Dean's POV
Katatapos lang namin kumain. I was busy looking at my other phone when I heard her loud burp. Napatingin tuloy sa amin yung mga katabi namin na kumakain.
"Excuse po!!" sabi nya na namula ang pisngi. Ang cute nya kapag nagb-blush sya. Gusto kung ngumiti everytime na ngingiti sya sa akin pero pinipigilan ko ang sarili ko. This is not normal for me.
Nakita ko na hawak nya yung cellphone na binigay ko sa kanya. Tapos ngumiti sya habang hawak ang cellphone na yun. Nakikita ko na ang saya saya nya. Ang sarap nyang pag masdan kapag ngumingiti sya. She's like an angel sent from above in my sad and gloomy world.
"Sir salamat po talaga dito sa cellphone. Alam nyo po ba ngayon lang ako nagkaron ng cellphone na mamahalin" she giggle like a kid. Ewan ko ba parang kapag nag sasalita sya bumibilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko lang pakinggan ang maganda nyang boses nakakarelax kasi. Teka, teka lang, did I think those things? What the heck is that?!
"Sir" napatingin ako sa kanya. She look amuse.
"Halika na" tumayo na kami at umalis na. Nag drive ako pabalik sa Law firm ko. Pakarating namin halos lahat ng staff sa law firm nakatingin sa amin, hawak ko kasi sya sa kamay nauuna ako mag lakad habang sya ay nasa likuran. Nang nasa tapat na kami ng table nya binitiwan ko na ang kamay nya.
"Sir" usal nya. Napalingon naman ako sa likod.
"Yes?" sagot ko.
"Sir salamat po!" nakangiting sabi nya. Her smile is enough for me. Nararamdaman ko na masaya ako sa bawat mga ngiti nya sa akin. Masaya? I never felt this way before. Tinanguan ko lang sya at pumasok na ako sa opisina ko. Isinara ko naman ang pinto, napasandal nalang ako sa pintuan at tumingala sa kisame.
"This is wrong." usal ko sa sarili.
___________
Jema's POV
Nagtataka ako dahil lahat ng mga katrabaho ko ay nakatingin na para bang may ginawa akong krimen. Umupo ako sa swivel chair at hinarap ang computer ko. Nang biglang may tumayo sa tabi ng table ko. Pag angat ng paningin ko dalawang babae na parehong nakangiti sa akin. Napangiti din tuloy ako. Tapos lumapit din sa amin si Jho na kagaya ng dalawa nakangiti rin sa akin. Ewan ko ba pero may something sa mga ngiti nila.
"Hi. I'm Chelsea and this is Andrea" sabi nung babae.
"What's your name?" sabi nung Andrea. She's cute and beautiful, sexy din.
"I'm Jessica Margarett Galanza. Jema for short" sabi ko. Tapos si Chelsea at Andrea humila ng upuan palapit sa table ko. Nagtaka ako kung bakit.
"Boyfriend mo ba si Sir?" Muntik na akong mahulog sa upuan dahil sa tanong ni Chelsea. Napatingin ako sa kanya.
"Hindi, hindi ko sya boyfriend. How do you say so?" gulat na gulat na sabi ko. Kaloka yung tanong nila, parang bombang sumabog sa harapan ko makatanong lang.
"Huh?" dismayadong sabay na sabi ng dalawa.
"Pero Jema ikaw ang kauna-unahang babaeng isinakay nya sa kotse nya. Hindi nya ugaling mag pasakay ng babae sa kotse nya" sabi ni Jho. Nagulat ako sa sinabi nya. Actually padalawang beses ko ng nakasakay sa kotse, ay mali pangatlo nung nalasing nga pala ako at nilayasan sya.
"At saka girl ikaw lang ang kinaladkad na babae ni Sir pasakay sa kotse nya, himala yun girl. His the very serious conceited cold man and reckless guy of the D'Wong's Lawfirm." sabi ni Andrea. Napatingin ako sa kanila at umiling.