Stell's POV
"Sharlene!"
Napalingon kaming lahat nang may tumawag kay Shar. Nakita namin si Zack na kumaway at nakangiting tumakbo palapit sa amin.
"Asungot."
"Narinig ko 'yon," asar ko nang marinig ang bulong ni Justin. Matalim naman niya akong tiningnan kaya hindi ko napigilang matawa.
"Uy, Zack!" bati ni Shar nang tumabi ito sa kaniya.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Ah, nakita kasi namin yung flyer dito. Naghahanap daw sila ng pwedeng magperform for the mini con," sabi ko.
"Pinag-iisipan namin kung sasali ba kami. Biglaan din kasi, e. Three days na lang iyong natitirang time to practice tapos may exam pa. Syempre, kailangan rin magreview." Tumango naman ako sa sinabi ni Sejun.
"Ay, oo. 'Di na raw kasi makakasama 'yong isang student na dapat magpeperform. May naibigay pa naman na sched sa mga performers. Dahil may umalis, kailangan nila ng papalit to fill the time allotted do'n," paliwanag ni Zack.
"Grabe! Anim na kaibigan ko ang magpeperform sa mini con? Nakakatuwa naman. Ichicheer ko kayo! Gawa na rin kaya ako ng banner? Tsaka chant? Excited na 'ko!" nagtatatalon sa tuwang sabi ni Shar.
"Huwag ka munang magsaya. Hindi pa nga namin alam kung makakasama kami, e. Pipili sila remember?"
"Ano ba Jah! For sure mapipili kayo! Sobrang galing niyo kaya!" Napatingin ako kay Jah at napangisi nang makita siyang nakangiti.
Aysus! Kanina lang parang mangangain ng tao 'to, ah?
"Ano? Punta na ba tayo doon? May 35 minutes pa naman bago matapos ang break," sambit ni Josh.
"Paano 'pag mahaba ang pila? 'Di pa ako nakakakain."
"Lahat tayo Ken. Hindi ka nag-iisa. Mamaya na lang tayo kumain. 'Di naman tayo magtatagal do'n, e."
"Sejun's right. Galing ako do'n kanina at wala masyadong nag-audition. Everyone's busy preparing for the exam, I think," sabi ni Zack saka kami nginitian.
"Oh? Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" aya ni Shar.
"Ay? Ikaw mag-au-audition, 'te?" biro ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin bago tumawa.
"Pwede naman kaso baka 'di na kayo
makapagperform niyan?" Natawa kaming lahat pagkatapos ay pumunta na sa canteen.-
Donny's POV
Nandito ako ngayon sa Theatre Room at pinapanood ang estudyanteng sumasayaw. I was asked by Ms. Cruz to assist her sa paghahanap ng performer dahil nabawasan kami ng isa at kailangang mapalitan iyon agad.
"Ilan na lang ang natitirang auditionees?" tanong ni Miss pagkalabas no'ng student.
Tiningnan ko ang list bago bumaling sa kaniya. "Dalawa po."
"Papasukin mo na yung sunod, " utos nya.
Lumabas ako ng room at sinabihan iyong sunod na performer na nasa labas. Isasara ko na sana ang pinto pagkapasok niya nang makita ko sina Shar.
Habang papalapit siya ay lumalakas ang tibok ng puso ko. I felt the urge to hide and was about to when our eyes met.
"DONNY!"
*lubdub*lubdub*
Sign no. 1: Your heart beats faster when she's around.
What the hell?!
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...