Chapter 11

5.4K 124 2
                                    

General's POV

Nagulat si Jema sa narinig mula kay Dean. Humigpit pa ang hawak nito sa kanya at hinatak sya nito mula kay Jacob at hinila palabas ng lugar na yun. Walang nagawa si Jema kundi ang magpahatak sa binata. Nakarating sila sa tapat ng kotse nito.

Pabalagbag syang isinandal nito sa kotse at itinukod nito ang parehong kamay sa bubong ng kotse, habang hinihingal pa ito. Dun nya lang napansin na namamaga pala ang kamao nito dulot siguro ng pagkakasuntok kay Jacob.

"Fck Jema maghapon sya ang kasama mo. Anong ginawa nyo at bakit ka nakikipaghalikan sa kanya?" galit na sabi nito habang nanlilisik ang mga mata.

"Pwede ba hindi ako nakikipaghalikan sa ka----" bigla naman syang siniil nito ng halik.

Madiin ang paraan ng paghalik nito. Itinutulak nya ito paalis ngunit talagang napakalakas ng binata. Hinapit ng kaliwang braso nito ang bewang nya upang mas mapa diin ang katawan nya sa katawan nito. He bit her lower lip so that it could insert his tongue inside her mouth.

Napapikit ng mariin si Jema sa ginawa nito. Mapusok at may pangangailangan ang mga halik nito. Hindi nya maintindihan ang binata, kani-kanina lang ayaw sya nitong pansinin pagkatapos ngayon, nagagalit ito dahil maghapon nyang kasama si Jacob.

Hindi na nya napigilan ang sarili na maluha. Ano bang tingin nito sa kanya? Napahikbi sya ng malakas at dun nya naramdaman ang unti unting pag tigil ng binata sa paghalik sa kanya. Napadilat sya ng tumigil ito, makikita sa mga mata nito ang bago at pag amo ng expression ng binata na malayong malayo sa kaninang kaharap nya.

"I-I'm sorry" mahinang usal nito. Napalakas ang hikbi nya sa narinig.

"Bakit? Bakit mo ba ako parating sinasaktan" tinitigan nya ito sa mata. Umiwas ng tingin ang binata sa kanya.

"Bakit?!" halos humagulgol na iyak nya dito.

"Jema hindi ko alam.." Itinulak nya ang binata at nagsimula ng lumakad paalis.

"JESSICA!!!" sigaw ng binata. Pero di nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.



__________

Jema's POV

Anong akala nya sa akin libre saktan at pwedeng gawin kahit ano.

"Jessica Stop!!" naririnig ko sya pero di ko pinansin. Bahala sya sa buhay nya aalis na ako dito.

"Jessica.." naramdaman ko ang katawan nya mula sa likuran ko.

Natigilan ako, he never did this thing to me ngayon lang. Humigpit yung yakap nya.

"Please stay. I'm sorry kung gago ako" what the?! sinabi nya talaga ang mga bagay nayun.

Ang puso ko bumibilis na naman ang tibok. My heart melts as he said those words. Nakakainis bakit ganun kadaming lumambot ng puso ko kapag nakikiusap sya. Pumikit ako ng mariin.

"Please stay. I'm so sorry Jessica.." nakikiusap na sabi nito sa akin.

Nakapatong ang baba nya sa kanang balikat ko at amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

"Buti naman inamin mo na gago ka" sabi ko sa kanya.

"I'm sorry" bulong nya ulit na tila nahihirapan.

Sya yung tipo ng tao na mataas ang pride at hindi marunong mag sorry sa iba pero sa akin nagso-sorry sya.

"I'm just afraid na maiwan ulit ako mag-isa" sa sinabi nyang yun bahagya ko syang nilingon, nakita ko na may pain sa mga mata nya.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now