Justin's POV
Panibagong araw na pero hindi pa rin maalis ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Halos hindi ako patulugin nito kagabi.
I have this feeling na may nakakita sa amin kahapon.
Paalis na ako no'n para hanapin si Shar nang makarinig ako ng kaluskos. It's as if someone was watching us from afar. And it's creeping the hell out of me.
We've been attracting a lot of attention simula nang magsama kaming lima. At hindi ako bulag para hindi makita ang inggit sa mata ng ilan sa mga babae kay Shar dito sa school. Hinahayaan niya lang pero sa totoo lang ay marami-rami na rin ang pangbubully na naranasan niya dahil sa amin. That is why I want her to decide already.
Hindi siya pumapatol sa babae and they're taking advantage of it. She won't let us do anything and I can only deal with this frustration. And this uneasy feeling isn't helping at all. Tsk.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako kina Shar. We'll spend the whole day together and I should be excited pero hindi ko mapigilang mag-aalala sa kung anong pwedeng mangyari. What if may manakit sa kaniya? Pa'no kung– No.
Huminga ako nang malalim at hinawi ang buhok ko. Natawa na lang ako sa sarili at napapailing na nagpatuloy sa pagbike.
Why didn't I realize it sooner? She's with me so she'll be fine. Definitely.
Napangiti ako nang maabutan ko si Shar na naghihintay sa labas ng gate nila. Agad siyang umangkas sa likod at isinandal ang likod sa akin. Hindi man lang nagsalubong ang tingin namin sa sobrang bilis ng ginawa niya. Parang ilag siya kaya hindi ko napigilang magtaka. Hindi niya rin ugaling umupo sa gano'ng ayos unless pagod siya o nagtatampo.
So, which is it?
"Good morning."
Nanatili siyang tahimik na parang walang narinig.
"Aga mo, ah? Excited?" biro ko pero hindi pa rin siya nagsalita. "Anong gusto mong gawin?"
"Wala."
May halong inis ang pagkakasagot niya kaya napahinto ako. Kinakabahan akong lumingon para silipin ang mukha niya. Kunot-noo at masamang tingin ang bumungad sa akin kaya nag-aalangan akong ngumiti.
"Nagsisimula pa lang tayo pero bakit ang cold mo na?"
Nagulat siya sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. Marahan kong hinawakan ang pisngi niya para iharap ang mukha niya sa akin.
"Day one pa lang 'to nang panliligaw ko sa 'yo pero parang basted na ako. May nagawa ba akong mali?"
"Wala."
Hinawi niya ang kamay ko saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko para paharapin iyon sa daan. Nagsimula akong magmaneho nang maramdaman ko ang muli niyang pagsandal sa likod ko.
Hindi ko alam kung anong ginawa ko at nagkakaganito siya. Kahapon ko pa hindi maintindihan itong inaakto niya. Para bang may nagawa akong mali na siya lang ang nakakaalam. Hindi naman siya galit dahil sa paghalik ko sa kaniya. Okay pa nga kami no'ng paglabas namin ng rooftop, e. Pero buong biyahe hanggang sa makauwi siya sa kanila ay wala na siyang imik.
Hindi ko siya makausap nang matino sa ngayon. I need to get to school as soon as possible.
-
Papasok pa lang kami ng gate nang bumaba si Shar. Walang lingunan siyang dumiretso sa loob kaya nagmamadali kong nilock ang bike para humabol sa kaniya pero masyadong siyang mabilis. Ni anino niya ay hindi ko na makita at lalo akong nahihirapang hanapin siya dahil sa dami ng students.
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...