sya.
"Hindi, wala ano kaba mamimiss kasi kita eh iniisip ko lang yung 3 days na wala ka" mukha naman syang na lungkot ng marinig yun.
"Oo nga eh kung di lang talaga sya kailangan hindi na ako pupunta" napailing na lang ako ng marinig yun, he changed a lot.
"Ayaw mo ata umatted eh" sabi ko.
"Ayaw nga" dun na ako natawa at talagang umamin sya.
"Saan ba tayo pupunta" tanung ko naman sakanya