Chapter 45

3.9K 110 20
                                    

General's POV

Pabiling biling sa kama si Jema kaya nagisingsi Dean.

"Love.." mahinang tawag ni Dean. Lumapit naman si Jema at inunan ang dibdib ng binata. Hinaplos ni Dean ang buhok ni Jema.

"Bakit?" Masuyong tanong ni Dean.

"Hmmm hindi ako makatulog Love" yinakap nya mahigpit ang kasintahan.

"Lately pag gantong oras di na ako makatulog."

"Alas tres pa lang ng madaling araw eh"

Bigla naman pumasok sa isipan nya na baka ang dahilan nun ay ang pagbubuntis nya. Naramdaman nya ang pagdampi ng labi ng kasintahan sa ulo nya.

"Tulog na Mahal ko wag kang lumuha malambot ang yung kama sige wag kang matakot" napangiti sya ng marinig ang kanta nito.

"Hindi naman ako natatakot eh, hindi lang ako makatulog"

"Love. Mahal mo ba ako?" Napabangon si Jema sa tanong ng kasintahan. Yun kasi ang kauna unahang pagkakataon na tinanong sya ng kasintahan ng tanong na yun.

"Anong klaseng tanong yan ha? Hindi mo ba nararamdaman?"

"Mali naman yung sagot mo eh"

"Mahal nga kita!" Hinampas nya pa ito sa dibdib.

"Bakit ka nagagalit?" Ngumiti ito ng nakakaloko. Bumangon din ito para parehas sila.

"Alam mo ngayon mo lang yan tinanong sakin" Lumapit sya sa kasintahan.

"Hindi ka kasi makatulog baka pag sinagot mo yung tanong ko makatulog kana.." nakangiting sabi nito habang hinaplos ang mukha ng dalaga. Sya namang pagyakap ng dalaga sa kanya.

"Mahal na Mahal kita" sambit ng dalaga. Sasagot sana si Dean ng marinig nila pareho ang cellphone nito.

"Mahal na Mahal kita Dean" narinig nila. Napa tingin naman si Jema kay Dean.

"Gusto ko kasi parating naririnig yun" explain nito bago tumayo para sagutin ang tawag.

"Teka seriously at 3:25 am may natawag sayo. Trabaho ba yan?" Naka cross arms na sabi ng dalaga. Nakita ni Dean ang caller ID kaya tumingin sya kay Jema.

"Love I have to answer this importante to eh, dito ka lang" tapos nag lakad sya papunta sa balcony. Out of curiousity sumunod naman si Jema.

"Yes Baby?" narinig ni Jema na sagot ni Dean sa tawag. Napakunot ang noo nya sa narinig. Baby?

"Oo magkikita tayo mamaya. Basta itext mo na lang yung details. Sige sige. Bye. Make sure di nya malalaman" mukhang masaya ito sa pakikipagusap sa kausap nito.

May emosyong namumuo sa kaibuturan ng puso ni Jema. Selos at Takot. Nag seselos sya sa kung sino mang Baby ang kausap nito at natatakot sya na baka naglolokohan lang pala sila ni Dean all through out. Nang makita nya na papasok na ito mabilis syang pumunta sa kama.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now