Chapter 2

4.8K 112 11
                                    

General's POV

Napasapo ng noo ang dalaga dahil sa sobrang kahihiyan. "Hindi pala sya masamang tao." Sabi nya sa sarili. Kaya napatayo sya at umalis sa pulis station.

"Attorney pala sya. Teka pano pala ako uuwi nito eh wala akong pera." sabi nya sa sarili. Narinig nya na may bumusina kaya napalingon sya sa dun. It was her cousin Dennise.

"Hey what happened to you girl?" sabi nito na tila nagtataka sa itsura nya. Ang haggard kasi ng itsura nya.

"Dennise nanakawan ako eh." tangging sagot nya

"What? Oh mygosh pumasok ka nga dito" pumasok sya sa loob ng kotse.

"Ano ba kasing nangyari?" dagdag pa ng kanyang pinsan

"Den kasi kanina nag hahanap ako ng trabaho tapos ayun biglang nanakawan ako" sambi nito

Dennise Michelle Lazaro pinsan nya sa mother side. Lumaki ito sa Australia. Mayaman ang mga ito kabaligtaran ng buhay nila.

"Hatid na kita sa inyo at saka ito puntahan mo tong address na to bukas, may trabaho dyan. Sabihin mo sa may ari nyan bayad na sya sa utang nya sa akin kapag tinanggap ka nya." May binigay ito na papel sa dalaga. Address yun na sinasabi nyang trabaho.

"Salamat Dennise" sabi ng dalaga. Hinatid nya sa may Kanto ng Brgy. 17 ang pinsan. Pagkatapos nag lakad sya paloob ng kanilang baranggay. Pagkapasok nya sa bahay nila nakita nya si Aling Maria ang pinagkakautangan nila. Narinig nya ang pagtalak nito.

"Aba'y kelan ba kayo mag babayad ng utang, baka gusto nyo namang magbayad ang tagal tagal na ng utang nyo hindi pa kayo nag babayad!" talak agad nito.

"Aling Maria sa sabado ho magbabayad ako." sagot ng dalaga.

"Aba ilang kakasabado na ba ha? Hindi naman nauubos yang sabado nayan, aba naman. Sabi mo nung isang linngo tumagal na ng tumagal eh hindi parin kayo nakakabayad" sabi nito. Napahinga ng malalim ang dalaga.

"Kapag di pa kayo nakabayad sa sabado. Kukuhanin ko ang mga gamit nyo dito sa bahay!" sigaw nito bago umalis. Napahawak sya sa ulo nya dahil sumasakit na, dun lang nya na realize na hindi pa pala sya kumakain. Kaya nagbuklat sya ng mga pagkain sa lamesa.

Meron dung toyo-mansi, tinapa na prito at kamatis kumuha sya ng plato at kumain. Natutulog sa sofa ang nanay nya may katabing bote ng gin, sanay na sanay na sya sa ganung routine ng nanay nya. Pagkatapos nya kumain naghugas sya ng pinagkinan. Iniisip nya ang mga nangyari sa kanya at isa ito sa pinaka malas na araw ng buhay nya. Napabuntong hininga na lamang sya. Bukas na bukas maghahanap na ulit sya ng trabaho.




Kinabukasan

May mga naabutan na aplikante ang dalaga sa address na ibinigay ng pinsan nya. Napansin nya kada lumalabas na babae dun sa opisina kung hindi umiiyak eh bagsak ang balikat.

Nang turn na nya huminga muna sya ng malalim bago pumasok. Pagkapasok nya sa office naka tungo ang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso nya, nang mag angat ito ng paningin at magtama ang mga mata nila napagtanto nyang ito ang binatang abogado. Salubong ang kilay nito at hindi pa yata ngumingiti. Naalala nya ang mga nangyari sa kanila kahapon. Bigla naman syang tinamaan ng hiya kaya tumalikod sya para sana umalis.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now