General's POV
Pagkatapos nila kumain bumalik na sila sa Law firm. Usual na sa kanila ang mga di 'maipaliwanag' na tingin ng mga officemates. Dire-diretso lang si Dean sa opisina nito. Naupo naman si Jema sa swivel chair nya at hinarap ang computer.
"Jema san kayo nag date ni Sir?" napalingon sya sa katabing table.
"Jho di kami nag date ni Sir" sagot nya sa kaibigan.
"Gaga ganun na din yun, ikaw lang kaya ang babae sa buhay ni Sir" dahan dahan syang napalingon dito.
"Tigilan mo ako" sagot nya sa kaibigan. Tapos nagp-play na naman sa utak nya ang mga sinabi ng binata.
I like you in that way.
I like you in that way.
I like you in that way!!!
"Arghh!!!" naiinis nyang sabi dahil sa naiiisip. Napatingin si Jho sa kaibigan.
"Ikaw Jema ahh inlove na inlove ka kay Sir" she said teasingly. Tumayo si naman Jema.
"Hindi ako inlove sa kanya. Oo Pogi sya pero pangit ang ugali nya, mabango sya pero saksakan naman ng sungit, maganda ang katawan nya pero parati namang sigaw ng sigaw. Para syang anghel kapag natutulog pero parang halimaw kapag gising, maganda ang boses nya at masarap pakinggan pero nakakabwesit sya kapag kinakaladkad nya ako basta basta at higit sa lahat bipolar sya!!" medyo malakas ang boses ni Jema sa pagkakasabi na halos marinig lahat ng officemates nya. Kitang kita nya na lumaki yung mga mata ni Jho, Andrea at Chelsea. Nagtaka naman sya kung bakit.
"What did you said?" sabi ng kilalang kilala nyang boses. Paglingon nya sa likod there's a man standing in the side of the door frame and leaning againts the wall. Nakahalukipkip ang mga kamay nito. Para itong model sa Mens magazine sa sobrang kagwapuhan. Pero natigilan si Jema sa pag-hanga sa kagwapuhan ng binata ng maalala nya ang mga pinagsasabi. Natuptup nya ang kanyang bibig.
"Sir.." usal nya na may takot sa tinig. Utang na loob Lord kailangan ko pa ng trabaho. Pangako po mag papakabait na po ako, please lang po. sa isip na saad nito.
"Inside my office!" seryusong sabi ng binata. Napa sign of the cross pa ang dalaga. Tiningnan pa sya ng mga officemate na parang gino goodluck bago pumasok sa loob.
_________
Jema's POV
Naku ko po! Jema strike 3 na ahh grabe. Kick out naba ako. Nakaupo ulit sya sa table. This time naka cross aram na sya. Magkadantay ang mga paa nya nakatukod sa floor. Tapos ang seryosong seryoso ng mukha nya kelan kaya sya ngingiti.
Sa 3 months ko dito ni hindi man lang sya ngumingiti. Kung hindi naka simangot, eh seryuso ang mukha nito, salubong ang kilay o kaya nakakunot ang noo at madalas din na blank expression at pati narin yung pagsigaw sigaw nya kapag galit sya. At ito nanaman sya his staring at me with his frown face.
"You said na masama ang ugali ko? I know. Masungit? Yes I'am at sigaw ng sigaw? Oo madalas kung ginagawa yan lalo na't mainit ang ulo ko. Halimaw? Sort of at nakakabwesit ako kapag kinakaladkad kita, sana sinabi mo na nabwe-bwesit ka." seryusong sabi nito.