Pinagmamasdan ko ang mga ilaw mula sa iba't-ibang bahay malapit sa school. Ang sarap sa matang panoorin ang pagkutitap nito sa madilim na gabi. Habang tinatanaw ang mga 'yon ay hindi ko maiwasang isipin siya.
Sa ganitong mga oras, siya iyong naaalala ko. Kung paano nya ako pinapayuhan sa mga problema ko. Kung paano niya pinapagaan ang loob ko. At kung paano niya ako pinapakalma at pinaparamdam na ayos lang ang lahat kapag gulung-gulo na ko.
Kailan kaya siya babalik ulit? One year na rin ang nakalipas since the last time na bumisita siya.
Miss ko na siya.
Napatigil ako sa pagmumuni ng kumalabog ang pinto ng rooftop. Pagkalingon na pagkalingon ko ay kitang-kita ko kung paanong halos matumba sina Jah, Donny, Ricci at Zack na nag-unahan sa pagpasok.
"Oh? Anong nangyari sa inyo? Hahaha!"
"Ah, haha! Wala 'yon. Anyway, pwede ba kita makausap?" tanong ni Donny saka naglakad palapit sa akin. Sumunod naman sa kaniya si Zack.
"Ako rin!"
"Ako muna," maawtoridad na sabi ni Jah. Umiling naman si Ricci at mabilis na lumapit sa akin.
"No. Ako muna."
"Oh, kalma. Lahat mabibigyan ng chance. Chill lang kayo," sabi ko at kinakabahang tumawa.
Ano bang nangyayari sa mga 'to? Parang ang laki ng galit sa isa't-isa, e.
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
"Gusto kita, matagal na."
"Let me love you."
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Please accept my feelings."
Hindi ko alam kung anong irereact pagkatapos nilang sabihin 'yon. Sabay-sabay silang nagsalita pero rinig na rinig ko kung ano iyong sinabi nila at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa at itakas ako sa sitwasyon na 'to.
"Sorry, nabibingi ata ako today. Next time niyo na lang sabihin iyong gusto niyong sabihin. Una na 'ko. Bye!" sabi ko at akmang aalis nang hawakan ni Jah ang kanang kamay ko.
"Tama, next time na lang nila sabihin iyong kanila. Halika na," sabi niya saka sinubukang maglakad nang hawakan naman ni Donny ang kaliwang kamay ko.
"No. Shar, listen to me first. This is important-"
"Pinagsasabi mo? Wala namang may pake sa sasabihin mo. Shar, I need to talk to you–"
"Shut up! Nandito na tayong lahat. Inumpisahan na natin. Kaya pwede ba? Kung ayaw niyong magsalita ngayon, ako na ang mauuna. Sharlene, gusto kita–"
"I like you too," sabay-sabay na sabi nina Jah.
Nakatingin silang apat sa akin at mukhang
naghihintay sa isasagot ko. Wala akong makitang paraan para makaiwas at ang tanging nagawa ko lang ay magtanong."Prank ba 'to? Hahaha! Ano ba, guys? Kinakabahan ako sa inyo! Hahaha! Umayos nga kayo! Joke lang 'to, 'di ba?"
"Hindi," napatigil ako sa pagtawa ng madiin at sabay-sabay na naman nilang sabihin iyon.
Ano nang gagawin ko? Tumalon na lang kaya ako dito? Kaso ayoko pa mamatay!
Bakit kasi ako pa? Alam ko namang maganda ako pero hindi to the point na matatalo ko pa si Rapunzel, 'no! Jusko po naman! Hindi na kayang i-take ng utak ko itong mga nangyayari.
Ayoko na! Someone! Anyone! Please save me!
____________________________________________
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...