Chapter 50

3.8K 84 32
                                    

A Life without Him

___________

General's POV

After 4 years..

Ano na kaya ang buhay ni Jema?

"Sebastian Zachary!!" Sigaw ni Jema ng hindi mahagilap ng mga mata ang anak nya. "Anak!"

"Mommy andito lang po ako" napa tingala si Jema sa bubung ng bahay
nila kaya lumabas sya ng bahay at tinanaw ang anak.

"Anak bumaba ka dyan ikaw na bata ka pag nahulog hulog ka dyan"

"Mommy ang ingay po kasi ni Ashton talhol ng tahol hindi po ako makapagbasa ng maayus sabihin nyo po kasi dun sa mga chicser na kapitbahay natin ibenta na si Ashton para wala ng maingay" sigaw nito pabalik. Napailing na lang si Jema sa sinabi ng anak. Umakyat din sya sa bubung para tabihan ang anak.

"Ano ba yang binabasa mo?"

"Constitution of the Philippines, binigay po sa akin ito ni Ate Angel"

"Anak bakit dika nag babasa ng mga pambatang libro?"

"Mommy boring po yun!" Sagot nito. Hinaplos naman nya ang buhok ng anak. Kamukhang kamukha ka talaga ng Daddy mo at kaugaling kaugali rin,
manang mana ka sa kanya lahat lahat.

"Mommy umiiyak ka na naman" lumapit ito sa ina para punasan ang luha. Pagkatapos hinalikan nya sa lips ang Mommy nya. Para talaga itong matanda mag salita.

"Anak yung totoo ilang taon kana?"

"Mommy naman eh" naka pout na sabi nito.

"Para kasing mas matanda ka pa sakin" isinara ni Zach a ng libro. Matalino ito katulad ni Dean sa edad na 4 na taon saulo na nito ang multiplication table at periodictable. Hindi ito katulad ng ibang bata. Masyado itong seryoso parang ang ama nito. Kamukhang kamukha nito si Dean kaya naiiyak madalas si Jema sa tuwing pinag mamasdan ang anak.

"Mommy masyado po ba akong pogi para parati kayong umiyak?"
Inosenteng tanong nito. Napatawa sya katulad na katulad talaga ito ng Daddy nya.

"Oo anak ang pogi mo" Narinig nila ang pagtahol ni Ashton at nakita naman nya ang pag-irap ni Zach.

"Mommy, bakit po ba si Ashton parating galit sa mundo?" Naka pout na tanong nito.

"Kasi anak aso sya"

"Mommy si Bella naman po aso din sya pero hindi naman po sya galit sa mundo. Ang bait po kaya ni Bella"

"Anak ganyan talaga eh"

"Mommy gusto ko po ng adobo" tumayo na ang bata at lumabas sa bintanang dinaanan nito kanina. "Dali na po nagugutom na po ako!!" Excited na sabi nito. Napangiti si Jema na sumunod sa anak. Ang daya mo Dean bakit nakuha ng anak natin ang lahat ng katangian mo. Ikaw na ikaw sya. Ganun nga yata talaga kita kamahal.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now