Chapter 28

28 5 4
                                    

Justin's POV

Bwisit. Bwisit. Bwisit!

Kanina pa ako naiirita dahil sa nangyayari ngayon. Gusto ko nang itigil itong plano ni Shar pero sigurado akong hindi siya matutuwa kung pangungunahan ko siya. Wala na akong magagawa kung hindi hintaying matapos ang kalokohang ito. Tsk.

"Darts!"

"Kalma. Ito na," sabi ni Ken saka inabot sa akin ang isang box ng darts.

Nandito ako sa booth nila kasama silang apat. Hinahayaan lang nila akong maglabas ng sama ng loob dito. Buti na lang at may paprintan sa labas.

"Sirang-sira na mukha no'ng tatlo, oy! Tama na iyan." Matalim kong tiningnan si Sejun na natatawa akong pinapanood bago ibinalik ang tingin sa pictures no'ng mga mokong.

"Bakit kasi tayo pumunta ro'n? Ayan tuloy."
Nagkunwaring nalulungkot si Stell pero rinig na rinig ko ang pagbungisngis niya. Bwisit!

Nag-aya silang pumunta sa horror booth kanina. Dahil do'n ay nakita namin sina Zack at Shar na magkahawak ang kamay. Sinundan namin sila at hanggang sa paglabas ay magkadikit ang kamay nila. Tsk.

Dahil hindi ako mapalagay ay minabuti kong sundan si Shar hanggang sa makapunta siya kay Donny. Kaso nga lang ay crowded kaya mabilis siyang nawala sa paningin ko. No'ng nag-ikot ako para hanapin siya, nakita ko na lang siyang hinalikan no'ng walangyang Downy na iyon! Leche!

Tapos ano? Inakbayan at hinalikan rin siya no'ng pichi-pichi na iyon? Punyeta! Masyado nilang inaabuso ang kabaitan ni Shar! Kung pwede lang talaga, malamang nailayo ko na si Shar sa mga manyak na iyon! Kaso... kaso... Tsk!

"Bakit mo kasi sinundan? Nasaktan ka tuloy. May pagkamasokista ka rin e, 'no?" nakangising sabi ni Josh. Nagtawanan naman silang apat.

"Pwede bang manahinik kayo? Baka gusto niyong sa inyo ko ibato 'to?"

Nagkatinginan silang apat at muli na namang nagtawanan. Mga bwisit!

"Oh, 5 minutes na lang. Hindi mo ba siya pupuntahan?" tanong ni Felip.

"Mamaya na. Kapag kaya ko nang kumalma."

"Wow! Ang daming alam. Sige, sayangin mo ang oras," iritang sabi ni Stell. Tinanguan naman siya ni Sejun bilang pagsang-ayon.

"Nakita ko sila sa cafe kanina. Parang ang saya nga nila, e. Tama iyan, Jah. Diyan ka lang. Hayaan mo silang maging masaya."

"Hindi kayo nakakatulong."

Pinagtawanan naman nila ako. Mga hayop talaga.

"Actually, may kasama silang babae. Dikit nga ng dikit kay Ricci, e. I don't think makakamove na naman si Captain kay Shar." Napalingon ako nang sabihin iyon ni Sejun.

"Oh, ayan na pala siya. Punta ka na."

Malakas akong tinulak ni Josh kaya halos masubsob ako. Matalim ko siyang tiningnan at bumaling sa pwestong itinuro niya.

Nakatayo si Shar sa gilid ng pathwalk. Nakatingin siya sa gawi namin at kumaway. Napangiti naman ako saka tumakbo palapit sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko naman ang pang-aasar no'ng apat.

"Marupok."

So, what?

"Shar! Saan tayo?"

"Ikaw? Saan mo gusto?"

"Kung saan mo gusto."

Nakabusangot niya akong tiningnan at parang pagod nang makipagtalo. Napangiti naman ako dahil sa kacute-an niya at mahinang kinurot ang pisngi niya.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon