General's POV
Pauwi na sina Jema at Dean ng manila.
"Love ipapakilala kita sa pamilya ko" sabi ni Dean sabay halik sa kamay ng dalaga. Na-excite naman si Jema dahil never naman nag kwento ang binata about sa pamilya nito, kapag mag-kausap sila ang mga nangyayari lang sa buong araw ang pinag uusapan nila.
"Malapit na ba tayo?" excited na tanong ng dalaga.
"Oo.." sagot nito sabay ngumiti ang binata. Nakarating sila sa isang lugar na may malaking gate. Nagtataka man si Jema pero nabasa nya ang nakasulat na Angel House Orphanage. Bumaba sila ng kotse at mag-kahawak kamay sila ng binata. Pagpasok nila nakita nila ang isang madre.
"Basti" bati ng madre kay Dean. Nagmano naman si Dean sa madre ng makalapit ito at ganun din si Jema, nginitian naman ng madre ang dalaga.
"Sister Ena si Jessica Margarett po kasintahan ko" pakilala ng binata. Makikita ang galak sa mukha ng madre ng marinig yun.
"Nako Ija pinapinggan ng panginoon ang panalangin namin na magkaroon na ng kasintahan itong si Basti namin" tuwang tuwa na sabi ng madre. "Hali kayo sa loob.."
Napangiti lang si Jema at naka akbay sa kanya ang binata habang kasunod sila ng madre.
"Dito ako tumira. They are my family" panimula ng binata. Napalingon naman si Jema sa kasintahan. Hindi nya alam ang mararamdaman nya para sa kasintahan, nabigla sya na galing ito ng ampunan pero at the same time ay nalungkot dahil wala pala itong Ina at Ama na gumagabay habang lumalaki ito. Nakarating sila sa isa ng kwarto.
"Mga bata andito si kuya Sebastian" sabi ni Sister Ena. Nag sitakbuhan naman ang mga bata patungo sa kanila kaya tuwang tuwa at nagtalunan pa ang mga ito.
"Kuya kuya!!" sigaw ng mga bata.
"Oh kumusta na kayo? Mababait ba kayong lahat?" tanung ng binata sa mga bata at doon lang nakita ni Jema ang kakaibang saya sa mga mata ng binata. Napangiti naman sya.
"Kuya sino po sya?" tanong ng isang batang babae na medyo chubby kaya napalingon silang lahat kay Jema. Namilog ang mata ng mga bata at napangiti ng makita si Jema.
"Kuya girlfriend nyo po?!!" sigaw ng batang lalaki.
"Nako kayo talagang mga bata kayo, ito nga pala si Ate Jema nyo" pakilala ng binata kay Jema.
"Ate Jema bagay po kayo ni Kuya Basti, ang ganda nyo po" sabi naman ng isang batang babae na payat at medyo matangkad.
"Salamat.." sagot ni Jema.
"Pwede po bang makipaglaro sa inyo?" tanong ng isa pang batang lalaki na chubby.
"Oo naman. Ano bang laro ang gusto nyo?" nagtalunan ang mga bata sa sagot nito at hinila ng tuluyan si Jema.
"Ay tampo na si Kuya Dean hindi nyo ako sinasali" nag act naman ang binata na tila nag tatampo.
"Pano yan nag tatampo daw si Kuya Dean" sabi ni Jema.
"Kuya wag ka na pong magtampo kasi po kayo po si Dr. Kwak kwak" pagkatapos nagsi takbuhan ang mga bata. Aliw na aliw naman si Jema na makipaglaro sa mga ito dahil mahilig sya sa mga bata.