Chapter 60

4.8K 110 26
                                    

General's POV

Malayo na ang nadrive ni Dean pero hindi parin ito nauubusan ng kwento kay Jema na parang isang batang sabik na sabik na magkwento. Pinagmamasdan lang naman sya ni Jema at di maaalis ang ngiti ng dalaga habang pinag mamasdan ang kasintahan na nagku-kwento.

"Love?" tumigil sandali si Dean sa tawag na yun ni Jema.

"Bakit Love?" Tugon naman ni Dean.

"Saan ba talaga tayo pupunta?

"Actually hindi ko rin alam eh, ang gusto ko lang lumayo para free ako na maglambing at gawin lahat ng gusto ko sayo"

"Kaya pala" napatingin si Jema sa labas dahil nag umpisa ng umulan.

"Ang lakas ng ulan"

"Gusto mo bang maligo my extra shirt ako" offer ni Dean. "Naalala mo ba dati naligo din tayo sa ulan habang sumasayaw"

Panandaliang pumikit si Jema at inaalala ang nakaraan. She will never forget that time na kinulit nya si Dean para makaligo sila sa ulan at sumayaw sila habang umuulan. Itinabi naman ni Dean ang kotse.

"Dito na lang tayo, pag masdan na lang natin yung ulan"

"Pag mamasdan lang ba natin?" Tanong ni Dean na parang may ibang ibig sabihin.

"Oo ikaw talaga Mr. Wong napaka pilyo mo"

"Sayo lang Mrs. Wong" natigil naman si Jema sa tawag nito sakanya.

"Hindi ba unfair sa kanya?" Malungkot na sabi ni Jema. Napansin naman yun ni Dean. "Ako iniwan kita sinaktan, lumayo--" punong puno ng sakit ang mga sinasabi nito.

"Umiyak ka na naman. Sabi ng wag mo na syang isipin eh tayo yung magkasama ngayon, ang makasama ka okay na ako dun. I don't need any reason to explain why I easily accepted you again. It's just as simple as that I love you so much. Wala akong pakialam dun sa nakaraan natin. Ang mahalaga sakin eh yung kasama kita. Sapat na sakin yun."

Lalo lang naiyak si Jema sa sobrang pagmamahal ng dating kasintahan.
Sobrang uncondtional ng pagmamahal nito sa kanya.

"I'm sorry" naupo sya sa lap nito. Dating gawi ay yinakap nya ito.

"You're my Home Jessica Margarett and I'm glad that I found my way back home."

_________

Samantala...

"Where the hell are you Jessica Margarett" paikot ikot sa lobby ng hotel si Dennise habang inaantay na sagutin ni Jema ang cellphone.

"The subscriber cannot be reach---" pinatay ni Dennise ang tawag.

"Ano na naman ang sasabihin ko kay Zach pag uwi" problemadong sabi ni Dennise.

"Dennise?" Napalingon si Den sa tumawag

"Tots. Brei" nagkatinginan silang tatlo.

"Anong ginagawa mo dito Denden? Nagkita na ba kayo ni Dean?" Tanong ni Tots

"Hindi ko pa nakikita si Dean at andito ako para sana sunduin si Jema kaya lang wala sya dito"

"Sabay sila nawala ni Wong" tugon ni Brei.

Direkta naman tiningnan ni Brei si Dennise. Tutol kasi si Brei sa pag babalikan nina Dean at Jema dahil nga kasal si Dean pero iba talaga ang puso kapag nagmamahal.

"Oh my ghad Jessica. What the hell are you doing" napasapo si Dennise ng noo.

"Bakit di mo pinagsabihan si Jema" tanong ni billy.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now