Chapter 22

7.5K 123 9
                                    

General's POV

Nakatayo si Jema sa labas ng law firm at inaantay si Dean habang nilalaro laro ang suot na sandals dahil naiinip na kasi sya ng may lumapit sa kanya, ang matandang babae na nakausap nya kahapon. Ngumiti ito sa kanya at nag-aalangan naman sya kung kakausapin ba ito o hindi.

"Ija, wag kang matakot" sabi ng matanda.

"Hindi naman po ako natatakot sa inyo, uhm sabi po kasi ng boyfriend ko wag ko daw po kayong kausapin pa-pasensya na po.." Tumalikod si Jema sa ginang at nagumpisa mag lakad ng tumigil ang kotse ni Dean sa harapan nya. Pagkababa nito ay lumapit kaagad ito sa kanya sabay na hinubad ang coat at isinuot sa kanya.

"Love, bakit di ka nalang sa loob naghintay ang lamig dito sa labas" kunot noong sabi ng binata na umakbay sa kanya.

"Eh kasi po ako na lang po ang tao dun sa law firm kaya nag decide na lang akong lumabas.." sagot naman ng dalaga at pinasakay na sa loob ng passenger seat ng kasintahan. Pagkasakay nila. "Love?" tawag nito sa dalaga

"Hmmm.." tugon ni Jema

"Diretso ba tayo sa condo mo?" dagdag na tanung ng dalaga habang pinag mamasdan ang mga nadadaanan nila.

"Oo, namiss kasi kita tikman" sabay ngisi nito. Napalingon naman si Jema sa kasintahan at tinampal ito. "Aray nagd-drive ako"

"Ikaw ang pilyo pilyo mo" hinawakan ni Dean ang kamay nya at hinalikan yun.

"Eh di ako na.." sagot ng binata.

"Alam mo ba si Papa parati nya ring hinahalikan ang kamay ko kasi ako raw ang kauna unahan nyang prinsesa tapos si Mama daw ang reyna nya. Kaya lang namatay sya sa sakit eh kaya halos mawalan na rin ng buhay si Mama nung mangyari yun huminto ang buhay nya dahil sa pagkamatay ni Papa. Akala ko nga hindi na babalik sa dati si Mama pero isang araw nagising na lang ako na parang normal na ulit ang lahat sa buhay namin---" naramdaman nya ang labi ng binata sa labi nya.

Red light kasi kaya nakatigil ang kotse. Magkalapat lang ang mga labi nila. After a couple of seconds, pinunasan ng binata ang mga luhang naglandas sa pisngi nya.

"Gusto mo dalawin natin ang Papa mo?" sincere na tanong ng binata.

"Huh?" namumula parin kasi ang pisngi ni Jema dahil sa kilig.

"Baka namimiss mo sya, puntahan natin ngayon" biglang nag green light na kaya umandar na sila.

"Sige. Namimiss ko nga sya" tugon ng dalaga.

"At gusto ko ring humingi ng sorry dahil hindi ako nag pakilalang boyfriend mo.." sincere na tugon ni Dean. Kahit naman hindi nito talagang sinasabi ang salitang I love you ramdam naman ni Jema ang pagmamahal nito.

Nag drive ito patungo sa sementeryo kung saan nakalibing ang ama ni Jema. Magkahawak kamay silang naglakad papasok sa lugar. Nang marating nila ang puntod ng ama ni Jema nag sindi naman ng kandila si Dean.

"Papa, kumusta po kayo namiss ko na po kayo at pasensya na po kung ngayon lang ulit ako nakadalaw. Pa, sana masaya ka kung nasaan ka man.." hinaplos ni Jema ang pangalan ng ama na nakaukit sa puntod. Nakaupo sya sa bermuda grass habang umupo din si Dean sa tabi nya. "Pa, sya pala ang boyfriend ko si Dean" dugtong naman ng dalaga.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now