General's POV
Pakiramdam ni Jema nakalutang sa hangin ang pakiramdam nya.
"Anak.." napalingon sya sa ina.
"Ma.." lumapit ito sa kanya.
"Gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sayo at siguro ganun din ang tatay mo" napangiti sya sa narinig. "Nung isang araw nung nag papaalam sa akin si Sebastian na aalukin ka nya ng kasal alam mo ba na lumuhod sya sa harapan ko at umiyak para lang hingin sakin ang basbas ko. Alam ko na mahal na mahal ka ni Dean at hindi ka nya sasaktan. Alam ko yun Jessica ramdam ko yung totoong pag mamahal nya sayo"
"Salamat Ma ramdam ko naman ang pagmamahal nya at alam ko po yun" niyakap nya ulit ang ina. "Wag kayong mag alala Ma tutulong parin naman po ako sa mga gastusin nyo kahit mag asawa na kami"
"Salamat anak"
"Jema!" Napalingon si Jema kay Jovi.
"Bakit?"
"Kelan kasal nyo?"
"May 4" mabilis nyang sagot. Yun talaga ang gusto nilang dalawa.
"Ibig sabihin 1 month preparation lang?"
"Oo" sagot naman ni Jema sa tanung ng kapatid.
"Anak matulog na kayo gabing gabi na oh"
"Si Mama talaga oh nagku-kwentuhan pa kami Jema" maktul Naman ni Jovi sa Ina.
"Jovi matulog kana tingnan mo si Mafe tulog na tulog na!" Sabi ng mama nila. Napasimangot na lang si Jovi bago nag paalam na matutulog na sya. Si Jema naman ay nagtungo na sa kwarto nya.
"Jessica!!" Napatalima sya ng marinig ang boses na yun. Napadungaw sya sa bintana at nakita nya ang boyfriend nya na nakaakyat sa puno na katapat ng bintana nya. Nakasando lang ito at board shorts at magulo ng buhok kaya napangiti sya dahil napaka gwapo nito .
"Anong ginagawa mo dyan? Bumaba ka nga dyan baka mahulog ka dyan" ngumiti ito ng nakakaloko. Ang cute parin ng smile ng loko.
"Namiss kasi kita hindi ako sanay na hindi ka katabi sa pagtulog" tumalon ito bigla sa bubong na nagsimula ng ingay. Nanlaki yung mga mata ng dalaga dahil sa ginawa ng binata.
"Anak ano yan?" Narinig nyang sigaw ng ina.
"Ma may pusa lang po!" Sigaw nya pabalik. Paglingon nya sa harapan nya
nasalubong nya ang mainit na labi ng binata na tinugon naman nya ng
magumpisang mabigay ito ng halik."Love" angil ng dalaga ng matapos ang halik. Pumasok ng tuluyan si Dean at sinara ang bintana. "Hindi mo talaga ako matiis no!!" Hinapit sya nito sa bewang.
"Hindi eh pag nalalayo ka sakin gusto na ulit kita makita"
"Unlimited talaga yang pampakilig mo!"
"Sayo lang. I never thought na masasabi ko ang mga bagay na yun, until you came"
"Tara matulog" hinila nya ang binata pahiga sa kama. Pagkahiga nila sa kama kaagad syang sumiksik sa kilikili nito. "Oo nga no, sanay rin ako na katabi ka sa pagtulog" nilanghap pa nito ang amoy ng fiancé.
"Alam mo Love napapadalas yang pag langhap mo sa amoy ko. Everytime na magkasama tayo. parati mong ginagawa yan" hinaplos pa nito ang buhok ng kasintahan.
"Gustong gusto ko na naamoy ka" napaisip naman si Jema, pinag lilihian nya ba ang amoy nito. "Love uhm gusto kung kumain"
"Huh? Love ala una na oh" parang inaantok na sabi nito.