General's POV
Hinahaplos ni Jema ang buhok ni Dean habang natutulog ito. Di nya mapagilan ang mapangiti sa mga nangyayari sa pagitan nila ng binata.
"Kahit na madalas sinusungitan mo ako di ko parin mapigilan ang sarili ko na mahulog sayo. Kahit na palaging nakakunot ang noo mo diko parin maiwasang kiligin kapag tinititigan mo ako. Haaay"
She took some photos of Dean. Meron nga syang mga stolen pictures ng binata at ang pinaka gwapo ay ang wallpaper nya. Kinilig pa sya ng makita ulit ang wall paper nya.
"Jessica why did you stop?" muntik na nyang mabitiwan ang cellphone ng magsalita ito.
"Huh? ang alin?" buti na lang nakapikit pa ang binata.
"Yung paghaplos sa buhok ko nakakarelax pala yun" napangiti si Jema sa narinig, ang pusong bato nyang boss may feelings din pala.
"May tinignan lang kasi ako sa phone ko" sagot naman nito kay Dean at hinaplos ulit nito ang buhok ng binata.
"Kantahan mo ulit ako" utos ng binata. Gosh narinig nya usal ng dalaga sa isipan. Bigla syang pinamulhan ng pisngi.
"Bakit?" nagdilat na ito ng mata. Nagtama ang mga paningin nila."Ayaw mo ba?"
"Hindi naman" sagot nya sa binata.
"Patulugin mo ulit ako" tapos ipinikit ulit nito ang mga mata. Nag start ng kumanta ang dalaga.
Oh, ey
You don't know, babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you areYou're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, ohI just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best partNag humming na lang sya habang patuloy parin sa paghaplos ng buhok ni Dean. Unti unti naman nakatulog ang binata dahil pakiramdam nya para syang batang hinihele upang makatulog. Masuyo naman syang pinagmamasdan ni Jema dahil napaka payapa at tahimik na natutulog nito.
__________
Dean's POV.
Napahaba ata ang tulog ko pero masarap naman sa pakiramdam. Unti unti ko naman iminulat ang aking mata at napangiti ako ng masilayan ko ang pinaka magandang babae sa buhay ko ngayon.
Nakatulog syang nakasandal sa bintana ng kotse ko, habang ang kamay nya ay nasa buhok ko pa. Unti unti ko yung inalis para hindi maistorbo ang pagkakaidlip nya. Napalingon ako sa paligid at dun ko lang realize na gabi na pala. Tiningnan ko muna si Jema at hinaplos ko ang pisngi nya.
"Wake up Babe" bulong ko sa kanya. Kumunot muna ang noo nya bago sya unti unting nagdilat ng mata.
"Kanina kapa----" I kiss her before she could say anything. Ramdam ko na pumikit din sya. Walang tongue action, just a kiss. Magkadikit lang ang mga labi namin for almost 10 secs. Then I opened my eyes, and I saw her very angelic face.