Chapter 18

8.2K 137 8
                                    

General's POV

Tahimik na nagd-drive si Dean habang kahawak kamay si Jema.

"Atty. Wong saan po tayo ngayon?" seryoso ang pagmumukha ni Dean, at nakatuon lang ang atensyon sa daan na tinatahak.

"Dean may problema ba tayo? Galit ka pa rin ba--"

"Hindi ako galit okay at saka di ba sabi ko sa condo ka muna" putol ng binata sa sinasabi nya.

"Wala kabang balak iuwi ako sa amin?" naka pout na tanong ng dalaga.

"Bukas ka na lang umuwi sa inyo.." seryusong sabi nito. "Pag kasi umuwi ka wala nanaman akong kasama mag-isa nanaman ako" lumingon muna sya kay Jema with matching pleading eyes. Jema's heart easily melt when she saw that pleading eyes at isama mo pa ang mga sinabi nito.

"Ano pa nga bang magagawa ko. Mukhang sayo na ang week end ko ah" nakangiti sabi ng dalaga.

"Talaga? Pwede bang everyday na lang.." naka smirk nyang sabi habang pataas taas pa ang kilay. Natawa ang dalaga sa ginawa nito. Mukhang more to discover pa sya kay Atty. Dean Sebastian Wong

"As much as I want too, kaya lang hindi pwede baka naman magalit na si Mama nyan" sabi ng dalaga.

"Eh di papakasalan na kita, para iisang bahay na lang tayo" sabi nito hang nakatingin parin sa daan. Bahagyang nabigla ang dalaga. Kasal talaga myghad. Hindi yun lubos akalain ni Jema kaya napangiti sya. "Bakit?"

"Gusto mo akong pakasalan?" di maiwasang tanong ng dalaga.

"Oo naman, bakit ayaw mo ba?" deretsong sagot nya sa dalaga.

Hindi sumagot si Jema kaya nilingon sya ng binata. Nakita nya na lumuluha na ito. Nag alala naman ang binata kaya itinabi nya muna ang kotse. He cupped Jema face.

"Hey what's wrong?" nag alalang tanong ng binata. Hinawakan ng dalaga ang mga kamay ng binata na naka hawak sa pisngi nya.

"Sorry for being dramatic. Iniisip ko pa lang na ikaw ang kasama ko sa harap ng altar sobrang saya ko na. Naiiyak ako dahil di ko akalain na gugustuhin mo rin na makasama ako" she said between her sobs.

"Stop crying babe.." hinalikan nya sa noo ang dalaga at yinakap. He rub her back para mapagaan kahit papaano ang pakiramdam ng dalaga.




__________

WARNING: MATURE CONTENT AND THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR MINORS PERO KUNG MAKULIT KA EDI GO, CHAROT HAHAHA. SO AYON NA NGA WAG MONG BASAHIN KUNG HINDI KA KUMPORTABLE, KATHANG ISIP LANG NAMAN TO.

__________

Jema's POV

Nakarating na kami sa condo ni Dean. Pinauna nya ako umakyat sa unit nya dahil kinausap pa sya nung gwardya. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tawagan sina Mama.

"Anak buti napatawag ka nasa bahay ka pa ba ng boyfriend mo?" bungad kaagad ni Mama. Wala man lang Hi or Hello, si Mama talaga.

"Anak uuwi ka pa ba dito satin?" At ang ganda ng tanong ni Mama. Napailing ako, sasagot na sana ako ng bigla nanaman syang magsalita at umiiyak sya.

My Hot and Conceited PrinceWhere stories live. Discover now