Chapter 2

48 4 0
                                    

Sharlene's POV

"Tara, Jah! Gala tayo."

Lumapit ako kay Jah at nakangiting tumingin sa kaniya. Nagtaas baba pa ako ng kilay saka tumango bilang pag-aya sa kaniya. Absent kasi yung teacher namin sa isang subject kaya wala kaming ginagawa.

"Ayoko. Kita mong nag-aaral ako, oh?" sabi niya pagkatapos ay bumalik na sa pagbabasa.

"Mamaya na 'yan! Samahan mo 'ko!"

"Sige. Kapag nasagot mo 'tong tanong ko."

"Ano?"

"What's the longest word in an English dictionary?

"Iyon lang pala, e. Sige, alis na ako," sabi ko at lumabas na ng room.

Bakit 'di ko siya pinilit? Kasi 'pag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya. Tingnan mo naman? Nagbigay nang napakahirap na tanong. Sino namang may pake do'n sa mahabang word na 'yon? Tss. Si Donny naman, pinatawag ng teacher namin. Wala tuloy akong kasama.

'Pag 'yon talaga nalaman ko, who you ka sa 'kin.

Makagala na nga.

-

Kanina pa ako naglalakad pero wala akong ibang maisip na puntahan bukod sa rooftop. Wala na kasing ibang lugar dito sa school na pwedeng pagtambayan. May mga nag-iikot pa namang teachers minsan. Baka mahuli pa ako.

Umakyat na ako at napahinto nang makakita ng sign. Hinayaan ko na lang iyon at nagpatuloy sa pag-akyat. Wala namang makakakita sa akin do'n dahil class hour pa.

Palapit na ako sa pintuan ng may marinig akong kumakanta. Nagtago ako sa pinto bago sumilip nang bahagya.

Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa gawi ko at may hawak na gitara. Napangiti pa ako nang malaman kung ano ang kinakanta niya.

Silid by Mayonnaise!

Sinubukan kong pigilan ang sariling tumili at sumabay sa pagkanta. Nakakahiya naman kasi. Ang ganda ng boses niya.

Nandyan ka ba sa isip ko
Naglalaro sa damdamin ko

"At sa bawat sandaling napupundi, ikaw ang laging nasa isip~ Nabibingi, naririndi, katahimikang bumabalot sa aking silid~"

Hindi ko na napigilan ang sariling sumabay sa kanta. Second voice lang naman, e. Tsaka mukhang hindi naman niya narinig. Ayos lang iyon.

-

Someone's POV

Nagulat ako nang makarinig ako ng boses maliban sa akin. Pambabae iyon at hindi ko maitatangging maganda rin ang pagkakakanta niya.

Pero nilagyan ko ng sign iyong hagdan, ah? May umakyat pa rin? Nice.

Matapos ang kanta ay saka lang ako lumingon. Bumungad sa akin ang isang babaeng dinaig pa si Snow White sa sobrang puti. Katamtaman ang haba ng buhok niya at chinita. Parang nagulat pa siya nang makita ko siya at nahihiyang itinaas ang kamay niya.

"H-hi?"

Ngumiti ako pagkatapos ay humarap sa kaniya. Nanatili akong nakaupo habang nakatingin sa kaniya saka isinandal ang baba ko sa gitara.

"Nice voice."

"Hala! Narinig mo?" gulat na sabi nya saka tinakpan ang bibig. Cute.

"Bakit naman hindi? You've got the voice."

"Sali na ba ako sa The Voice? Charot!" biro niya. "Pero alam mo? Mas maganda ang boses mo."

"Thank you." Tipid akong ngumiti saka itinuro ang pwesto sa tabi ko. "Ayaw mong maupo?"

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon