Chapter 25

35 4 2
                                    

Sharlene's POV

Gabi na at hindi pa rin ako nakakatulog. Ilang oras na akong nakatunganga sa kwarto pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Pagkabukas no'n ay nakangiting pumasok si Mama at naupo sa tabi ko.

"Sabi ko na nga ba't hindi ka pa tulog."

Naupo ako at tipid na ngumiti. "Masyadong maraming iniisip Ma."

Inakbayan niya ako saka marahang hinaplos ang balikat ko. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya at yumakap sa kaniya.

"Bigyan mo ng chance."

Napatingin ako kay Mama at napangiwi. Hindi pa man ako nagsasabi ay parang alam niya na agad kung ano iyong pinoproblema ko. Iba talaga ang mga nanay.

"Hindi maaalis sa isip mo iyan kung hindi mo haharapin."

"Hindi ko alam kung paano, Ma. Ayokong makasakit lalo pa't kaibigan ko sila."

"Sa tingin mo ba, hindi sila masasaktan kung ibabalewala mo lang ang nararamdaman nila?"

Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Hindi ko maiwasang maisip na parang gano'n nga ang ginagawa ko sa kanila.

"Sumugal na sila 'nak. Parte talaga ng love ang masaktan." Napabuntong hininga si Mama at malungkot na tumingin sa akin. "Kung pwede mo lang sana jowain na lang iyong apat para masaya, e."

Tumawa si Mama nang napakalakas kaya napailing na lang ako. Kakaiba talaga ang sense of humor niya.

"Pero seryoso anak, sino ba sa kanila ang gusto mo?"

"Wala po."

"Wala? O ayaw mo lang tanggapin na meron nang nandiyan?" Tinuro niya ang dibdib ko at ngumiti.

"Hindi ko alam, Ma."

"Naku! Dapat umpisahan mo nang alamin. Huwag mong patagalin ang paghihintay nila dahil mas lalo lang silang masasaktan."

Natahimik ako at napatungo nang marealize ang punto ni Mama. Ilang araw ko na 'tong tinatakbuhan at hindi ko maiwasang maguilty dahil sa ginagawa ko.

"Bata pa kayo. Kung hindi man sila ang mapili mo, marami pa silang makakasalamuhang ibang tao. Makikilala rin nila ang nakalaan para sa kanila."

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Mama. Niyakap niya naman ako pabalik at marahang hinaplos ang ulo ko.

"Sige po. Bukas na bukas, haharapin ko na sila." Napangiti naman si Mama at bumitaw na sa akin.

"Mabuti kung gano'n. Huwag mong limitahan ang sarili mo, okay? Dapat masiguro mo na iyong taong pipiliin mo ang talagang gusto mo para wala kang pagsisihan sa huli. Sige na. Matulog ka na."

Nakangiti akong tumango ako at nahiga sa kama. Kinumutan niya naman ako at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto.

-

Wala talaga sa plano ko ang pumunta ng Intrams. Pero dahil sa naging pag-uusap namin ni Mama ay naisip kong ito ang perpektong panahon para timbangin ang nararamdaman ko.

Iginala ko ang paningin sa school at nagulat nang bumungad sa akin ang magulong itsura ni Justin. Wala pang suklay ang basa niyang buhok at ang ilang butones ng suot niyang polo ay wala pa sa ayos.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Hinihingal niyang pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang braso niya at napahawak sa tuhod niya. "Bakit hindi ka nagsabi?"

Wala siyang dalang bag kaya sigurado akong wala rin siyang panyo at suklay. Inalis ko ang bag sa likod ko at kinuha ang ilang gamit ko ro'n bago muling humarap sa kaniya.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon