General's POV
Pagkapasok sa nila sa coffee shop ni Dennise ay lumapit sila kaagad sa counter.
"Jema, Dean" sambit ni Dennise na nakangiti. Ganun din si Aly naka hawak sa bewang ng fiancé.
"Hi. Uhm for sure darating sina Brei at Tots" sabi ni Dean na nakaakbay naman kay Jema.
"Kanina pa sila nasa second floor na nga kasama rin ang mga girlfriends nila" sagot ni Dennise.
"Ganun ba? Ah order lang kami ah nagugutom na din kasi ako" Sabi ni Dean na dinala si Jema sa isa sa mga table dun.
"Danielle.." tawag ni Dennise sa Mananger ng Coffee shop. "Darating ba si Dany today?"
"Uhm. Yes po Ma'am sabi po nya parating na daw po sya" Sagot ni Danielle.
"San na naman sya sumakay sa kalesa? Grabe talaga yung babae na yun may relo ba yun sa bahay?" Napapailing iling na lang na sabi ni Dennise
Napatingin naman sya kay Danielle na tulala sa isang dereksyon. Tiningnan nya ang pinag mamasdan nito at dun nya napagtantong kay Dean ito nakatingin.
"Danielle. Danielle" pero walang
epekto natulala ata kay Dean."Huy!!" Sigaw ni Dennise na kinagulat ni Danielle at ikinatawa ni Aly.
"Ano yan tulaley lang ang peg? Campus Crush ba at may pagtulo pa ang laway?" Dali dali namang pinunasan ni Danielle ang bibig na ikinatawa ni Dennise at Aly. Nanumula na kasi si Danielle sa hiya.
"Danielle alam ko na sobrang
pogi ni Dean pero isa lang ang babae sa buhay nya at sobrang devoted yan sa girlfriend nya. You see that girl yung katawanan nya sya lang ang nakapagpatawa dyan and she's my cousin si Jessica" sabi ni Dennise habang niyakap sa bewang ang fiancé.Mukha naman napahiya si Danielle sa napansin ni Dennise. "Don't worry it's okay" nakangiting sabi ni Dennise. Dumating na rin si Dany.
"Hay nako traffic" yun kaagad ang binungad nya kay Dennise dahil alam nya na tatalakan na naman sya ng bongga ni Dennise.
"Gasgas na yang dahilan mo na yan, yung totoo gumimik ka na naman kagabi?" Nakataas ang isang kilay ni Dennise. Napayuko naman si Dany.
"Sa may timog lang naman eh sa laughline" pag amin ni Dany at ikinatawa ni Dennise.
"Try mo kasi mag alarm paminsan minsan. Uhm, Dany pagawa naman kami ng pastry yung specialty mo sa private room ko sa taas. Thanks, Mon Amoré halika na" sabi ni Dennise sa isa staff nya sabay aya kay Aly.
Tinawag nya rin sina Jema at Dean at sumunod naman ang dalawa. Napansin rin ni Dany ang
pag sunod ng tingin ni Danielle sa mga dumadaan sa harapan nila o mas tamang sabihin sa isang tao lang."Huy, nga nga tulo laway pa, aba'y matindee" sabi ni Dany kay Danielle. Si Dany angpastry chef ng coffee shop ni Dennise.
"Dany ang pogi nya sobra kaya lang taken na" kinikilig na sabi ni Danielle sa katabing si Dany.
"Gaga ano kaba si Atty. Dean Sebastian Wong yun tapos girlfriend nya yun si Ms. Jessica Margarett Galanza" sabi ni Dany na tinungo ang working place nya pero nakasunod parin si Danielle sakanya.