Justin's POV
"Hindi ako makapaniwala."
Pumangalumbaba si Shar at natulala. Ilang beses niya nang sinabi ang linyang iyon mula nang makalabas kami ng office. Kahit ako ay hindi makapaniwala dahil sobrang babaw ng dahilan no'ng Andrea para planuhin lahat no'ng ginawa niya kay Shar.
Pagkatapos kasing umamin ni Cruz ay agad na pinatawag si Andrea. She did not deny the accusations and even admitted na binayaran niya iyong boys para gawin iyon kay Shar. Kahit na pinaliwanag na nina Ricci iyong totoo ay hindi pa rin siya naniniwala at sinabing lahat ng ginawa nila ay deserve ni Shar. It's really scary what insecurities can do to someone.
Dahil do'n ay binigyan sila ng 2 weeks suspension. One week naman kay Ricci dahil sa pambubugbog niya kay Angelo habang ako, si Shar at Ken ay suspended for 3 days.
Natawa na lang ako nang maalala kung paanong nag-iba ang mukha ni Miss nang malamang walang kinalaman sila Stell sa pangyayari. Buong oras kasi namin sa office ay nandoon sila at nakikinig. Hindi na lang kami hinintay na matapos para makapagkwento. Chismoso rin ang mga loko, e.
"Ako rin. Hindi rin ako makapaniwala na may gano'ng klase ng tao na nagkakagusto kina Donny at Ricci. They're like obsessed. Tsk tsk tsk."
Sharlene looked at me and smiled bitterly before sipping on her coffee. I raised my eyebrow and leaned on the table to get closer to her.
"What's with that face?"
"Naisip ko lang. Paano kung meron ding magkagusto sa 'yo tapos gawin iyong ginawa nila sa akin?"
Natigilan ako at napatitig sa kaniya nang matagal. Gusto kong sabihin na hindi ko hahayaang mangyari iyon pero that's impossible. Nagawa nga nila ang ilan sa mga iyon sa kaniya without my knowledge. How am I gonna make sure na hindi iyon mauulit? I don't wanna make statements and promises I can't guarantee.
"Everything will be alright." Is all that I can say.
Nginitian ko siya saka mahinang pinisil ang pisngi niya. Napangiti naman siya at pinisil ang ilong ko.
"Bawal po ang PDA dito. Pwede na po kayong umalis."
Nilapag ni Zack ang pagkaing inorder namin for take out at nakabusangot kaming tiningnan. Nagkatinginan naman kami ni Shar saka sabay na natawa.
"Thanks for the service," sabi ko pagkatapos ay bumaling kay Shar. "Let's go?"
Lumabas na kaming dalawa nang matapos siyang magpaalam kay Zack. Pasimple kong hinawakan ang kamay niya at napangiti nang hayaan niya lang ako.
"Saan tayo?"
"Bahay," walang ganang sagot niya. Hindi naman ako umangal pa. After all that's happened, I know she needs rest.
Open gate tuwing Intrams kaya nakalabas kami ng school without any problem. Gaya ng upo niya nitong umaga ay gano'n rin ang pwesto niya pagkaangkas sa bike ko. Hinayaan ko naman siya dahil alam kong pagod siya.
Tahimik lang kaming pareho hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila. Pagkababa niya ay tumayo na rin ako para itulak ang bike saka ipinark pagkapasok namin ng gate. Dito na lang din muna ako magsestay dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. Aalagaan ko na lang muna siya.
Habang papalapit sa kanila ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Huminto naman siya sa paglalakad at kunot-noong tumingala para tingnan ako.
"Yes?" nakangiting tanong ko.
"Akala ko ba, day one 'to ng panliligaw mo?"
Tumango ako at bahagyang yumuko para pumantay sa mukha niya. Nang magkalevel na ang tingin namin ay muli ko siyang nginitian. "Yes. Bakit?"
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...