Chapter 18

23 4 1
                                    

Justin's POV

Magmula nang makarating ako ng school hanggang ngayong break ay hindi ako pinapansin ni Shar. Para bang iniiwasan nya ako dahil kahit nitong umaga ay hindi na niya ako hinintay sa bahay nila at nauna nang pumasok.

Dahil ba 'yon sa nangyari kagabi? Does that mean na aware na siya sa feelings ko? Is that a good thing?

"Ang lalim ng iniisip mo, ah? Baka malunod ka niyan," biro ni Sejun saka ipinatong ang tray ng pagkain niya sa table at naupo sa tabi ko.

"Malungkot 'yan. Hindi ba naman pinapansin ni Sharlene," pang-aasar ni Stell na ginatungan naman ni Josh.

"Siguro umamin ka tapos binasted ka, 'no? Aw. Brokenhearted ang baby namin."

"Speaking of pag-amin, ano nga palang nangyari sa confession mo kagabi? Balita ko dumating si Kuya Yani, ah?" tanong ni Sejun.

"Tinatanong pa ba 'yan? Edi wala. Alam naman nating lahat kung sino ang gusto ni Shar, 'di ba? Tapos sakto pa na dumating iyong taong 'yon. Ang galing rin kasi tumayming ng Kuya mo e, 'no? Haha!" natatawang sabi ni Stell.

"Kawawa ka naman pre. Parang kagaya ka no'ng bida sa pinapanood kong anime." Nagtataka naman naming tiningnan si Ken.

"Kilala niyo si Naruto? Sikat 'yon so, kilala niyo siguro 'yon. Tapos gusto kasi no'n si Sakura. Lagi siyang nakabuntot do'n. Pero ang gusto ni Sakura, si Sasuke. Nando'n naman si Naruto pero pinili pa rin ni Sakura si Sasuke."

"Ah! Parang sa Peter Pan. Nandon naman si Tinkerbell pero pinili ni Peter si Wendy," ani Stell.

"Parang sa Hunger Games. Nando'n si Gale pero pinili ni Katniss si Peeta," dagdag pa ni Josh pagkatapos ay tumingin kay Sejun na para bang hinihintay itong magsalita rin.

"Parang ngayon. Nandyan ka naman pero mas pinili ni Sharlene ang kuya mo," nakangising sabi ni Sejun at nagtawanan silang apat. Minsan nagtataka talaga ako kung paano ko naging kaibigan 'tong mga 'to, e. Ang sasama ng ugali.

"Pwede ba? Kung wala kayong magandang sasabihin, manahimik na lang kayo," naiiritang sabi ko saka nagsimulang kumain.

-

"Maglabas kayo ng 1/4 sheet of paper at may surprise quiz tayo."

Nagsiangalan ang lahat nang marinig ang sinabi ni Sir pagkapasok niya ng room. P.E. ang subject kaya sa tingin ko ay kaya ko namang ipasa kahit walang review.

"Huwag na kayo umangal. Ang may pinakamababang score, may punishment," sabi niya na lalong nakapagpaingay sa mga kaklase ko. Napatingin naman ako kay Shar na ngayon ay hindi maipinta ang mukha at halatang kinakabahan na. Anong klaseng punishment naman ba ang ibibigay niya?

"Sir! Anong parusa po matatanggap ng lowest?" tanong ni Mark.

"Secret. Now, you've got 30 minutes to answer the questions. 15 items lang naman kaya alam kong kayang-kaya niyo 'yan. You may start."

Tumahimik na ang lahat ng magsimula ang timer. Luckily, multiple choice ang type ng quiz kaya kahit papaano ay mas napadali ang pagsasagot namin. Si Shar kaya? Siguro naman hindi siya ang magiging lowest, 'di ba?

"Finish or not finish, exchange with your seatmate," utos ni Sir pagkalipas ng 30 minutes pagkatapos ay inilipat ang slide ng powerpoint niya kung saan nakalagay ang answer key.

Pagkatapos naming magcheck ay bumaling siya sa amin.

"Once I shout the number, pass the paper with the said score. 15."

"14."

Nagpatuloy sya pagbibilang hanggang sa kaunti na lang ang natitirang may hawak ng papel. Nang mapansing wala nang nagpapasa after ng ilang number ay nagtanong na si Sir.

"Sino pang di nakakapagbigay?" Tatlong kaklase naman namin ang nagtaas ng kamay kabilang na si Donny. Naku po.

"Anong scores ng hawak niyo?"

"9 po," sabay na sabi nila.

"8 sir," nag-aalangang sabi ni Donny saka tumingin kay Shar na nakayuko.

"Ok. Pass me those papers and Ms. San Pedro, follow me to the faculty. Goodbye class."

Nagmamadali kong binitbit ang bag ko nang makitang palabas na si Shar. Last subject naman na namin iyon kaya hihintayin ko na lang siyang matapos sa faculty para sabay kaming makauwi.

-

Sharlene's POV

I'm gonna make you fall for me

Two days na ang nakalipas mula nang sabihin 'yon ni Jah pero hindi pa rin iyon mawala-wala sa isip ko. Paulit-ulit ko iyong naririnig at ayaw akong tantanan. Hindi tuloy ako nakapagfocus sa quiz kanina

"Ms. San Pedro! Are you still with me?" Napabalik ako sa katinuan nang marinig ang malakas na pagtawag ni Sir. Buti na lang kaunti lang ang nandito sa loob at hindi nila masyadong narinig si Sir. Nakakahiya!

"Yes sir?"

"Like what I've said, dito gaganapin ang friendly battle ng basketball team ng school natin at ng Morleen High bukas. Unfortunately, hindi makakaattend ang manager ng team dahil may sakit siya. That being said, kaya kita pinapunta dito para sabihin na ikaw ang magiging substitute niya."

"Pero sir–"

"No worries. It won't be that hard. You'll just have to support them by giving them their needs. On that game lang naman. Hindi naman siguro mahirap iyon?"

"Yes sir," sagot ko pagkatapos ay nagpaalam na. Mukhang wala rin naman akong magagawa.

Gustuhin ko mang isipin na may advantage rin naman ang pagiging manager ko in a day dahil mapapanood ko ang game ng malapitan ay hindi ko maiwasang isipin si Ricci.

Paano ko siya haharapin? Paano kung gawin niya rin iyong ginawa ni Jah? Kay Jah pa nga lang hindi ko na kaya, paano kapag dumagdag pa siya? Baka mabaliw na ako nang tuluyan.

"Tapos na ba?"

Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita si Jah sa labas ng faculty. Sinubukan kong maglakad palayo at magkunwaring hindi siya nakita at narinig pero nahawakan niya na ang kamay ko.

"Nagtama ang mata natin. Huwag ka nang magpanggap."

"A-ah, uy!" sabi ko saka tumawa para pagtakpan iyong kaba ko. "Uuwi ka na? Ingat! Pupuntahan ko pa si Riz, e. Una na ako."

Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero masyadong siyang malakas.

"Nakauwi na si Riz. Akin na iyang bag mo," utos niya.

"H-hindi na. Kaya ko naman," tanggi ko. Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa. Pagkatapos ay nagsimula nang maglakad pero hawak pa rin ang kamay ko.

"J-jah, iyong kamay ko," naiilang na sabi ko. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nagsisimula na rin kaming pagtinginan ng ibang estudyante. Meron pang mga nagbubulungan at iyong iba naman ay parang kinikilig pa.

"Di ba sila iyong magjowa no'ng mini con? Nakakakilig shems!" mahinang sabi no'ng babae sa katabi niya.

"Sinabi mo pa! Ang swerte ni ate! Parang gusto ko na rin magka-boyfriend."

Kung anu-anong bulungan pa ang narinig ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Tiningnan ko si Jah pero hindi ko makita ang reaksyon niya dahil diretso ang tingin niya sa daan.

"Jah! Bitawan mo na 'ko. Hindi mo ba naririnig iyong pinagsasabi nila? Akala nila, in a relationship tayo," bulong ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ayoko nga. Buong araw mo akong iniwasan, tingin mo pakakawalan pa kita? Tsaka iyong iniisip nila? Wala namang mali ro'n, ah? In the end, magiging akin ka rin naman."

Ano raw?

____________________________________________

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon