General's POV
Naglalakad si Jema patungo sa dating pinagta-trabahuhan. Para syang lutang sa nakita sa nangyari kanina sa opisina ni Dean. Why do I have to feel this pain? He's just my boss. Nakapasok na sya sa bar at binati sya ng mga dating kasama. Kaya lang wala sya sa mood para makipag kamustahan sa mga ito. Kaya naupo sya sa bar counter para umorder ng drinks.
Gusto nya lang malasing kasi kumikirot ang puso nya. Bakit? Nang makita nya ang ex boy friend kasama ang babaeng kahalikan nito at magkalampungan pa ang dalawa. Lalo pa yun nakadagdag sa bigat na nararamdaman nya. Ibig sabihin intensyon talaga ni Fhen ang lokohin sya. Napaiyak sya sa naisip at tinungga nya ang alak sabay pinunasan ang luha. Nang may lumapit na lalaki sa kanya.
"Hey pretty lady, wanna dance with me?" alok ng lalaki. Gwapo ito matangkad at mistiso ngumiti naman sya dito at nakipag sayaw. Naka dress sya kaya naman kitang kita ang hubog ng katawan nya. A sexy body that every guy will droll. Nag e-enjoy naman sya sa dance floor.
_________
Samantala, nag tungo naman si Dean sa Bar na yun dahil inaya sya ni Brei. Iniisip nya si Jema na basta na lang umalis sa opisina at hindi man lang nag paalam sa kanya, hindi rin ito sumasagot sa mga tawag nya. Nasa bar counter sya kausap si Brei at nakaka ilang shot na rin sya ng may napansin sya sa dance floor na pamilyar na pigura ng babae. Ang galing nitong sumayaw lalo na ang paghampas ng balakang nito yung mga tipong pagpapawisan ang lalaki.
Bahagyang natigilan si Dean dahil akala nya ay masama ang pakiramdam nito? Anong ginagawa nito sa lugar na yun at mukhang enjoy na enjoy ang lalaking kasayaw nito to the point na hinahawakan nito ang dalaga sa bewang. Bigla namang naiinis si Dean sa nakita parang uminit ang ulo nya.
__________
Dean's POV
Hinayupak na lalaki yun bakit nya hinahawakan si Jema. Umiinit ang ulo ko ah. Pakiramdam ko gusto ko na ako lang ang hahawak sa kanya at di ko kayang makita na may kasama syang ibang lalaki. Tumayo naman ako sa aking kinauupuan.
"Dean san ka pupunta?" tanong ni Brei sa akin pero di ko na sya sinagot. Naglakad ako patungo sa dance floor at hinatak ang kamay si Jema.
"Ano ba?!" sigaw nya sa akin pero di ko sya pinansin. Kinaladkad ko sya nang biglang may pumigil sa akin ang lalaking kasayaw nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Pare ano bang problema mo sumasayaw pa kami!" sabi nung lalaki. Kumulo naman kaagad ang dugo ko.
"Binabastos mo sya!" sigaw ko sa kanya.
"So what she's not your girl!!" sigaw nya sa akin. Nagpipigil naman ako sa galit ng marinig yun. Kaya binitiwan ko ang kamay ni Jema at binigyan ng isang napaka lakas na suntok ang lalaki. Natumba ito sa sahig kaya naman nagkapasa ito sa gilid ng labi. Pagkatapos ay bumangon ulit sya para gantihan ako dahil batang kalye ako dati magaling din ako sa suntukan.
Gumanti sya sa akin at wala pang umaawat sa akin. Kaya lahat ng galit ko sa kanya ko naibuhos. Nasa ilalim sya habang ako ang nasa ibabaw sinasakal ko sya pagkatapos, sinipa nya ako kaya ako naman ang napabagsak sa sahig. Sinuntok nya ulit ako at bahagyang napaatras ako. Nang maramdaman ko na may yumakap sa likod ko na umiiyak. Humigpit yung yakap nya.
"Please, tama na" sabi nya. My heart easily melt as I heard her sobs. Napatigil ako bigla.
"Jema" nasambit ko ang pangalan nya.
May mga security na rin na dumating. Hinayaan ko ang sarili ko na damhin ang yakap nya. Hinihingal ako dahil sa pakikipag away. Pagkatapos humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi at pinagmasdan ang maganda nyang mukha.