Chapter 72

3.9K 98 15
                                    

General's POV

Hindi matanggap ni Michelle ang isinagot sa kanya ni Jema. Ang tanging lalaking iniibig nya ngayon ay wala na.

"Miss para sayo" nag angat ng paningin si Mich sa taong nag aabot sa kanya ng panyo. "Wag ka ng mahiya alam ko kailangan mo yan" umupo pa ito sa tabi nya para ito pa mismo ang magpunas ng panyo.

"Hindi mo na ba ako naalala?" Tanong ng lalaki. Kumunot lang ang noo ni Mich. "Aray, ang sakit naman di mo ako naalala Dr. Victorio Generoso Sotto yung kasama ni Zach"

"Sorry short term memory"

"Bakit kaba umiiyak?" Tiningnan muna sya ni Mich.

Hindi nya malaman kung sasabihin nya ba sa lalaking kausap ngayon ang problema nya, sabagay wala namang masama. Nakakaramdam sya ng sakit dulot ng pagiwan ng asawa at kailangan nya ng kausap

"Iniwan ako ng asawa ko"

"Ang walang hiya naman ng asawa mo, gusto mo iganti kita? Sino ba sya? Uupakan ko, ang ganda ganda mo" bahagya naman natawa si Mich sa mga sinabi nito.

"Hayaan mo na sya, tutal hindi naman sya magiging akin pinakasalan nya lang naman ako dahil pinagkasundo kaming dalawa pero ang totoo may mahal syang iba" naramdaman ni Mich na may yumakap sa kanya.

"Iiyak mo lang kung nasasaktan ka sabi nga nila kapag umiiyak ka raw parang nababawasan yung sakit" pakiramdam ni Mich nagkaroon sya ng kasama at kakampi, kaya hinayaan nya nalang ang sariling magkulong sa mainit na yakap ng binata.

"Pagod na pagod na akong umiyak ang sakit sakit, parati na lang bang ganito" hagulhol ni Mich

"Sssshhh andito lang ako" sa lahat ng naranasan ni Mich noon at ngayon lang ulit sya naging komportable. Feeling safe and protected.













_________

General's POV

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Jema kay Dean na palapit sa kanya.

Pagkalapit sa kanya kaagad nitong nilagay ang kamay sa bewang nya sabay ngumiti. Napangiti na lang din si Jema. Perfect view. Jema hug him tight, like she doesn't want to let him go.

"Magd-date tayo"

"Eh parati naman tayong d-date ah" nag angat ng tingin si Jema at tiningnan ang kasintahan sa mata.

"Gusto talagang kasi kitang masolo Mrs. Wong" bulong nito sa tenga nya.

"Naso-solo mo naman ako parati ah kulang na nga lang mabuntis ulit ako sayo"

"Bakit nga ba hindi?" Sabay ngisi nito ng nakakaloko. Hinampas naman sya ni Jema sa dibdib.

"Alam mo, pwede na yun kapag divorce ka na po ng tunay'"

"Pinadala ko na sa kanya yung papeles"

"What makes you think na pipirma sya?" Tanong ni Jema said binata habang hinahaplos ang buhok ni Dean sa batok. Nakasandal sa kotse si Dean habang kayakap si Jema. Humigpit lang ang pagkakayakap nito kay Jema.

"She should, kasi gusto na kitang pakasalan" bulong nito sa kanya.

Said Hindi malaman na dahilan ni Jema pero naluha sya sa sinabi nito. Mahal na mahal talaga sya ni Dean despite of all the things that she did to him, he still manage to forgive her and love her unconditionally.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now